"Will Teressa be here with us?" I asked him.
"Yeah. Mamaya pa ata. We shouldn't wait, so let's just start asking," agad na sagot nito. We went out from the STEM A building. Raishin told us to interview most of the victims and gather information as much as possible. Hinayaan ko siyang maunang maglakad at kalaunan ay may kausap na agad ito.
That is his specialty, gathering information by observing or talking with them. Since this case is already online, marami ang nakakaalam sa mga pangyayari kaya mabilis kaming nakakita ng mga nakascam na estudyante.
Nagkalat sila actually. Mukhang random ang nangyayari, base na rin sa mga napag tanungan namin. May nascam sa Elementary, Secondary, at Tertiary. Hindi ko maintindihan kung anong uri ng pangsa-scam ang ginagawa nito dahil hindi tugma ang mga impormasyon na nakalap namin.
"The scammer is a woman?" I asked the person we recently interviewed. Nagkatinginan agad kami ni Kenzo dahil roon.
"Oo, boses babae tyaka may pagkasexy." Tumaas ang kilay ko sa sagot niya.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Kenzo.
"Mukha ba akong nagloloko? Gusto ko maibalik 'yung perang ninakaw sa akin at wala akong balak mangtrip. Baka kayo itong nangtitrip sa akin!?" may halong inis na wika nito. Lumabas ang pilit na ngiti sa labi ko. Nagpasalamat na lamang kami at agad itong umalis. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko kaya napabuntug-hininga na lamang ako. Tumingin ako kay Kenzo.
"Kanina sinabi ng isa boses matanda," sambit niya.
"May boses lalaki rin," dagdag ko naman.
"Ngayon naman, babae? Sexy? Hahahahaha." Hindi napigilan ni Kenzo na matawa sa nangyayari. Umikot tuloy ang mata ko sa reaksyon niya.
"This person is using a voice changer, kung hindi naman siya gumamit no'n, may kasabwat siya."
"Tama ka. But, it is highly unusual for an old man to be inside the premises. Aside from our Superiors, nabibilang lang ang mga matatanda rito," sagot nito sa sinabi ko.
He has a point.
"Then, we will go for the voice changer," he agreed to what I said.
Kanina pa kami nakikipag-usap sa mga estudyante. Naisipan namin ni Kenzo na pumunta sa bawat district kung saan may nascam at doon magtanong. Ginagawa naman namin at iyon nga, halos hindi kami makapaniwala sa mga sinasabi nila. Ilan sa kanila nagsabi na tinawagan sila, 'yung iba naman nagtext daw at kailangan ivisit 'yung site, may iba naman via email ang nasesendan ng message at once na maopen mo iyon at mag fill up ng impormasyon, doon na nangyayari ang scam.
Kadalasan sa mga nakakausap namin ay may tumatawag daw sa kanila at ang mas malala ay gumagamit ata ito ng voice changer dahil halos lahat ng mga sagot ay magkakaiba. May lalaki raw na nasa mid 30's at ang iba late 20's. May babae rin na boses at halos mabaliw ako kakaisip dahil hindi naman sila nagsisinungaling. Napaupo na lamang ako sa isang bench dahil sa pagod.
Mahigit dalawang oras kaming naglalakad at nangangalap ng impormasyon dahil may kalayuan ang mga districts. Isali pa na may pilay ako kaya hindi ako pwedeng mabinat talaga. Kenzo continued talking to someone. He is writing something on a small notebook he is holding at sa lagi siyang nakangiti kausap ang mga estudyante, lalo na kapag babae.
Kenzo may sometimes talk out of ordinary, blurt out his own opinion without stopping or thinking for a moment but he is very discreet. Just like the name that was given to him. When he is on a mission, he talks like he is not Kenzo. He is focused, attentive to details especially to how students move and interact. Natapos na agad ang pakikipag-usap niya at nakangiting nilandas ang pagitan namin. He sat beside me and a loud sigh escaped his lips.

BINABASA MO ANG
✓ | The Power of Mind [Season One]
Science Fiction"The mind is our greatest weapon, but also our worst enemy." ××××××× Date Published: June 5, 2021 Date Started: June 23, 2021 Date Finished: August 23, 2021