Yssa
Nauuna na ngayong maglakad si HM. At kami, heto nakasunod lang sa kaniya.
"HM, magkakasya ba tayo sa tutulugan natin na yon?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Oo, may building para sa atin, at para sa ibang school. Sa building na pupuntahan natin, tayong lahat na taga majika academy ang gagamit non." Paliwanag naman niya.
Susyal naman ng Azure Kingdom. Pang malakasan talaga.
Napatigil naman kami ng huminto si HM, at pagtingin namin ay nasa harapan na pala namin ang isang napakalaking building.
"HM, baka kailangan ng hari at reyna ng katulong, ready naman akong mag apply, basta dito ako titira." Saad ko naman.
"Oo nga HM, sasama ako kay Yssa sa pag aapply, kung alam ko lang na may ganito palang lugar edi sana matagal na akong umalis don sa mundo ng mortal. Hindi pala ako maghihirap dito kahit magkatulong ako eh." Saad naman ni Anica.
"Hay kayo talaga, halina kayo at mamili na kayo ng kwarto ninyo." Saad ni HM at pumasok na doon sa loob ng building.
"Dito na kami sa 1st floor, kung gusto niyo sa taas kumatok muna kayo sa mga kwarto dahil baka may nakaokupa na pala ng kwarto na iyon." Dagdag pa niya.
"Yes, HM." Sabay sabay na saad namin.
At sabay sabay na kaming umakyat sa taas.
"Magsama sama na kayong girls, at kami din mag sasama sama na para hindi na mahirapan na gisingin ang isa't isa." Saad ni Lucas.
"Yes boss." Saad ko naman.
Pagdating namin sa taas ay napanganga kami dahil mas malaki pa siya sa dorm namin, ang haba ng hallway, parang pagdating mo sa dulo nasa kabilang mundo ka na.
Nagsimula naman ng kumatok si Lily sa mga pinto at nakaka apat na pinto na siya ngunit hindi pa rin kami nakakakuha ng kwarto.
Ngunit pagkatol niya sa pang limang pinto ay walang sumasagot, mukhang walang tao.
"Dito na lang tayo guys, wala pa naman naka okupa eh, atsaka para hindi na tayo masyado malayo." Saad naman ni Lily.
"Oh siya, diyan na kayo girls. Maghahanap na rin kami ng kwarto namin." Saad naman ni Travis.
Tumango naman kami, at pumasok na kami sa loob ng kwarto pagka alis ng mga boys.
Napamangha naman ako dahil, ang lawak din ng loob ng kwarto. Parang pwede na ngang gawing bahay sa sobrang laki eh.
May anim na queen size bed naman dito, at may ref na rin pati na rin mga tv at sofa. Parang hindi lang siya kwarto talaga.
"Buti na lang at sakto sa atin yung mga bed. Hindi na natin kailangan mag share sa isang bed." Saad ko naman.
"True, ayokong may katabi sa bed no." Saad naman ni Jessica.
"Wala rin naman may gustong tumabi sayo no." Saad ko naman sa kaniya.
"Argh! your so paepal talaga Yssa. I hate you." Nakangusong saad niya.
Natatawa naman akong nagpunta sa ref para tingnan kung anong pagkain ang nandoon.
And to my surprise punong puno yung ref ng groceries.
"Guys, hindi naman siguro sila magtataka kapag biglang nawala 'tong mga pagkain na 'to sa ref hano?" Tanong ko sa kanila.
"Bakit? hmm, hindi naman siguro kase baka isipin nila na kinain natin yung laman ng ref." Saad naman ni Lily.
"Hindi ko naman kase balak kainin eh." Nakangising saad ko.
BINABASA MO ANG
The Last Immortal
FantasySi Yssabelle Sebastian ay lumaki sa isang ampunan. Walang kaibigan at pamilya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na pagkatao niya, maliban na lang sa kaniya. Paano kung dahil sa isang invitation letter, magbago ang takbo ng buhay niya? Ang boring...