"Happy birthday, baby boy!" Magkapanabay na bati ni Dionne at Shaza nang makapasok sila sa malawak na foyer ng bahay.
Nag-unahan silang kargahin si Jj pero dahil first time silang makita ni Jj ay tila kinikilala pa sila.
"Gosh... ang cute cute mo talaga!" Nanggigigil na komento ni Shaza habang bahagyang kinukurot ang magkabilang pisngi nito.
"Wafu, tingin dito. Smile for the camera..." Dionne said and took a selfie while leaning close to Jj's face. Nakisali na rin si Shaza.
I instructed them na sa simbahan na dumiretso pero mapilit silang dumaan muna dito at sabay sabay na daw kaming pumunta roon. Gaganapin ang binyag sa isang Christian Church where Mama Claire attends every Sunday.
"Ivana can't come. May emergency daw. Heto, para daw kay Jj." Dionne informed me sabay abot sa akin nang pulang sobre na may tatak ng Intsik at may naka-print na makukulay na tela at sa gitna ay may matabang pigura.
Napapalatak si Dionne at natawa si Shaza. "Ampaw talaga? Di naman 'yon Chinese, ah."
"Chinese 'yon. Kuripot. 500 pesos lang nilagay niya." Saad ni Dionne na tinignan pa talaga ang laman ng sobre.
Hindi ako nagkomento. Iniabot ko sa nanny ang pulang sobre at kinuha si Jj mula kay Shaza.
"Where's Altair, Jem?" Tanong ni Mama na galing sa dining room. She's supervising the meal preparation for the lunch. "Let's go. Male-late na tayo." Binati siya nang dalawa kong kaibigan nang lumapit para kargahin si Jj.
"Uyy, dumating si hubby..."
"Ahermmm.."
"Masusundan na kaya si Jj? Tapos pangalanan naman nilang MM."
"O kaya ay RR."
Napailing na lang ako sa takbo ng bulungan ng dalawa ngunit hindi ako nag-abalang bigyan ng atensiyon ang mga iyon.
"Nasa taas pa Mama. He said, susunod na lang daw siya."
"Let's go." Yaya ko sa mga kaibigan ko.
Isinama ni Mama Claire si Jj sa kotse nila ni Papa. While Rico will drive for me. May sariling sasakyan si Dionne at Shaza. Cleofe is already at the church. Si Ivana daw ay susubukang humabol.
"Come on! We're running late." Utos ko kay Rico na hindi pa rin pinapaandar ang kotse. Don't tell me he's waiting for Altair?
"He can use the Lambho." Suhestiyon ko nang mapagtantong wala pa siyang balak umalis.
"Sorry. But I received instruction to wait for him."
Tss! Wala akong nagawa kung hindi ang maghintay. "What took you so long?" Bungad ko kay Altair pagkapasok niya sa loob ng kotse makalipas ang limang minuto.
"Natagurian kang CEO but you're late." Pagmamaktol ko.
"Exactly! I'm the boss." Mayabang niyang saad.
"This not your day." Saad ko. Paimportante? Gusto kong idagdag.
"Are we seriously going to clash everytime we're together?" Taas-kilay niyang tanong.
Hindi na lang ako sumagot. Inabala ko ang sarili ko sa mga tanawin sa labas ng bintana kahit naman sawa na ako sa mga ito.
"When are you leaving?" Naalala kong itanong. Nasabi ko na bago ko pa napag-isipan. It sounds wrong base on his facial reaction.
"You want me to go back as early as possible when I just arrived last night. Don't you miss me?"
"There's a zero probability to miss you. I actually appreciate your absence." Sarkastiko kong saad.
BINABASA MO ANG
Reigning Battle Beyond Greed
RomanceON GOING I am Jem Mendez. A mother at eighteen. Married to Altair Jairus Narvaez, a billionaire and a business tycoon. Will my greed satisfy my desire to be more powerful or will it destroy my heart and the simple life I used to have? DATE STARTED:...