Chapter 18

5K 129 4
                                    

Yssabelle

Nang matapos na kaming kumain ni zino ay gumayak na agad ako para pumasok.

Mga ilang minuto lang ay natapos na akong gumayak at handa na sa pagpasok.

"Baby, papasok na ko. See you later."

Paalam ko kay Zino.

"Baby, aalis pala ako ngayon. Pupunta lang ako sa kaharian namin, namimiss ko na din kasama ng matagal sila mama at papa eh."Saad niya.

Oh well, mas matagal kasi ang nilalagi niya dito sa dorm ko kaysa sa mismong kaharian nila.

Hindi ko nga alam kung ayaw niya ba sa kanila, o gusto niya lang talaga na andito siya lagi sa tabi ko.

"Oo naman baby, ayus lang. Alam ko naman na namimiss ka na rin nila makasama ng matagal eh."Saad ko sa kaniya.

"Thank you baby." Saad niya habang nakangiti.

"You're always welcome baby." Saad ko naman.

"Paano pala si Snow? maiiwan siyang mag isa dito sa dorm mo?"Tanong niya.

"Ah oo, kaya naman niya eh." Saad ko.

Hindi naman mapapano iyang si Snow. May spell naman akong nilagay sa kaniya maging ang mga Goddessess para maprotektahan siya.

Napatingin ako sa relo ko, at nanalaki na lamang ang mata ko ng malapit na pa lang magsimula ang leveling.

Panigurado nasa arena na sila Anica.

"Bye na baby. Magsisimula na yung leveling, baka mahuli pa ako."

Paalam ko sa kaniya at tuluyan ng lumabas ng dorm.

Tahimik lang akong naglalakad sa hallway at mukhang nasa arena na ang lahat. Dahil wala na akong makita ni isang estudyante sa paligid.

Gosh, mukhang ako na lang ang wala p sa arena.

Kamusta kaya si Anica? ngayon nga pala ang araw kung kailan namin ipapaalam na si Anica ang nawawalang prinsesa.

Kailangan ay malaman na nila agad ang totoo, para naman hindi na ako mahirapan na itago ang totoo sa kanila.

Sana naman ay handa na si Anica para dito. Well, wala man sa mukha ni Anica pero matatag naman yon.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa arena at gaya nga ng hinala ko nandito na ang halos lahat ng estudyante.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko.

"Belle dito!"

Pag tingin ko ay si Anica pala kasama si Maple.

Nasa bandang kanan sila naka pwesto at ang elites naman ay nakapwesto sa bandang kaliwa sa unahan.

Pumunta na ako sa upuan kung nasaan naka pwesto sila Anica at Maple.

"Hindi mo naman hobby ang maging late belle hano?" Pang aasar ni Anica.

"Hindi mo naman hobby ang pagiging usisera no?" Nakangising saad ko naman sa kaniya.

"Umagang umaga ah, wag mo kong simulan." Dagdag ko pa sa kaniya.

"Aga mo namang high blood Yssa."Saad ni Maple.

"Tigilan niyo ko." Kunwaring naiinis na saad ko sa kanila.

Napairap naman ako ng marinig ang mahihinang tawa nila.

Napatingin naman kami sa stage ng magsalita na si HM.

"Good morning students! ready na ba kayo sa leveling?" Masayang tanong ni HM.

"Yesss!" Sabay sabay na sigaw ng mga estudyante.

"Before we start our leveling, we have an announcement." Saad ni HM kaya napatahimik din ang mga estudyante.

"Kung dati, kailangan niyong basagin ang barrier gamit ang kapangyarihan niyo, ngayon ay kailangan niyong maglaban at maaari ninyong makalaban ang isa sa mga elites."

Matapos sabihin iyon ni HM ay puro bulungan at pag singhap na lang ang maririnig mo.

Para silang mga bubuyog.

"Listen! Kung sino man ang makakatalo o makaka abot sa score ng elites ay makakapasok na agad sa section ng mga elites."Dagdag pa ni HM.

At dahil don bigla naman natuwa ang mga estudyante.

Mukhang marami ang gustong makapasok sa section ng mga elites ha.

Well, maraming privelage ang pagiging parte ng elites. Makakasama pa nila ang mga royalties.

"Belle, sa tingin mo makakapasok tayo sa section ng mga elites?"Tanong ni Anica.

"Ako, oo. Pero ikaw? ewan ko lang."Saad ko sa kaniya.

Napatawa naman ako ng samaan niya ako ng tingin at hampasin.

"Makakapasok ako sa section ng elites kala mo ha!" Nakangusong saad niya.

Parehas naman kaming natawa ni Maple dahil sa itsura niya.

"Okay let's start with section A. Please come here Ms.Stella and Ms.Megan." Saad ng MC.

Napataas naman ang kilay ko ng makitang yung nakabungguan ko pala ang unang lalaban.

Napairap naman ako ng kumaway kaway pa siya sa ibang estudyante at kampanteng kampante na mananalo siya.

"Hoy Maple, alam mo ba kung anong kapangyarihan nung Stella?"Tanong ko sa kaniya.

"Ang alam ko illusionist yan eh."Saad niya.

"Sa tingin mo belle, sino ang mananalo?"Tanong ni Anica.

"Si Stella."Simpleng saad ko.

"Paano mo naman nasabi? eh electricity ang kapangyarihan ni Megan, isang bato lang niyan ng electric ball tumba na iyang si Stella, ano naman laban ng ilusyon don?" Nagtatakang saad ni Maple.

"Oo nga." Sang ayon naman ni Anica.

"Hindi naman palagi sa lahat ng oras at panahon nananalo ang malakas na kapangyarihan."Saad ko sa kaniya.

Napailing na lamang ako ng makita ang mga nagtatakang mukha nila.

Sabagay, hindi naman kasi nila alam na ginamit na ni Stella ang kapangyarihan niya kay Megan.

Hindi ko naman masisisi si Stella kung mandaya man siya dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya mananalo kay Megan kaya umatake na siya bago pa man magsimula ang laban.

Minsan, wala sa lakas ng kapangyarihan yan. Kundi nasa diskarte na rin kung paano ka lalaban at mananalo.

Napuno ng bulungan ang arena ng mapaluhod na lamang si Megan at nakahawak sa kaniyang ulo at parang hirap na hirap.

Mukhang nagsisimula na ang ilusyon na ginamit ni Stella.

Mas lalo pang napuno ng bulungan ang arena ng biglang sumigaw si Megan.

"Tama na! ayoko na! suko na ko!"Sigaw niya.

At dahil sa sinabi niyang iyon ay natigil na ang laban at ang panalo ay si Stella.

Marami ang nagulat sa pagkatalo ni Megan, syempre sino ba naman ang mag aakala na isang illusionist lang pala ang makakatalo kay Megan.

"How?"

"Ang galing." Saad ni Maple at Anica.

"I told you, hindi sa lahat ng oras ang malakas ang nananalo."Simpleng saad ko sa kanila.

"At ang sunod na lalaban ay si Ms.Maple at Ms.Jennifer." Saad ng MC.

"Good luck." Sabay naming saad ni Anica.

"Shit, anong laban ko sa poison user." Natatarantang saad niya.

"Ano ka ba, kaya mo yan."Pagpapalakas ng loob ni Anica sa kaniya.

Oh well, alam naman natin kung sino ang mananalo.

Hindi sa hindi ako naniniwala sa kakayahan ni Maple, unfortunately, bad match ang nangyari.

The Last ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon