Yssa
Bigla na lang napamulat yung mata ko sa ingay na narinig ko.
"Students! Walang klase ngayon, ilaan niyo ang araw na ito para bilhin na lahat ng gagamitin niyo para sa kompetisyon na gaganapin bukas." Saad ni HM.
Badtrip naman si HM oh, ang aga aga nambubulabog. Pwede naman niya sabihin yung announcement niya mamaya.
Nahiga na ako ulit, para matulog pa sana pero minulat ko rin ang mata ko dahil hindi na ako makatulog pa ulit.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang tumayo at bumaba na sa kusina para magluto ng kakainin ko at para gumayak na rin papaalis, dahil nafefeel ko na mamaya andiyan na yung mga elites.
After ilang minutes ay nakapagluto na ako at nagsimula na akong kumain.
After ko kumain ay pumunta na ako sa banyo para maligo.
Mga ilang minuto lang ay nakatapos na akong maligo at nakagayak na ako.
Paalis na ako, at pagbukas ko ng pinto ay nagulat na lamang ako dahil biglang may bumagsak sa harapan ko.
Si Vixien pala.
Nakasandal siguro siya sa pinto, kaya pag bukas ko lumagapak siya.
Hindi ko naman magawang tumawa dahil pagkagulat at awa ang nararamdaman ko sa kaniya.
Pero yung mga elites, tawa lang ng tawa.
"Huy, Travis tulungan mo si Vixien hindi na gumagalaw oh, natigok na ata." Inosenteng saad ko na lalong nagpatawa sa kanila.
"Salamat sa pagtulong guys ha. Naappreciate ko talaga." Sarkastikong saad ni Vixien ng makatayo na siya sa pagkakasalampak.
"Tutal ready na pala ang lahat, let's go na sa bayan para mamili ng gagamitin natin." Saad naman ni Jessica.
"Oo nga tara na, ikaw na lang Yssa ang kulang." Nakangusong saad naman ni Lily.
"Eto na nga ako oh, tara na." Yaya ko naman sa kanila at nauna ng maglakad.
After namin maglakad at nasa harap na kamo ng gate pero hindi pa rin kami umaalis.
May hinihintay pa siguro sila.
"May hinihintay pa ba tayo guys?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Oo, yung sasakyan natin." Saad naman ni Lucas.
"Ano naman yon?" Nagtatakang tanong ko.
Sasagutin na sana ako ni Lily ng bigla na lamang karwahe ang bumungad sa harapan namin.
Take note, galing siya sa taas. Ang galing naman para siyang Broom stick ng mga mangkukulam, lumilipad din.
"Huy Yssa, tara na." Yaya naman sa akin ni Anica, nakasakay na pala silang lahat ako na lang ang hindi pa.
Sumakay na rin ako sa loob at katabi ko si Anica pati na rin si Danica.
Himala at hindi magkatabi si Danica at Lucas.
Kaya naman naisip ko silang asarin.
"Huy Danica, bakit hindi ka nakatabi kay Lucas ngayon?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Ha? ah, wala lang. Atsaka naunahan na kase ako ni Vixien." Saad naman niya.
"Ah diba linta ka? bakit hindi ka kaagad kumapit kay Lucas?" Inosenteng tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Last Immortal
FantasySi Yssabelle Sebastian ay lumaki sa isang ampunan. Walang kaibigan at pamilya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na pagkatao niya, maliban na lang sa kaniya. Paano kung dahil sa isang invitation letter, magbago ang takbo ng buhay niya? Ang boring...