Yssabelle
Dahil sa ingay ng mga katulong at ni Zino ay may dalawang lumabas pa na mukhang nasa 40's pa lang nila. Mukhang eto na ang mga magulang ni Zino.
"Akala naman namin ay kung ano ng nangyayari dito. Dumating ka lang pala Zino." Saad ng Hari.
"Kapag talaga nandito ka sa bahay, napaka ingay palagi." Dagdag na saad naman ng Reyna.
"Grabe naman kayo sa akin. Para namang hindi niyo ako anak." Nkangusong saad ni Zino.
Isang magandang ngiti ang iginawad ko sa magulang ni Zino ng mapunta sa akin ang atensiyon nila.
"Good evening mahal na hari at reyna." Magalang na bati ko sa kanila.
Nagtataka naman ako kung bakit hindi pa rin sila nagsasalita hanggang ngayon at nakatitig lang silang dalawa sa akin.
"May dumi po ba ako sa mukha?" Pagbibiro ko naman.
Nabalik naman sila sa wisyo ng dahil sa sinabi ko.
"Ah, pasensiya na iha. Nagulat lamang kami dahil kamukhang kamukha mo si reyna Yssabelle." Saad ng mahal na reyna.
Kasi po, ako naman talaga si reyna Yssabelle.
Ngumiti na lamang ako dahil sa sinabing iyon ng reyna.
"Maraming salamat po sa papuri." Nkangiting saad ko naman sa mahal na reyna.
"Ma, siya nga po pala si Yssabelle." Saad ni Zino.
Dahil don ay lalo pa silang nagulat.
"Iha? sino ka talaga?" Tanong ng mahal na hari.
Paulit ulit tayo mahal na hari? Yssabelle nga diba. Hay nako.
"Ah, ako po si Yssabelle Sebastian." Saad ko habang nakangiti.
Hindi naman sumagot ang hari at tila malalim ang iniisip.
"Halika iha, maupo ka dito. Ikaw din Zino maupo ka." Saad ng mahal reyna.
Naglakad naman ako sa lamesa at naupo sa tabi ni Zino.
"Siya nga po pala ang girlfriend ko." Saad ni Zino.
"Nawala ka lang, pagbalik mo may girlfriend ka na?!" Sigaw ng mahal na reyna.
"Ayoko!" Dagdag pa ng mahal na reyna.
At dahil don, bigla na lamang akong nanlumo. Bakit ayaw ba nila sa akin? Maganda naman ako ah? Well, yung ugali ko hindi maganda. Pero mahalaga maganda ako, ganda na nga lang ang ambag ko sa mundo eh.
"Ma! mahal ko si Yssabelle! kahit anong gawin at sabihin niyo hindi ko siya hihiwalayan!" Matapang na saad ni Zino.
At heto ako, nakatingin lang sa kanilang tatlo.
"Ayoko siyang maging girlfriend mo dahil hindi ka niya deserve! Isip bata ka at wala kang alam gawin kung hindi maglibot!" Sigaw ng reyna sa kaniya.
Parehas kaming nakanganga ni Zino habang nakatingin sa mahal na reyna dahil sa sinabi niyang iyon.
Ano raw? hindi ko daw deserve si Zino? bakit?
Pinoproseso pa ng utak ko ang sinabi ng reyna ng bigla na lamang tumawa ng malakas ang mahal na hari.
"Hay nako mahal, puro ka talaga kalokohan. Huwag mo ng asarin iyang anak mo baka umiyak pa." Saad ng mahal na hari habang tumatawa pa rin.
Bigla na lamang akong napatingin kay Zino ng marinig ko ang mahihinang hikbi niya. What the hell? umiiyak ba talaga siya?
Dyusmeyo, hindi ko alam na isip bata pala itong bampira na 'to. Kaya siguro ganon na lamang ang naging reaksyon ng mahal na reyna.
Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ng mahigpit ni Zino habang umiiyak pa rin.
Napatampal na lamang ako sa noo dahil sa nangyayari ngayon. Hindi ko na ngayo alam kung boyfriend ba ang nahanap ko, o baby na kailangan ko pang alagaan.
"Anak tama na, wag ka na umiyak. Sorry na, binibiro lang naman kita eh." Paglalambing ng mahal na reyna kay Zino.
Nakakahiya naman 'tong si Zino. Napatingin naman kami sa mahal na hari ng magsalita ito.
"Zino, alagaan mo si Yssabelle. Mahalin mo siya katulad ng pagmamahal mo sa amin, maliwanag ba?" Seryosong saad ng mahal na hari.
"Oo naman po, kahit hindi niyo sabihin yun ang gagawin ko." Saad ni Zino.
Napangiti naman ako dahil don. Napatingin naman ako sa relo ko ng makitang masyado ng gabi. May pasok pa ako bukas at leveling pa.
Kailangan ko ng magpahinga.
"Mahal na rey--"
Naputol ang sasabihin ko ng makarinig kami ng hiyawan.
"Ano iyon?" Tanong ng mahal na hari.
"Mukhang nanggagaling po sa labas ng palasyo." Saad ko.
Tumayo naman ang mahal na hari at reyna para puntahan kung saan nagmumula ang hiyawan. Tumayo na rin kami ni Zino at sumunod sa mahal na hari at reyna.
Paglabas namin ng palasyo ay tumambad sa amin ang mga bampira na pinipigilan ang isang puting leon, at mukhang nagwawala ito.
"Anong nangyari?!" Sigaw ng mahal na hari.
"Mahal na hari, bigla na lamang po lumitaw ang leon na ito at nagwala." Saad ng isang bampira.
Pinagmasdan kong mabuti ang leon at ganon na lang ang gulat ko ng mapagtanto kong si Snow pala ito. Ang alaga kong mythical beast. Ano ginagawa niya dito? Paano siya nakatakas sa mga Goddessess?
Mas lalo pa akong nagulat ng makita kong sasaksakin ng isang gwardya si Snow.
"Huwag!" Malakas na sigaw ko kaya natigil ang gwardya.
Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ni Snow na ngayon ay nakatingin sa akin. Mukha namang nakilala niya ako at umamo na ang itsura niya. Hindi na siya ngayon nagwawala.
"Yssa! Huwag kang lumapit diyan baka masaktan ka pa!" Sigaw ni Zino.
Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin ako sa paglapit kay Snow.
At nang haplusin ko ang mukha nito ay bigla na lamang itong winagayway ang buntot niya na animo ay masayang masaya.
"Acronium Magnum." Pag cast ko ng spell. At nakarinig ako ng mga pagsinghap ng bigla na lamang lumiit si Snow na ngayon ay kasing laki na lamang isang ordinaryong alagang hayop.
"Mahal na hari at reyna. Maaari ko po bang kupkupin ang leon na ito? ipinapangako ko po na hindi na siya muli makakapanggulo pa." Saad ko.
"Ngunit lubhang mapanganib ang leon na iyan, kahit pa na napaamo mo siya." Nag-aalalang saad ng mahal na reyna.
"Pakiusap po mahal na reyna." Saad ko habang nakayuko.
"Oh sige, pero kapag nalaman ko na sinaktan ka ng leon na iyan, kailangan mo siyang ibigay sa amin maliwanag ba?" Saad ng mahal na reyna.
"Opo, Maraming salamat po mahal na reyna." Masayang saad ko.
Nakangiti naman ako habang nakatingin sa natutulog kong alaga, nang magsalita si Zino.
"Ma, kailangan na namin bumalik sa academy." Saad ni Zino.
"Oh sige, mag iingat kayo. Dumalaw ulit kayo dito kapag may libre kayong oras." Saad ng mahal na reyna.
"Paalam po mahal na reyna at mahal na hari." Paalam ko sa kanila habang nakangiti.
"Let's go." Saad ni Zino sabay hawak sa akin at tuluyan na kaming umalis sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
The Last Immortal
FantasySi Yssabelle Sebastian ay lumaki sa isang ampunan. Walang kaibigan at pamilya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na pagkatao niya, maliban na lang sa kaniya. Paano kung dahil sa isang invitation letter, magbago ang takbo ng buhay niya? Ang boring...