T1 • Chapter 4: The Unintentional Cooperation

476 25 0
                                    

June 22, 2021 • Tuesday

Nalate na ako ng gising kinaumagahan pero imbis na magmadali ay mas bumagal ang galaw ko. It's past seven thirty when I got out and before going to school, I stopped by at Noesis to get my daily dose of caffeine. Mahilig ako sa black coffee kaya lagi akong nagtetake out sa Café na ito. At wala akong mahagilap na original crew.

That makes me smirked.

Napansin ko kaagad ang nagkalat na mga estudyante sa Main District ng OCIS. Nakasimangot na mukha ni Manong Guard ang sumalubong sa akin pagkarating ko sa harapan ng eskwelahan. Mataman niya akong tiningnan kaya binigyan ko siya ng manipis na ngiti.

"Ikaw talaga, Misha. Hay nako! Late ka na naman!"

Napangisi na lamang ako sa tugon nito. "Simula sa unang araw ng pasukan hanggang ngayon nasa listahan ka talaga ng mga late comers, tatlong linggo mo na itong ginagawa at baka mapatawag ka na sa opisina ng Principal dahil diyan, Iha!"

I swiped my ID on the screen. Tumunog lamang iyon ng mahina at bumukas ang lagusan tyaka ako pumasok at tumungo sa pwesto ni Manong Guard na nakasimangot pa rin.

"Sa susunod baka hindi ka na papapasukin," bungad nito at agad na binigyan ako ng maliit at makapal na papel.

"Hindi naman ako late kahapon, Manong Guard!" sabat ko rito.

"Lunes kahapon, Iha. Alam na natin na bukas ang gate hanggang alas nuwebe ng umaga at walang nagbabantay. Baka naman babagsak ka niyan."

"Hindi ko na rin kasalanan iyon Manong kung babagsak ako sa lahat ng subjects ko dahil hindi ako pinapasok. Hindi ba at mas mabuti nang late keysa hindi talaga pumasok at umabsent?"

"May punto ka..."

"Kaya nga, it's acceptable. At least the students made efforts to still go to school even though she or he comes late. What is unacceptable is to tell the student being lack of behaviorism because they can't be punctual. Wala naman po talagang on time, hindi ba Manong? Hindi naman po pareho ang ating nga orasan. Time is relative as what the greatest scientist Albert Einstein said.

"Ang teorya ni Albert Einstein ay ang oras at puwang ay hindi pare-pareho sa iminumungkahi ng pang-araw-araw na buhay. Ibig sabihin, hindi mo maaaring sabihin na late ang isang tao, baka kasi maaga lang kayo dumating."

"O sya, o sya! Tama ka, pumasok ka na at gawin mo mamaya iyang community work pagkatapos ng klase."

Nakangisi akong naglalakad papasok habang iniwan si Manong Guard na pailing-iling sa huli kong sinabi. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Punctuality? That Mr. Raishin Percival sure is a legend.

For 3 weeks, I've been doing Community work to lift my punishment of always being late. Alam na iyon ni Manong kaya wala na talaga siyang masasabi.

Anim na araw sa isang linggo ko itong ginagawa, at alam ko nakakaumay na talaga na ako ang lagi niyang huling nakikita sa umaga. And to be honest? Nakakaumay rin ang gumagawa ng Community work, nakakatamad at nakakapagod.

Nakarating na rin ako sa district ng Senior High. I reached the third floor and pulled the door of my destined class for the subject General Mathematics.

Mr. Benedicto is currently writing something on the whiteboard using those erasable markers kaya hindi niya nakita ang pagpasok ko, or to be exact ulit- walang tumingin sa likod dahil lahat sila tutok sa kung ano man ang sinusulat ng aming propesor.

All the seats upfront were already taken and therefore I sat in one of the free chairs at the back. My classmates preferably sat on the front chairs to make sure they learn and digest the lessons easily, and I liked that this section is composed of half gifted with knowledge and half gifted with extreme endurance of the subjects.

✓ | The Power of Mind [Season One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon