Yssa
Kinabukasan
Pagkagising ko ay tumayo na ako at maliligo na sana ako ng marinig ko ang boses ni HM sa speaker.
"Good morning students, I know this is unexpected but, you don't need to wear a uniform. Suotin ninyo na lang ay kung saan kayo komportable dahil wala kayong pasok ngayon."
"May iba kayong gagawin, sa arena na lamang tayo magkita kita mga bata. That's all." Saad ni HM.
The hell?! Kakagaling lang namin ng mission kahapon, tapos ngayon may gagawin na naman.
Ano na naman kaya ipapagawa ng matanda na yon.
Wala na akong nagawa kundi ang pumasok na sa banyo at naligo na.
After ng ilang minutes ay tapos na ako at nakagayak na rin ako. Suot ko ngayon ay croptop na sweater and then fitted denim jeans and I wore boots na din. Nang makagayak na ako ay lumabas na ako sa dorm ko.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa arena ng may biglang kumalabit sa akin.
Pagtingin ko ay si Maple pala.
"Hala, Maple. Buhay ka pa pala?" Natatawang saad ko naman sa kaniya.
"Grabe ka naman, malamang. Paghinga na nga lang ambag ko, hindi ko pa ba gagawin?" Saad naman niya.
"Tagal kitang hindi nakita ah, it's nice to see you again." Saad ko naman sa kaniya.
"Eh paano mo ko makikita, lagi kayong wala ng elites tas malayo ang room niyo sa room namin." Saad naman siya.
Well, she's right. Muntik ko na ngang makalimutan yung existence niya, charot!
"Ano kaya meron, bakit walang pasok ngayon tapos pinapapunta pa tayo sa arena." Nagtatakang saad naman niya.
"Ewan ko ba kay HM, kadaming ganap sa buhay. Hindi na lang manahimik sa isang tabi, dinadamay pa tayo." Nayayamot kong saad.
"Huy, gaga ka. Baka may makarinig sayo eh." Nag-aalalang saad naman niya sa akin.
"Huwag kang mag-alala, masasanay ka rin sa pagsasalita na ginagawa ko kay HM." Natatawang saad ko aa kaniya.
Hindi pa kasi niya kami nakikita at naririnig ni HM na nagbabardagulan eh.
After ilang minutes ay nakarating na rin kami sa arena, at natatanaw ko naman na ang mga elites.
"Yssa, dito!" Sigaw ni Vixien.
"Wala ka sa palengke! Kung makasigaw ka para kang naghahakot ng mamimili." Sigaw ko din sa kaniya pabalik.
Kaya ang ending, bunganga naming dalawa ang nangingibabaw ngayon sa arena.
Oo, wala talaga kaming hiya.
Maglalakad na sana ako papalapit sa elites ng kalabitin ako ni Maple.
"Ah, Yssa. Mauna na ako, doon ang pwesto ng section namin eh. See you." Nakangiting saad naman niya.
Tumango naman ako at naglakad na papunta sa pwesto ng elites.
"Good morning, Yssa." Nakangiting bati sa akin ni Louei.
"Good morning din." Nakangiting bati ko din naman sa kaniya.
"Nako, hindi mo kami maloloko Yssa. Alam naming peke yang ngiti mo." Nakangising saad naman ni Travis.
"Hindi mo rin kami maloloko Travis, alam kong dati kang bisugo." Nakangising saad ko naman sa kaniya.
"Tumigil na nga kayo, ang aga aga nag-aaway na naman kayo." Saway sa amin ni Lily.
BINABASA MO ANG
The Last Immortal
FantasySi Yssabelle Sebastian ay lumaki sa isang ampunan. Walang kaibigan at pamilya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na pagkatao niya, maliban na lang sa kaniya. Paano kung dahil sa isang invitation letter, magbago ang takbo ng buhay niya? Ang boring...