Chapter 10

68 5 6
                                    

Nagising ako kinabukasan. Masakit ang ulo at mahapdi ang mga mata nang matamaan ng sinag ng araw na nagmumula sa siwang ng nakahawing kurtina. Hindi ko namalayan kung anong oras na akong nakatulog kaninang madaling araw. 


Nilagnat si JJ kahapon. So, I canceled our trip abroad. Mas mahalaga si JJ kaysa sa anumang personal na interes ko. I had him checked by Dr. Sandejas, his pediatrician. Normal lang daw 'yong lagnat niya. It's part of his growing up. 


He's turning one by next month. His lola has already planned his 1st birthday party. Isasabay na rin ang binyag. She wants a grand celebration para sa una at nag-iisang apo. I can only agree. My son deserves to be introduced into the world as the heir of the Narvaez Empire.


 
Siyempre, wala naman akong ibang kukuning ninang kundi 'yong mga kaibigan kong may topak. They actually volunteered. Kaya wala na akong nagawa. Magiging kumare ko sila kahit tutol ang kalooban ko. I don't think they will become a good influence to my son. Lalo na yong Ivana na 'yon. Baka kung ano-anong ituro kay JJ. Pfft!



I look around. I've seen Penny, the nanny, na nilalaro si Jj mula sa crib nito with his stuff toys. Hindi ko na namalayan na sa kama ako ng nursery room nakatulog.


 
"Good morning, Ma'am." Bati niya sa akin. She's smiling. I've chosen her personally. From among the applicants, I know I can easily gain her loyalty.


"Good morning. How long I've been asleep?" Ayaw niyang umalis kagabi kahit na sinabihan ko nang maunang matulog. Sinamahan niya akong magpuyat at magbantay.


"Mga 6 hours po Ma'am. Mag-aalas-diyes na po. Hindi ko na po kayo ginising dahil alam kong puyat kayo."


Tumango ako. "Pinakain mo na siya?" Tanong ko kasabay ng pagbangon ko bago tinungo si Jj sa crib niya.

I greeted the most wonderful person in my life- my baby. Nakangiti niyang iniaabot ang mga maliliit niyang braso sa akin. Namumula man ang mga pisngi at ilong, ang cute cute niya pa rin.


Kinuha ko siya at itinaas sa ere bago kinarga. "You had me worried, baby. Hmmm." Mabagal ko siyang isinayaw. Nagbilin ako kay Penny na ihanda ang ilang gamit ni Jj. I plan to take her out for a little walk to the nearest park.



It's Saturday. So, I'll be spending the whole day being a full-time Mom to Jj setting aside all the responsibilities for my homeworks. That can wait. Ibinigay ko sa nanny si Jj so I can take a bath. Nang makalabas ako ng banyo, agad kong pinagtuunan ng oras ang paglalagay ng make-up. Patapos na ako nang katukin ni Mama Claire ang pintuan sa silid ko.


"Come in, Mama."


"Penny told me you're going out with JJ." Karga niya si JJ.


"Yes, Ma. I haven't done it since my classes started." Kasunod niyang pumasok ang katulong dala-dala ang cellphone.


"Rico and the rest of his men will go with you." She said with finality in her tone kaya tumango na lamang ako.

 
"Your husband is on the phone." She informed me. Napaangat ang kilay ko. Mabuti na lang at tapos na akong mag-ayos. 


Milagro! What made him call? Trying to be a concerned father now? I took the phone na iniaabot ng katulong. I face him in the video call wearing my white robe. I took Jj on my lap while sitting at the edge of my bed. I saw Mama Claire signal to go out kasama ng katulong. She's giving me the privacy to talk to him. Ipwinesto ko ang cellphone paharap sa amin ni Jj.

Reigning Battle Beyond GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon