Chapter 29

40 5 0
                                    

Hindi pa ako nakaget-over sa ginawa niya. Naiinis pa rin ako dahil wala akong magawa. I can't slap or punch his thick face in front of our son. Magmumukha akong bayolente at evil sa mata ng anak ko. I don't want him to hate me and take side with his father.

"Pasalamat ka nasa harapan tayo ng anak mo, kung hindi kanina pa kita binalian ng buto." Saad ko nang makitang abala na si Jj sa pagkain. We head straight to a restaurant first bago pumunta sa pinakamalapit na mall.

Ayaw niyang kumain sa isang fastfood sa mall. Puro cholesterol daw roon. Ang arte. He won't let Jj eat such food. Di wow! Siya na talaga ang health concious and all. 

Pasaglit-saglit na inaalayan ng nanny si Jj. Most of the time ay ayaw niyang tulungan siya. Ang katwiran niya ay big boy na daw siya and that he can do a lot of things independently.

Kami ang magkatabi sa upuan ni Altair at nasa kabilang bahagi naman ang dalawa sa tapat namin. He ordered nutritious food according to him. Chopped Farmhouse Salad with Roast Turkey, Rotisserie Chicken Lunch Bowl, bgarlic butter skillet teak and shrimp. May ilang side dishes din na hindi ko pinagkaabalahang pansinin. I'm not very particular sa food. As long as walang halong peanut, that's okay. 

At saka ayos lang dahil wala naman akong specific food na gustong kainin at the moment. Medyo malawak ang mesa kaya may kalayuan ang upuan sa kabila. Jj won't clearly hear and understand what we're talking anyway.

"You always wanted to hurt me when we're together. I've forgiven you for what you did in Tagaytay." He's referring to that incident of me shooting him on the spot. Sus! Malayo naman sa bituka. I'm not even regretful. Why did he have to forgive me in the first place?

"I haven't forgiven you yet. I will never forgive-"

"I won't ask forgiveness either... for a sin, I don't remember I committed." putol niya sa sinasabi ko.

"Hindi ko alam kung bakit patuloy mong itinatanggi." Kunot-noong pahayag ko. Hindi ko mabasa sa mga mata niya ang pagkukunwari. I don't understand. BBkait hindi na lang niya aminin?

"At hindi ko rin alam kung bakit ipinagpipilitan mo pero ayaw mong ipaalala sa akin. You're hiding something, I'm sure of it."

"At ikaw? Wala ka bang itinatago?" Balik ko sa kanya. Huwag siyang magmalinis dito. I know who he is. Nanahimik na ako at nagpatuloy sa pagkain. Baka mawalan pa ako ng appetite. Sayang yong buttered shrimp, oh.

"Can we at least have a truce?"Nakita niya ang pag-angal ko kaya dinugtungan niya ang pahayag. "For Jj's sake." Napailing ako. He knew I'd gave in para kay Jj. "I'm tired from work and this daily argument worns me out. Hindi ka ba napapagod na lagi tayong nag-aaway?"

"Who started?" Paratang ko. "If not because of your pride and  selfishness-"

"It doesn't matter who started. Let's make a truce."

"Let me handle AJN Manpower Services after graduation, then?" I bargained. It's one of the companies under Narvaez Corporation. "Unless you give me that position, I'm accepting that truce."

"Don't you have plans of pursuing your MA?" Pag-iiba niya ng paksa.

"I do." Balak kong mag-enroll agad this coming school year. Pero hindi ko na kailangang sabihin pa sa kanya ang mga personal kong plano pagdating sa career ko.

"How about your time with Jj? Especially that he will start his formal schooling four months from now."

"Uso mag-multitask." Simple kong sagot.

Reigning Battle Beyond GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon