Chapter 30

36 5 0
                                    

"Happy graduation!"

"Congratulations!"

"Congrats, Jem!"

Dumagsa ang iba't-ibang mensahe at tawag ng mga kaibigan at kakilala ko sa araw na iyon para sa graduation day ko. 

"This calls for a celebration!"

"Sa'n ang after-party?"

"Bar tayo?"

I turn off my phone matapos kong pasadahan nang basa ang mga mensahe. Tan called. Mabuti na lang at nasagot ko bago ko patayin ang phone. He just asked me kung ano ang gusto kong regalo.

"Rest. Bakasyon." I answered.

"Hmm. Beach bum for a week?" He suggested.

"Pwede rin."

"Palawan? Or you can try out of the country." Saad niya.

"Pag-iisipan ko pa."

"Alright! Just tell me so I can make your reservations."

He also gave me update about Maicah. Lately ay napapansin kong busy din siya. Kung dati, madalas na naglalaan siya ng oras para mai-update ako once in a week, nagiging madalang na lang. Minsan nga lumilipas ang isang buwan na wala siyang paramdam.

Maybe some busines is taking his time. But I do hope it's someone. Or ako talaga yong walang paramdam.

I'm literallly tired from the closing ceremony. Bago iyon, puyat na puyat din ako the past weeks. 

Pakiramdam ko I need to take the next whole month off. Yong wala munang trabaho at iniisip na responsibilidad. Yong tipong hindi ko kailangang gumising nang maaga at mag-stay ng late sa gabi just to finish everything.

Kung hindi ko lang iniisip ang bill ni Maicah. Ang hirap kumayod ng pera. That's why I am always thinking of the easiest possible way.

Pero baka nga iyon lang ang gawin ko. Matulog, magrelax, at mamasyal sa malayo at payapang lugar sa susunod na buwan.

Sa lugar kung saan walang mukha at presensiya ni Narvaez. Kahit yon, lang. PLEASE. Piping dalangin ko.

Not because I am bothered of his presence. Naiimbyerna lang ako sa mga ipinapakita niyang- I don't know how should I call it. Kalandian sa katawan? May itinatago pala siyang gano'n?

Hindi na pala tago. Kasi ipinapakita na niya. Tss!. At hindi ako natutuwa.

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko matapos ang walang sawang picture-taking.  Kaagad akong sinalubong ni Mama Claire kasama si Papa, gayundin si Altair at ni Jj na hawak-hawak ng nanny nito.

"Congratulations, hija! We're proud of you." Mama hugs me and kisses me on both cheeks.

"Congrats, hija. I know you'll make it to the top." Bati naman ni Papa nang yakapin ako at mahinang tapikin ang likuran ko.

"Salamat po." Taos-puso kong pasasalamat sa kanila. Of course, I acknowledge their help. I might be greedy but I know how tp be grateful.

Jj is holding a bouquet. Nilapitan niya ako para ibigay iyon. Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi bago tinanggap iyon. 

"Aw. How sweet-"

"These flowers came from Daddy!" Napawi ang ngiti ko. "This balloon came from me." Paliwanag niya kasabay ng pagbibigay niya ng malaking transparent na balloon na may pailaw effect sa loob niyon at may kasamang malaking note na may nakasulat na "Congrats, Mommy!"

"Oh. Thanks, baby! That's so thoughtful of you." Saad ko, setting aside Altair's effort to give me flowers.

Gabi na natapos ang programa. Kaya halata nang inaantok si Jj. So, we decided to go home already. Mama Claire said she has prepared a simple celebration at home. She invited some of their relatives. Pagkarating namin doon, hindi na ako nagulat sa simple celebration na inihanda niya.

Reigning Battle Beyond GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon