Chapter 7

7.3K 216 25
                                    

Yssabelle

Matapos ang eksena namin nung Mr.Cold Guy na iyon ay nagpasya na muna akong bumili ng juice bago ako bumalik sa dorm ko.

Tahimik lang akong naglalakad papunta sa cafeteria ng may maramdaman akong kakaibang aura.

Mukhang hindi ito nag-aaral sa Academy.

Hindi ko na lang pinansin iyon dahil hindi ko naman nararamdaman na sasaktan niya ako o kahit sino dito sa Academy.

Nang makarating na ako sa cafeteria ay agad na akong umorder ng juice.

"Isang apple juice nga po." Saad ko sabay abot ng pera.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nagkaroon ng pera, ano pa silbi ng mahika ko kung hindi ko gagamitin hindi ba?

Kaya kong kopyahin yung mga bagay na nahahawakan ko.

Astig hindi ba? napaka useful kaya ng kapangyarihan ko na 'to.

"Eto na po ma'am." Saad naman ng tindera sabay abot ng juice sa akin, kinuha ko naman iyon ay umalis na.

Tahimik lang akong naglalakad pabalik sa dorm ko ng maramdaman ko na naman yung aura na iyon.

Sinusundan niya ba ko? well, wala naman akong pakielam as long as hindi niya ko sinasaktan.

At saka kayang kaya ko naman siya kung sakali.

Ang yabang ko ba? eh bakit ba nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.

Atleast hindi lang ako puro salita, hindi kagaya ng iba na puro salita kulang naman sa gawa.

Liliko na sana ako ng may biglang bumangga sa akin.

Take note, talagang binangga ako dahil malakas yung pwersa eh.

Pero dahil malakas at matibay yung katawan ko nakatayo pa rin ako at siya iyong natumba at ang malala pa, natapon sa kaniya yung juice na iniinom ko.

Argh, sayang yung juice ko. Unti pa lang naiinom ko don eh.

Sino ba naman kasi 'tong siraulo na 'to?

Tingnan ko naman siya at napatawa na lang ako sa aking isip dahil sa itsura niya.

Tumayo naman siya sa pagkaka upo at nanlilisik ang mata na nakatingin sa akin.

"Alam mo ba na ang mahal mahal ng damit ko na 'to, tapos tatapunan mo lang?!"

Nang gigigil na sigaw niya.

Aba, ang kapal naman ng mukha ng bisugo na 'to.

Siya na nga ang nambangga siya pa ang galit.

Dapat nga ako ang magalit dahil nasayang yung juice ko bwiset.

"Sino ba ang nambangga? hindi ba ikaw? tapos ngayon na natapunan ka ako ang sisisihin mo? bobo ka ba?" Kalmadong sagot ko naman sa kaniya na lalong nagpagalit sa kaniya.

Kulang na lang may lumabas na usok sa ilong niya sa sobrang galit.

"Damn you! Humanda ka sa akin!" Sigaw niya sa akin at nagsimula na siyang magpalabas ng kuryente sa kamay niya.

Oh, kuryente pala ang kapangyarihan niya.

Kaya siguro mayabang, akala niya siguro sobrang lakas na ng kapangyarihan niya.

At saka siya talaga yung itsura na nambubully sa lahat ng mga mahihina.

Well, ibahin niya ako dahil hinding hindi ako papayag na matalo lang ng isang katulad niya.

Tiningnan ko lang siya at hindi na ako nag abala na umaalis sa kinatatayuan ko ngayon.

"Ano? natatakot ka na ba ha? ilabas mo na yung kapangyarihan mo! siguradong mahina ka lang!" Sigaw niya at sinimulan na niyang ibato ang electic ball sa akin.

Masyado naman siyang bilib sa sarili niya.

Alam kong nagulat siya ng matapos niyang ibato sa akin yung electric ball niya eh, nakatayo pa rin ako dito sa pwesto ko at wala ni isang galos.

Nagpalabas ako ng kapangyarihan ko at hinayaan ko ito na pumalibot sa akin at ito ang naging shield ko.

"What?! bakit Wind ang power mo! Royalty lang ang pwedeng mag may-ari ng elemental power!" Sigaw niya, alam kong nagulat siya at naguguluhan.

Tsk, baka mahimatay pa 'to pag nalaman niyang lahat ng elemento kaya kong kontrolin.

Hindi na ko sumagot sa kaniya at naglakad na papaalis at iniwan siya don na nakatulala.

Matapos ang ilang minutong paglalakad nakarating na din ako sa dorm ko at dumiretso na sa kwarto para makapagpahinga.

Pero ganon na lang ang gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay isang gwapong nilalang ang nakahiga sa kama ko.

Feel at home naman siya masyado.

Naramdaman ko yung aura niya, at mukhang siya yung kanina pa sumusunod sa akin.

Ano kaya kailangan ng lalaking 'to sa akin?

Lumapit naman ako sa kaniya at naupo sa gilid ng kama.

Mas lalo ko pang nakita ang gwapo niyang mukha.

Pero sobrang putla naman nito.

Hmm, mukhang alam ko na kung ano siya.

Isang bampira.

"Hey, what are you doing here?" Tanong ko sa kaniya.

Dahan dahan naman niyang dinilat ang mata niya at ng makita niya ko ay bigla na lang siyang ngumiti.

Eh? ano trip nito?

"Ano ngini ngiti mo diyan? tinatanong kita." Saad ko at nahiga sa kabilang pwesto ng higaan. Wala naman akong pakielam kung katabi ko siya.

"Eh naglilibot kase ako tapos nakita kita kanina, tapos ng mapagod na ko kakasunod sayo hinanap ko kung saan ang dorm mo gamit ang scent mo. At ng makita ko na yung dorm mo, humiga ako dito sa kwarto mo at nakatulog."

Mahabang paliwanag niya

"Oh, eh bakit andito ka? ano pakay mo sa akin?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Well, you know the mate thing? that's why I'm here. You are my mate." Saad naman niya.

Oh. But, how is that possible? I'm not a vampire.

"How so? I'm not a vampire." Saad ko naman sa kaniya.

"Oh, well. It happens. Hindi naman porket hindi vampire ang isang nilalang ay hindi na namin siya pwedeng maging mate." Paliwanag naman niya.

Hmm, makes sense.

"You need to leave now, paano kung mahuli ka ng mga taga Academy?" Tanong ko sa kaniya, dahil bawal ata dito ang outsider.

"Hindi nila ko mahuhuli no, tinago ko ang aura ko." Saad niya na nagpangisi sa akin. So, ako lang pala ang nakakaramdam sa kaniya.

"Kailan ka aalis dito?" Tanong ko dahil sa nakikita ko parang wala siyang balak na umalis.

Kinuha ko ang kumot at humarap sa kaniya, pagharap ko ay bigla niya akong niyakap.

Feeling close naman 'tong bampira na 'to. Nakayakap agad dyusmeyo.

"Ayoko, dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo." Saad niya at saka siya nagsumiksik sa tabi ko. Akala mo naman mawawala ako.

Siraulo ata 'to eh? kakakilala lang namin tapos ganito na siya agad?

Well, siguro dahil na rin sa mate thing. Kaya komportable siyang gawin ang mga bagay na ito sa akin.

Pero ewan ko imbis na itaboy siya at magalit, natutuwa pa ko sa ginagawa niya.

I felt comfortable with him and I also felt loved.

"Immortal kayong mga bampira hindi ba?"

Ewan ko bigla na lang iyon lumabas sa bibig ko.

"Hmm, oo bakit mo natanong?" Tanong niya na may pagtataka.

"Hindi mo ko iiwan? promise?"Tanong ko pa sa kaniya.

"Promise." Saad niya.

At isang ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya at natulog na.

The Last ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon