Chapter 45

17 3 0
                                    

Pigil ko ang hininga nang pagbuksan ko ng pintuan ang kumakatok.

"Jem..." 

Halos napapikit ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Ngunit nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Doc Floyd iyon. He is the doctor whom Sindy referred my sister to in this hospital.

"Doc! We are about to leave." Lumabas na kami ni Jj sa silid. Dama ko pa rin ang matinding kaba at pagtahip ng dibdib. Anytime, Altair might arrive. 

"Then, I'll send you off.  I just drop by to give you some reminders about Maicah's condition." Tumango ako at matamang nakinig sa mga bilin niya. Pagkatapos ay sinabayan niya kami sa pagpasok sa elevator. I felt his hand on my back na tila inaalalayan ako.

Nanlalamig at pinagpapawisan ang mga kamay ko sa tensyon. "Thank you for taking care of my sister."

"Oh. That's my job." Ngumiti siya. He looks like a fresh breath of air. Sabi nila ang mga doktor halos wala nang tulog, but this one in front of me doesn't seem deprived of sleep. He even has smooth and clear glass skin. No pimples, no dark circles. Ang sarap niyang tignan.

Hindi ko namalayan na nagngingitian pala kami sa mga bagay na pinagkukuwentuhan namin.

"Do you like my Mommy, Doc Floyd?"

Napataas ako nang kilay sa biglaang tanong ni Jj. I glared at him and mouthed "stop" ngunit nagkibit-balikat lamang siya. Hinila ko siya papunta sa aking harapan at hinawakan ang magkabilang balikat niya as if hugging him from the back habang nakatayo. "Pasensya na. He's a keen observer and straightforward." 

Pakiramdam ko talaga ay nakuha niya ito kay Ivana at Dionne. "It's okay. Smart kid." Ginulo niya ang buhok ni Jj na ikinabusangot ng mukha nito. Part of growing up, he doesn't like his hairdo look messy and unruly. "You must be very proud to have him."

"Yeah. He's my gem."

"I might be hating my Daddy for now, but I still like Daddy better than anybody else to be with my Mommy." Nakasimangot na komento ni Jj habang nakatingin sa harapan sa repleksiyon naming tatlo. 

Nagkatinginan tuloy kami ni Doc Floyd at sabay na natawa. Napailing ako. "Loyal pa din sa Daddy niya kahit galit siya."

"What a lucky guy." Komento na lang ni Doc Floyd. "We're good, right? Don't worry. I don't have plans on stealing your Mommy to your Daddy kahit crush ko pa siya." Tila batang pagkausap niya kay Jj nang lumuhod ito sa harap namin para magpantay ang mga mukha nila at nang tumango si Jj ay tumayo na ito at kinindatan pa ako. Napangiti na lang ako at napailing.

That's the scene na nabungaran nang taong naghihintay sa labas nang bumukas ang elevator door.

"Daddy?!" Si Jj na bumasag nang katahimikan.

I can feel how Jj got nervous. Mahina kong pinisil ang mga balikat niya to assure him that it's going to be okay.

"Thanks again, Doc Floyd. We gotta go. Sinusundo na kami ng- hubby ko." For a moment, nagdalawang-isip ako kung ano ang itatawag ko sa kanya. But- whatever! It doesn't really matter.

He greets Altair politely bago nagpaalam sa amin.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"What are you doing here?" Tanong din niya.

"I visited an old friend who happens to be hospitalized here. Ikaw?" 

"With Jj?"

"Yeah. Is it wrong? We plan to go to the mall and spend some time at the Kidzona pero naisipan ko munang dumaan dito."

"Dumaan? For about 3 hours?"

Damn stalker. I should have known! Kung hindi ako mag-iingat, mabubunyag lahat ng sikreto. Next time, I will always keep in  mind to make a decoy. "Natagalan kasi yong kuwentuhan. Catching up." Paliwanag ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reigning Battle Beyond GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon