Chapter 35

31 5 0
                                    

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan nang pauwi na kami. At wala akong balak basagin iyon. I don't want to talk about anything from the conversation we had with Michelle.

I know na mas dumami lang ang katanungan sa isip ni Altair matapos niyang mapag-alaman kung anong naging trabaho ko at a very young age. I can see it on his facial expression and the way he looks at me habang nagkwekwento si Michelle nang tungkol sa pinagsamahan namin sa trabaho.

Good thing, I wasn't forced to say anything kasi sinolo niya ang pagkukuwento. Nakahinga ako nang maluwag sa buong gabing iyon. Inakala ko pa man ding magigisa ako sa sariling mantika. Akala ko, katapusan na ng mga plano ko.

"Why do you have to work as an escort at the age of 18? Where are your parents?" tanong niya sa mababang tinig.

Escort girl. Marangal naman. Pero tingin niya kagaya ng karamihan, mababa at kahiya-hiya. Ayokong i-stress ang sarili ko kakaisip kung ano ang tumatakbo sa isip niya. The hell I care! Pinili kong pumikit habang nakakrus ang mga braso at nakasandal ang ulo sa head rest ng upuan, ipinagsawalang-kibo ang mga tanong niya. As far as I am concern, hindi ako magpapaliwanag sa kanya.

Ayokong balikan sa alaala ko kung paano ako maagang naulila sa mga magulang. Tapos, sumunod si ate. I've accepted their fate a long time ago.

Pero somehow, I always thought of the things that didn't happen kung sakaling hindi sila namatay. Maicah will not suffer that accident at ako... wala sana ako sa sitwasyong ito. I don't have to marry someone I don't know and I don't like to seek help sa pagpapalaki kay Jj.

"Don't bring up the past. I'm not in the mood to reminisce sad memories." I sternly said when I felt him staring at my face while my eyes are still closed.

"Why don't you open up?" Anas niya.

Napadilat ako at lumingon sa kanya. "Bakit? Friends tayo? Isa pa, you're not the man to be trusted."

"Did we meet in that bar?" Pagpapalit nito ng paksa. He asked Michelle the same question a while ago.

"No. Hindi ka familiar sa akin. I never saw you once in that bar na kasama ni Jem." Sagot ni Michelle. Kaya walang ideya si Michelle kung saan at kailan kami nagkita. I hope i just can say the same... na kahit ako, wala ding ideya. Pero hindi pwede. That would be too weird. To think na nagkaanak kami.

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang malaman iyon. Nasagot naman ni Michelle lahat ng katanungan niya ngunit nangungulit pa rin.

"If not. Saan tayo nagkakilala?" Tanong niyang muli. He lean closer. Halos dama ko na ang pagpaypay ng hininga niya sa pisngi ko.

Nagkibit-balikat ako. Not because I'm not willing to tell him. But because I have other reasons. I have no answers to his question.

"Did you have boyfriends back then?" Napakunot noo ako sa sumunod niyang tanong. Ano 'to? Interview? Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ako natutuwa.

"Why are you asking?"

"I'm getting really curious."

"Beware, curiosity kills the cat." Tinawanan lang niya ang babala ko. 

"Don't worry. I'm not a cat, wife. You should know that by now."

I can only agree. Pero hindi ko na isinatinig. "I don't do boyfriends." Simple kong saad. Kahit sa totoo lang, wala akong naging boyfriend. Never pa akong nagboyfriend. 

"Flings, then. Right! You're an escort. You're not exclusive to only one."

"What do you mean?" Nagpanting ang taenga ko sa sinabi niya. "Don't judge me just so because I worked as an escort. You know nothing, Narvaez."

Reigning Battle Beyond GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon