Chapter 31

36 5 2
                                    

Unti-unti akong napamulat sa tila basang pakiramdam na dumadampi sa pisngi ko. I groaned when I saw a close up view of Altair's face in front kasabay ng pagkunot ng noo ko. Did I just talk to a prince charming in a weird dream, a while ago?

"What are you doing?" Kumilos ako at isinandal ang likod sa headboard ng kama nang mahilo ako. Naka-ilang baso din ako ng wine. Napuna ko ang hawak niyang puting towel na nakabitin sa ere at akmang inilalapit sa pisngi ko. Hinawi ko iyon.

"I can manage." Namamalat at nanghihina kong saad. Ang huling tanda ko ay naupo ako sa sofa sa sala at pagkatapos ay nakaidlip. And then-

"Let me." Pagpupumilit niya. I look at him wanting to voice out the questions in my mind. "Just lay down-"

Did he carry me upstairs? Napaismid ako sa kumpirmasyon na baka nga siya yong kinakausap ko sa panaginip ko. And I really thought of him as a prince charming. Tss. There's nothing charming about him.

"Ako na." Matigas ang pagtanggi ko nang sinubukan niya muling idampi and towel sa mukha ko. I don't know why he's insisting to take care of me when it's crystal clear that I don't want anywhere near me. "Stop it. Get out." Medyo mas malakas ang tinig dahil naiinis na sa kakulitan niya.

Nang mapatingin ako sa kasuotan ako, mas lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. "Who the hell changed my clothes?!" Tinignan ko siya nang masama dahil siya lang naman ang naroon. Sino pa ba ang mangangahas na suotan ako ng pantulog?!

"How dare you!" Lumipad ang palad ko at lumagapak iyon sa pisngi niya. Halos matabingi iyon sa lakas ng impact. I saw how he exhaled and clenched his jaws as he tilt his head to face me. Dama ko ang pagkonkontrol niya ng emosyon niya. But I saw how he's slowly losing his temper and patience sa mga mata niyang mas madilim na ngayon at nakatitig nang mariin at puno ng pag-aakusa sa akin.

"The only thing I plan to do is to make it up to you and to Jj. But what do I always get in return? You- judging my sincerity and thinking ill about me."

Napailing siya at tila disappointed na tumayo nang hindi ako nilulubayan ng tingin. "I don't expect you to appreciate what I'm doing. At least, be human." May diin ang bawat bigkas niya ng mga katagang iyon.

"At least, be human." Ilang beses iyon na nag-echo sa pandinig ko. Naiwan along nakatulala doon. Napadako and tingin ko sa repleksiyon ko sa salaming floor to ceiling as isang bahagi ng silid. Am I becoming a monster? By harboring ill feelings towards the man who made my upside down.

He's the reason why I'm here. Siguro kung mayroon lang akong choice, hindi ko gagawin ito. Napatitig ako sa sarili kong mga mata. Hungkag. Walang emosyon. I can't even recognize the old me. She's gone. Matagal na.

Ang repleksiyong nakikita ko ay hindi ako. She's a broken-girl. Lost. Unsatisfied. Dead. Malayong-malayo sa dating Jem Mendez. Walang bakas ng kahit anong kasimplehan o kainosentehan.

"At least, be human." Am I becoming a monster?

But he's the one who turns me to be like one. Kasalanan ko ba? He did this to me. It was all his fault! Kaya wala siyang karapatang sumbatan ako. Bakit niya hihingiin ang isang bagay na una niyang ipinagkait sa akin... sa amin? He is not human himself!

Tila may bumara sa lalamunan ko at nahirapan akong huminga kasabay ng pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. I silently curse when I felt my tears streaming down on my cheeks. Hindi ko na kayang pigilan. Nagsisikip ang dibdib ko. Thinking about what happened in the past. Kung hindi nangyari ang aksidente. Kung hindi nabuo si Jj. Kung nasa Laguna pa rin ako, studying while living the simple life I should have and becoming the person I dream to be.

Reigning Battle Beyond GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon