I've been thinking what they meant with those expressions. Mabilis rin silang nawala kaya hindi ko na nasundan ang mga ito. Isabel had been holding my hands trying to make it warm. Sinabihan ko siya na didiretso ako sa Main Library pero nag-insist siya na sumama. Sa huli, hindi ko siya napigilan dahil hindi ko magawang pumasok sa utak niya.
I do not have any more energy to do that. I felt so drained, at any time babagsak talaga ako. Kaya naisipan niya akong dalhin sa 1st floor kung saan may sariling clinic ang building. Matapos akong i-check ng assigned nurse, sinabihan niya akong kumain kasi daw baka nagugutom ako.
We then went to the Main Cafeteria.
Why does he look sad looking at me? Hindi ko naman sila kilala. I just met them, 'yon lang ang naalala ko, at ramdam na ramdam ko talaga na parang may kulang.
Baka naman kasi hindi para sa akin 'yon. Maybe they were talking, and it happened nakatingin ka sa kanila. I might have- no, I did misunderstand it.
Baka nga talaga hindi para sa akin 'yon. Nagkataon lang at kailangan ko ng kalimutan. Besides, maybe the thing I am missing, or I had forgotten is to eat.
Tanging black coffee at toasted sliced bread lang ang kinakain ko sa umaga. Maybe, I was really stressed at iyon rin ang sinabi ng aming nurse.
"Hey, Misha. Your balloon is expanding!"
Napatingin ako kay Cambre dahil sa hindi ko maintindihan ang sinabi niya. She's fond of making her own phrases, and I guess she will build her own dictionary one day.
"Cambre! Hindi sanay si Misha sa lenggwahe mong alien!" wika ni Isabel habang tinuturo kay Cambre ang tinidor na may Spaghetti pa.
"She's smart Isabel, Malalaman niya rin naman," depensa agad ni Cambre at ngumiti sa akin.
Kahit kailan hindi ko pinilit intindihin ang ibang lenggwahe ng babaeng ito, mauubos lamang ang oras ko kapag nakatuon ako sa binibigkas niya. Aside from that, her pressing thoughts did not support her statement: she just said it out of the blue.
"Tignan mo, Cambre! She looks confused!"
That's Fiona, Isabel's cousin which is also weird like Isabel herself. I mean, they are all weird. As far as I examined Fiona and her personalities, she's close to Isabel but differ when it comes to their voices.
Masyado silang friendly, madaldal at may pagka-clingy. Kung si Isabel mahilig sa pink, ito naman ay obsessed sa kulay blue. Simula sa headband nito na kulay lagoon, hanggang sa skyblue nitong nail polish. Mukha silang the Princess and the Pupper. Isali na rin 'yong light blue eyes ni Fiona na tantya ko ay contact lense lamang.
Nang makarating kami sa Cafeteria ay sinalubong ako ng apat na taong hindi ko kilala at kasama nila si Hayden na kaklase namin, at ang humihila sa akin na si Isabel - that leads to six humans directly staring at me.
All of them are Isabel and Jasper's friends: Cambre Alexa Allison is a grade 11 HUMSS A, while Fiona Eveleyn Brave-Wazon is in Grade 11 STEM B. The other one, Kent Linton in Grade 11 STEM B, is a certified Campus Varsity Player. Sa gwapo niyang mukha ay lahat ng dumadaan sa table namin ay humihinto at napapa-hi. Hayden Nilzon, Isabel, Jasper, and I's fellow classmate and this nerd boy, Carl Anthony Maret, which is in Grade 11 STEM B.
Si Cambre lamang ang na-iba dahil nais niya raw maging Lawyer, habang si Hayden at Fiona ay gustong mag doktor at sina Carl at Kent naman ay kukunin ang landas ng pagiging inhinyero at itong panghuli, gustong maging Architect ni Isabel.
Kanina pa sila rito at tapos narin ang recess time. Ang pinagkaiba, they skipped their second subject while mine was cancelled. Napansin ko lang na sobrang close nilang anim, at ito namang si nerd guy ay may pagka-madaldal na akala ko ay introvert. Pangiti-ngiti lang ako at sumasabay minsan, gaya ngayon.
BINABASA MO ANG
✓ | The Power of Mind [Season One]
Science Fiction"The mind is our greatest weapon, but also our worst enemy." ××××××× Date Published: June 5, 2021 Date Started: June 23, 2021 Date Finished: August 23, 2021