T1 • Chapter 28: The Imprints of Hell

147 14 23
                                    

Everyone is hiding something. That is the statement that stays in my mind. Not just Captain slash Percival slash Raishin, all of them- including the members of Noesis, Inspector Barredo and Detective Davien. Sa katunayan, lahat ng taong hindi ko nababasa ay parang may tinatago.

O, baka, si Raishin ang mayroon tinatago sa akin na hindi ko dapat malaman sa mga taong hindi ko nababasa. He said he doesn't want "information" to be disclose to their heads when he knows "someone" might take them away. If he is referring to me, then clearly, ayaw niya na may malaman ako aside sa pwede kung kunin ang mga iyon.

But, these people. They are giving me clues or should I say confusions by stating small pieces of the whole puzzle. They are undeniably making me curious, and freely letting me hear them. Still, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko, dahil una sa lahat, the starting point is missing.

The question is, why.

Why did Raishin block their heads?
Why did Raishin block my ability?
Why did he give me a special exception that doesn't work well?
Why is he always hesitant to the things I ask?
Why is he being too controlling towards Noesis?
Why was he stabbed?
Why was he there at the crime scene?
Why did he show those expressions as if he was afraid of something?

And all the unending whys, the what's too, the when, where, who, and how. Hindi ko akalain na pinapahirapan ako ng 5W and 1H. Gusto ko lang naman ng piece of mind, hindi para ma-baffled sa mga walang katapusang mga tanong.

Pero sa huli, ang ending ng estorya- wala akong magawa kundi mag-intay. Taking every step slow until one piece of the puzzle shows and will uncover a small part of the whole portrait. I need to be patient towards it. Desisyon ko ang pumasok sa Noesis, at kailangan ko panindigan iyon. I made a promise, I need to keep it.

We left the crime scene as per advice my Detective Davien. Pabalik kami sa OCIS Hospital, and while on the way, walang bumasag ng katahimikan- na naman.

I can always feel they are hiding something. I didn't put stress towards it when I first met them, but with this situation, I am finally letting myself face it.

I can't believe everything happens so fast and the time is way too slow. Ang daming nangyayari pero kulang ang oras. It is the first week of July and this Month is already giving me too much headache. Minsan, I really wished that a single day could be 36 hours instead of 24.

Hindi nga kami lahat na-nanghalian dahil sa sitwasyon kaya ramdam na ramdam ko ang pagpunit ng stomach lining ko sa loob- way too exaggerated, Misha, huwag kang OA. Kumakalam lang ang sikmura mo dahil sa gutom, 'wag kang asumerang napupunit na ang tiyan mo.

Napabuntug-hininga ako.

"What is it?" Teressa suddenly asked.

Umiling ako, at pumikit. "For some reasons, my stomach is ripping apart."

"Gutom ka na siguro, ako rin eh. Gusto mo magstop over tayo sa Cafeteria bago pumunta ng Ospital?"

"No, Tessa. Ako na ang bibili. I'll go to the Cafeteria and both of you will go to the Hospital." Tumingin kaming dalawa ni Teressa sa nagmamaneho ng sinasakyan naming ACC. We didn't counter what Kenzo said and let the silence knock again.

Gaya ng sabi nito, he went to the Cafeteria alone and Teressa drove the ACC back to the Hospital. It is not usually like this, but today, silence is always active and puts everyone into their own worlds.

Dumating kami sa Hospital at pinauna akong pinapasok ni Teressa dahil i-papark niya raw muna ang sasakyan.

Naglalakad lang ako sa hallway ng biglang tumigil ang paligid: the people- the doctors and nurses, those people who passed by suddenly didn't move. Ilang beses pa akong napalingon sa iba't-ibang parte ng hallway baka kasali namamalikmata lang ako. Napasabunot ako ng marahan sa sarili kong buhok. Hindi lang ang mga tao ang tumigil, ramdam ko na hindi rin gumagalaw ang hangin, o kahit anong bagay na gumagalaw sa mundo- maliban sa akin.

✓ | The Power of Mind [Season One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon