Lily
After matapos ang lahat ng nangyari sa Zargus City ay napagpasyahan na rin namin na umalis na.
Naglakakbay na ulit kami ngayon papauwi dahil hindi sila kami makakasakay ng karwahe dahil diba namatay na nga yung kutsero, eh wala naman may alam sa amin kung paano magmaneho ng karwahe. Tapos nakakainis pa dahil hindi kami pwede mag teleport or gumamit man lang ng portal.
Habang naglalakad kami ay napatingin naman ako kay Yssa na inaasar ngayon si Anica.
Iniisip ko pa rin yung about sa nakita ko kanina na nangyari kay Yssa, hindi ko akalain na may abilidad rin pala siyang makakita ng isang pangitain.
Napahinto naman ako ng huminto din sila.
"Magpahinga na muna tayo." Saad ni Lucas.
Umupo na muna ako sa isang tabi, sa malaking ugat ng puno ako naupo.
Habang nakaupo ako ay malalim pa din ang isip ko.
Napatingin naman kami ng may marinig kaming ingay at may nakita kaming matandang babae na naglalakad papalapit sa pwesto namin.
Mukha itong pulubi pero may napapansin ako na kakaiba sa matanda dahil masyadong malakas ang aura or enerhiya nito.
Pero mas lalo pa akong nagulat ng bigla itong huminto sa harap ni Yssa at bigla nitong hawakan si Yssa sa braso at sinabi ang katagang "mamamatay ka."
Pero ang mas nagpagulat sa amin ay dahil ngumiti lamang si Yssa sa matanda at dahan dahang inalis ang pagkakawak ng matanda sa kaniya na mukhang nagpagulat din sa matanda.
"Mawalang galang na ho, sino ho ba kayo?" Tanong ni Jessica.
"Oo nga ho, atsaka parang hindi naman ho tama na sabihin ninyo sa kasama namin na mamamatay siya, eh ni hindi nga ho namin kayo kilala." Dagdag naman ni Jerald.
"Atsaka ano ho ba ang ginagawa ninyo dito sa gubat?" Tanong naman ni Lucas.
Infairness, ang dami nilang tanong ha. Pero syempre, curious din ako kung sino siya. Dahil nga parang hindi naman siya talaga pulubi, at parang isa siyang malakas na magic user.
"Pagpasensiyahan ninyo na ang ginawa ko, ako nga pala si Cynthia Griffin. Isa akong witch." Saad niya.
Pagkasabi niya non, ay agad na nagbago ang itsura niya. Naging maayos na ang itsura at pananamit niya, at hindi na siya ganon katanda tingnan. Parang nasa 40's palang siya.
Isa sa mga kapangyarihan ng mga witch ay ang magbago ng anyo, kaya nilang mag anyong bata, matanda, lalaki, babae.
Kaya mapapakinabangan ang mga witch na estudyante sa mga mission dahil nga sa abilidad nilang magbago ng anyo.
"Teka ho, parang pamilyar po ang pangalan at itsura niyo." Saad naman ni Jessica habang kinikilatis ang babae.
Pero, tama siya. Parang pamilyar nga siya.
"Aha! ikaw po yung pinaka kilalang witch sa academy, na bigla na lamang nawala at walang sino man ang nakakaalam kung nasaan kayo." Saad ni Jessica.
Hala! Oo nga, siya yon!
Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko ngayon ang pinakakilalang witch sa academy.
Hindi kasi namin siya naabutan sa academy, pero nakikita namin ang info tungkol sa kaniya.
"Nandito ako ngayon sa gubat dahil kagaya ninyo ay naglalakbay din ako pabalik sa academy." Saad naman ni Ms. Cynthia.
Napatango naman kami.
May mga nagsasabi din na isa daw si Ms. Cynthia sa pinaka magaling sa pagtingin sa mga pangitain.
"Ah, kami nga po pala ang elites. Ako po si Lucas." Pagpapakilala ni Lucas.
"Ako naman po si Jessica." Saad ni Jessica.
"Ako naman po si Lily." Saad ko.
"Ako naman po si Jerald." Saad ni Jerald.
"At ako naman po si Jeremy." Saad ni Jeremy.
"At ako naman po si Anica, at eto pong nasa tabi ko ay si Yssabelle po." Saad ni Anica.
"Ay siya nga po pala, eto po si Danica. Ang nawawalang prinsesa po." Saad naman ni Jerald.
Pero nagulat naman ako dahil parang wala lang itong pakielam sa nalaman. Parang hindi siya naniniwala na si Danica ang prinsesa.
After ng ilang minuto ay napagpapasyahan na naming maglakad muli.
Tahimik lang kaming naglalakad, ngunit napapansin ko na panay ang tingin ni Ms. Cynthia kay Yssa.
Naku curious ako kaya nilapitan ko na si Ms. Cynthia.
"Ms. Cynthia, bakit po kayo tingin ng tingin kay Yssa?" Tanong ko sa kaniya.
Ngunit imbis na sagutin niya ako ay ang mga katagang sinabi ni Ms. Cynthia ay lalong nagpagulo sa aking isip.
"Siya na nagbabalik para wakasan ang kadiliman."
"Siya na pinaka malakas sa lahat."
"Siya na kayang gawin ang kahit na ang imposible."
"Siya na reyna ng lahat.
Matapos sabihin ni Ms. Cynthia ang mga katagang iyon ay iniwan niya ako ditong naguguluhan. Nagpigay pa siya ng parang bugtong na kailangan kong sagutin.
Nang makarating na kami sa academy ay dumiretso na kami sa office ni HM kasama si Ms. Cynthia pero nagpaalam si Yssa na pupunta na sa dorm para magpahinga, sumunod naman si Anica sa kaniya.
"Hello po, HM." Sabay sabay na bati namin kay HM.
"Welcome back, elites! congratulations dahil successful ang inyong mission." Masayang saad ni HM.
"At mukhang may dagdag pa kayong panauhin, Ms. Cynthia maligayang pagbabalik sa academy." Saad ni HM.
Nag paalam na kami kay HM at umalis na doon at nagpunta na kami dorm namin.
Pagkadating namin ay pumunta na kami sa kaniya kaniya naming mga kwarto.
Maging ako ay dumiretso na rin sa aking kwarto at nagpahinga na.
BINABASA MO ANG
The Last Immortal
FantasySi Yssabelle Sebastian ay lumaki sa isang ampunan. Walang kaibigan at pamilya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na pagkatao niya, maliban na lang sa kaniya. Paano kung dahil sa isang invitation letter, magbago ang takbo ng buhay niya? Ang boring...