Chapter 19

4.7K 138 1
                                    

Yssabelle

Pinagmasdan ko lang si Maple na pumunta sa gitna ng laban habang takot na takot.

Sabagay, kung poision ang kapangyarihan ng kalaban niya wala talaga siyang laban, dahil madali lang mamamatay ang halaman niya pag kinontra iyon ng lason.

Mukhang diskarte na lang ang natitirang paraan ni Maple para manalo sa laban.

"Belle? sa tingin mo mananalo si Maple?" Tanong ni Anica.

Tanong naman 'to ng tanong. Hindi na lang manuod at hintayin kung sino ang mananalo.

"Depende kung makakahanap siya ng paraan at hindi umaasa sa kapangyarihan niya. Dahil, sa laban na ito dehado talaga si Maple."Saad ko sa kaniya.

Napatango naman siya at inilipat ng muli ang atensiyon niya sa laban.

Kasi, kahit patamaan ni Maple yung kalaban niya ng sangkatutak na halaman, kung matatamaan naman iyon ng poison ng kalaban, edi wala rin.

"Fight!" Saad ng MC.

As usual, umatake agad ang kalaban ni Maple.

Ilag lang ng ilag si Maple, kaya sumisigaw na rin ang mga estudynate.

"Ano ba yan, walang kwenta!"

"Lumaban ka naman!"

"Puro ka ilag!"

Sigaw ng karamihan.

Maka demand naman 'tong mga 'to akala mo ang gagaling nila.

Edi sila na sana ang lumaban.

Hinihingal na si Maple, kakailag sa mga atake ng kalaban niya.

Napatingin naman ako kay Maple ng umatake siya, ang ipinalabas niyang halaman ay may mga tinik pero hindi pa nito naaabot ang pwesto ng kalaban niya ay agad na itong nalanta dahil sa lason ng kalaban.

See? kahit malakas ang mga halaman niya kung matamaan ito ng kapangyarihan na maaaring makasira dito, wala rin mangyayari.

"Kaya mo yan Maple!" Sigaw ni Anica.

Infairness, supportive siya.

"Matatalo siya." Saad ko.

Napatingin naman sa akin si Anica dahil sa sinabi ko.

"Ano ka ba belle, maging positive lang tayo. Kaya yan ni Maple." Saad niya.

"Alam mo kung sana iba ang nakalaban ni Maple mananalo siya, pero anong laban ng halaman sa lason?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala." Saad niya habang nakayuko.

Hindi na rin nagtagal ay inanunsyo na ang nanalo, at si Jennifer iyon.

Malungkot na bumalik si Maple sa pwesto namin at agad naman siyang niyakap ni Anica.

"Ayos lang yan, baka hindi mo lang talaga araw ngayon." Saad niya.

"Siguro nga." Malungkot na saad ni Maple.

"At ngayon, dumako na tayo sa Section C." Saad ng MC.

"Hala belle! tayo na! ano gagawin ko?!" Natatarantang saad ni Anica.

"Umatras ka na para hindi ka na kabahan diyan." Pagbibiro ko sa kaniya.

Natawa naman ako ng hampasin ako nito.

"Basta tandaan mo lang yung mga itinuro ko sayo. Makakaya mo yan, atsaka ipanalangin mo na lang na hindi mo makalaban ang isa sa mga elites." Dagdag ko pa.

Dahil ang section na lang namin ang natitira at ang section ng mga elites.

Malas lang ni Anica kapag natapat sa kaniya ang isa sa mga elites.

"Ang susunod na lalaban ay si Ms.Anica at si Prince Lucas." Saad ng MC.

Bigla naman nanigas sa kinauupuan niya si Anica ng marinig kung sino ang kaniyang makakalaban.

"Nako, Anica good luck alam mo bang walang patawad iyang si Prince Lucas sa mga kalaban niya mapa babae man o lalaki." Pananakot na saad naman sa kaniya ni Maple.

"Alam mo Maple, imbis na pagaanin mo yung loob ko tinakot mo pa ko." Nayayamot na saad ni Anica.

"Wala na, talo ka na agad Anica. Ano laban ng apoy mo sa yelo?"Nang aasar kong saad.

"Isa ka pa belle eh. Bakit kayo ganiyan imbis na i-cheer niyo ko pinapakaba niyo pa ko lalo."Nakangusong saad niya.

"Ms.Anica maaari bang bumaba kana dito." Saad ng MC.

"Hala Anica, bumaba ka na andon na si Prince Lucas." Saad naman ni Maple.

"Belle anong gagawin ko?"mangiyak ngiyak na tanong niya sa akin.

"Basta pag alam mong malapit ka ng matalo, mag focus ka ng mabuti pag may naramdaman kang parang gustong kumawala, pakawalan mo naiintindihan mo ba ko?" Seryosong saad ko sa kaniya.

Kahit kita ang pagtataka sa mukha niya ay tumango na lamang siya at tuluyan ng bumaba.

"Huy, ano yung sinabi mo kay Anica?" Tanong ni Maple.

"Yun lang yung paraan para manalo siya. Pag hindi niya nagawa yung sinabi ko, matatalo siya." Saad ko sa kaniya.

Tumango na lamang siya at ibinalik na ang atensiyon sa labanan.

                           ~~

Anica

Kinakabahan ako habang papalapit na ako ng papalapit sa pwesto kung saan kami maglalaban ni Lucas.

Bakit naman kasi siya pa ang makakalaban ko eh.

Pag tingin ko sa mukha niya, mukhang tama nga ang sinabi ni Maple, mukhang hindi ako pagbibigyan ni Lucas kahit pa babae ako.

"Fight." Saad ng MC.

Nakatayo lang si Lucas ilang metro ang layo sa akin ng bigla na lamang akong may naramdaman na papalapit sa akin.

Hindi ko alam pero bigla ko na lamang ibinaling ang ulo ko pakanan at laking gulat ko ng may matulis na yelo ang nanggaling sa likod ko at kung hindi ako nakaiwas malamang may sugat na ako.

Nakarinig pa ako ng pagsinghap dahil sa nangyari na iyon.

Maski ako ay nagulat dahil nailagan ko iyong yelo na iyon.

"Use your power." Saad ni Lucas.

"Ano naman laban ng apoy ko sa yelo mo aber?" Nayayamot kong saad sa kaniya.

"Kahit na, lumaban ka pa rin. Ayokong manalo ng hindi ka man lang lumalaban." Saad niya.

Aba't siguradong sigurado naman siyang mananalo siya.

Mabilis naman akong umilag ng umatake ulit si Lucas pero ngayon ay hindi na galing sa likod.

"Lumaban ka Anica!" Sigaw niya.

Dahil sa sinabi niya ay nagpakawala ako ng apoy, ngunit mabilis lamang iyon nawala ng gamitin niya ang kaniyang kapangyarihan.

"Mukhang kailangan ko ng tapusin ito." Saad niya at bigla na lamang niya akong pinalibutan ng yelo.

Damn, manghihina ako.

Unti-unti ng humihina ang paghinga ko ng maalala ko ang sinabi ni belle.

Kaya't nag focus ako at totoo nga ang sinabi niya dahil may nararamdaman akong isang malakas na kapangyarihan na gustong kumawala sa loob ko.

At kasabay ng pagmulat ng mata ko ay siya ring pagbasag ng yelong nakapalibot sa akin at nagpakawala ako ng bola ng apoy at ipinatama ko iyon kay Lucas.

Pero hindi lang ito basta apoy, kulay lila ang kulay nito.

Kasabay ng pag tama ng atake ko kay Lucas ay siya ring pag dilim ng paningin ko.

The Last ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon