Yssabelle
Nang makapasok na ako sa loob ng Academy, malawak na paligid at magagandang tanawin ang aking nakikita.
Wala akong nakikitang estudyante kahit isa.
Mukhang hindi pa ngayon ang araw ng pasukan.
Habang naglalakad ako papunta sa office ng Headmaster, hindi ko mapigilan na humanga sa ganda ng disenyo ng Academy.
Magiging maayos kaya ang pag-aaral ko dito?
Sana naman walang mga maldita at masasamang ugali na estudyante dito.
Pero hindi na ako aasa, dahil alam ko naman na hindi mawawalan ng inggitera at maldita sa mga eskwelahan, sa mundo ng mortal man yan o sa mundo ng mahika.
Sa sobrang aliw ko sa paligid hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng office ni Headmaster.
Kumatok muna ako bago pumasok.
Hindi ko talaga ugali ang kumatok pero unang araw ko dito sa Academy kaya kailangan maganda ang impression nila sa akin.
First impression last sabi nga nila. Akala mo talaga ko matino eh.
"Pasok." Saad naman ng isang boses.
Base sa boses ni HM mukhang hindi pa siya ganun katandaan.
Pinihit ko na ang door knob at pumasok na sa loob.
"Good morning po HM." Bati ko kay HM na kung makangiti ngayon eh akala ko may napaka gandang nangyari sa kaniya.
"Good morning din iha, What's your name?" Tanong naman niya.
Bilis naman niya makalimot o baka naman kasi madami kaming binigyan niya ng letter kaya hindi na niya maalala.
"Yssabelle Sebastian po HM." Sagot ko naman.
Pagkarinig niya ng sinabi ko ay siyang pag angat niya ng tingin.
"Isa ka sa binigyan ko ng letter iha hindi ba?" Tanong niya.
Mukhang naalala na niya.
"Ah opo HM." Sagot ko naman.
Tumango tango naman siya.
"Ano nga pala ang mahika mo?" Tanong niya.
Wind na lang ang sasabihin kong kapangyarihan ko tutal babagay naman iyon sa kulay ng buhok at mata ko.
Kapag sinabi kong Ice or Fire hindi sila maniniwala eh lalo na sa kulay ng buhok at mata ko.
"Wind po HM." Saad ko na naman na siyang nagpagulat sa kaniya.
Hala, bakit? bawal ba na dalawa ang may hawak ng Wind?
Alam ko kase hawak ng mga Royalties ang elements na Fire, Earth, Wind, Ice at water eh.
Kaya siguro nagulat si HM kase ang alam ng lahat, Royalties lang ang pwedeng mag may-ari nito.
"Royalty ka ba iha?" Tanong niya.
Nako HM, kung alam mo lang.
Mas malakas pa ako sa Royalties na sinasabi mo.
"Ah hindi po HM, hindi ko rin po alam kung bakit Wind ang kapangyarihan ko eh." Pagsisinungaling ko naman.
Great.
Magsinungaling ka pa Yssa.
"Ang alam ko nga po talaga Royalties lang ang dapat may hawak ng element power, pero siguro po sinuwerte lang ako na Wind ang kapangyarihan ko." Dagdag ko pa, para naman maniwala siya na hindi ko talaga alam.
BINABASA MO ANG
The Last Immortal
FantasySi Yssabelle Sebastian ay lumaki sa isang ampunan. Walang kaibigan at pamilya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na pagkatao niya, maliban na lang sa kaniya. Paano kung dahil sa isang invitation letter, magbago ang takbo ng buhay niya? Ang boring...