"Care to explain?"
Napatitig ako sa inosenteng mga mata ni Shaza. She saw something in social media na nag-stir ng rumors at even siya ay naki-usisa.
"In every photos, there are stories behind." Saad ko.
"Are you cheating to your husband?" Walang kamuwang-muwang na tanong ulit niya. She's so keen in following moral standards, rules and by-laws.
Inakbayan siya ni Ivana. Nasa open field kami, sitting in the trimmed burmadagrasses under the umbrella tree.
"Don't believe everything you see and read in the social media. Most of the time, it's not true."
Hindi ko alam kung ano ang plano ni Brix when he posted my side profile inside the chopper while looking outside the window. Hindi naman gaanong halata na ako iyon dahil sa headphone. But those people who are close to me knew that it was me.
Maraming haka-haka at sapantaha ang naglabasan especially those who are following and supporting Brix in social media. Ang lakas kasi ng appeal na kahit hindi siya artista o model, may fans club siya. Kaya tuloy lumalaki ang ego eh.
Mas naging unexpected ang mga komento ng netizens dahil sa caption na inilagay niya.
"Some people find treasures in the deepest of the ground. But look! Here's a gem in the open air, flying with me."
"Tsk. Lakas maka-issue nong caption niya, gurl." Komento ni Dionne. "Sanaol."
"Pa'no na si kumpareng Altair?"
"Uuwi yon, sure ako."
"Magkaka-giyera na ba?"
"Anong sabi niya?"
Nagkabit-balikat ako. He hasn't called yet. Baka busy. Or di pa niya nakikita? Pero laging updated iyon tungkol sa akin eh.
Wala ding kibo si Rico nang sunduin ako at ihatid sa KMA gym para sa training ko. Imposibleng hindi iyon nakarating sa kanila. I don't want to hear criticism from the two but their silence is making me uneasy.
"Jem! Focus!"
Nahilo ako nang tumama sa akin ang punching bag. Natumba ako at napaupo sa floor matt. Itinukod ko ang kamay sa magkabilang bahagi at bumuga ng hangin.
"What's wrong?" Tanong ni Zuri na nakapamaywang sa harapan ko.
"What's bothering you?" Tanong niyang muli nang hindi ako sumagot. Napatingin ako sa punching bag na nakasabit at unti-unting humihinto sa pabalik-balik na mosyon.
Tinabihan niya ako at ginaya ang pwesto ng pag-upo ko. Nakataas ang mga tuhod at magkalayo ang mga paa. "Want to take a break?"
Nagpunas ako ng pawis gamit ang towel na nakasampay sa leeg ko. She's been teaching me to punch with force and speed. "Sorry. I'm out of focus."
Tila hinintay niya akong mag-open up. She reached for our water bottles in the bench and gave the one to me. Uminom siya. Tagaktak ang pawis niya. Mas pagod pa yata ang trainer ko kaysa sa akin.
"Friends pala kayo ni Brix?" Aniya nang hindi makatiis sa pananahimik ko.
She caught my full attention sa sinabi niya. Kilala din pala niya. Maybe she's friends with them. Mukhang nabasa niya ang mga katanungan sa mata ko kaya siya na ang nagpaliwanag.
"We're high school classmates."
Oh. I see. Now, I know. So, she must know a lot of things. Kaya pala dito din nag-ji-gym ang tatlong iyon. Zuri is a co-owner. They are mutual friends.
BINABASA MO ANG
Reigning Battle Beyond Greed
Storie d'amoreON GOING I am Jem Mendez. A mother at eighteen. Married to Altair Jairus Narvaez, a billionaire and a business tycoon. Will my greed satisfy my desire to be more powerful or will it destroy my heart and the simple life I used to have? DATE STARTED:...