Zino
Nang makita kong tulog na pala si Yssa ay napagdesisyunan kong buhatin na siya at dalhin na sa kwarto niya.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko sa dulong higaan si Snow na natutulog.
Matapos kong maihiga si Yssa ay nahiga na rin ako at natulog na.
Kinabukasan
Nagising ako sa pagkakatulog ng bigla akong nalalaglag sa higaan.
Pag tingin ko kay Yssa mahimbing pa rin siyang natutulog at nasa pwesto na siya ngayon kung nasaan ako nakahiga kanina.
Kagandang babae, kalikot matulog.
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo na at maghilamos na at maghanda ng almusal naming dalawa.
Pagkababa ko ay dumiretso na agad ako sa kusina at nagsimula ng magluto.
~~
Yssabelle
Unti-unti akong nagising dahil sa bagay na dumadampi sa mukha ko.
Pag dilat ko si Snow pala, dinidilaan na naman ang mukha ko.
"Snow tama na, gising na ko."Saway ko sa kaniya, agad naman itong tumigil.
Ngayon pala ang araw kung saan lilipat na kami ni Anica ng section.
At ang nakakainis pa, kaklase namin iyong impaktang impostora na yon.
Hindi ko na muna inisip yon at kinuha na si Snow para bumaba na.
Kaaga aga ayokong istressin yung sarili ko. Dapat good vibes muna dahil maaga pa.
Pagka baba ko ay as usual naghahanda na ng almusal si Zino.
Minsan naiisip ko na rin kung boyfriend ko pa ba siya, o katulong na.
Minsan naiisip ko nga na swelduhan na siya eh, siya na kasi ang nagluluto, siya pa naglilinis at naglalaba.
Habang ako, palamunin lang.
Pero panigurado kung wala siya, baka puro itlog at hotdog lang ang iluluto ko.
"Good morning baby." Nakangiting bati sa akin ni Zino.
"Good morning din." Nakangiting bati ko rin sa kaniya.
Binaba ko na muna si Snow at dumiretso na sa lamesa.
Tahimik lang kaming kumakain ni Zino ng bigla siyang magtanong.
"Paano pa lang hindi nalaman ng mahal na hari at reyna na hindi nila totoong anak yung nakilala nila kahapon?" Nagtatakang tanong niya.
"Mukhang ginamitan siya ng malakas na kapangyarihan para maitago ang presensya niya." Saad ko.
"Hindi kaya nila naramdaman yung lukso ng dugo na sinasabi ng karamihan?" Tanong pa niyang muli.
"Siguro sa sobrang sabik nila sa kanilang anak hindi na nila iyon naramdaman." Saad ko.
Napatango na lamang siya sa sinagot ko.
Well, kung matagal ka ng nangungulila sa anak mo. At bigla na lamang may dumating at nagsabing siya ang anak mo, diba hinddi ka naman na magdududa dahil ang iisipin mo na lamang ay nakabalik na ang anak mo.
Makakasama mo na ulit ang anak mo. Panigurado ako ganon ang nangyari sa mahal na reyna at hari.
Nang matapos na kong kumain ay nagsimula na akong gumayak at matapos ang ilang minuto ay handa na ako sa pagpasok.
"Bye baby, see you later." Paalam ko kay Zino.
"Bye baby, ingat ka." Nakangiting saad niya.
Nagpatuloy na ko sa paglalakad at nakakapagtakang ang tahimik ngayon sa hallway dahil madalas nagkalat yung mga estudyante dito at nagchichismisan.
Malapit na ako sa classroom ng mga elites ng makarinig ako ng malalakas na tawanan sa loob.
"Hahaha bagay lang yan sayo."
"Pabida ka kase, ginaya mo pa yung kapangyarihan ng prinsesa."
"Hindi ka nababagay dito."
Saad ng mga estudyante sa loob.
Ang aga naman ata nilang nambubully?
At anong ginagawa ng mga elites na yon?
Wala pa kaya sila sa loob kaya ang lakas ng loob ng mga 'to na mambully.
Hindi na ako kumatok at agad na binuksan ang pintuan at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko si Anica na pinagtutulungan ng tatlong mukhang clown na 'to.
Ang isa ay nakasabunot pa sa buhok niya at ang dalawa naman ay nakahawak sa magkabilang kamay ni Anica.
Nilibot ko ang paningin ko at mukhang tama nga ako, wala pa dito ang mga elites.
Pero bigla na lang kumulo ang dugo ko ng makita ko sa isang sulok yung impaktang impostor na yon na mukhang tuwang tuwa pa sa ginagawa ng tatlo na 'to kay Anica.
Mukhang siya pa ang nag utos na gawin 'to.
"Bitawan niyo si Anica." Seryoso at malamig kong saad sa kanila.
"At bakit ka naman namin susundin?" Tanong ng isa sa kanila, mukhang siya yung leader nila.
"Susundin mo yung sinabi ko, or gustong mong mawalan ng hangin sa katawan?" Seryosong saad ko.
Mabilis naman nilang binitawan si Anica at ng maka alis na sila atsaka ko nilapitan si Anica.
"Hey, okay ka lang ba? may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ko sa kaniya.
"Wala naman belle, ayos lang ako."Nakayukong saad niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at tinulungan siyang makapunta sa bakanteng upuan sa likod.
Nang makaupo na kami ay tahimik lang si Anica at naayus na rin niya yung gusot gusot niyang uniform at buhok.
Habang ako eto, sinasamaan ng tingin yung Danica na yon. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin kanina pa nakabulagta yan.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin ang elites kasama si Lucas.
Mukhang magaling na siya.
Napairap naman ako ng biglang tumili itong impaktang impostora na 'to.
"Guys! Ang tagal niyo naman, kanina ko pa kayo hinihintay eh."Saad niya habang nakanguso pa.
"Mukhang pato." Mahinang saad ko.
Napatingin naman ako kay Anica ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Mukhang narinig niya ang sinabi ko.
Nang makita ng elites si Danica ay tumabi na sila kaagad sa kaniya at lalo pa akong napairap ng bigla na lang pinalupot ni Danica yung braso niya kay Lucas.
Mukha siyang linta kung makakapit.
Natawa naman ako ng mahina ng makita ko ang naiiritang mukha ni Lucas dahil sa ginawa ni Danica.
Mukhang normal lang naman sa elites ang ginawang iyon ni Danica, maliban na lamang kay Lily na nakangiwi habang nakatingin kay Danica.
Napaayos naman ako ng upo ng dumating na ang aming guro.
"Good morning class at welcome sa mga bagong dating. Ako nga pala si prof. Lisa at ngayon ang pag-aaralan natin ay ang buhay ni reyna Yssabelle." Saad niya.
Matapos niyang sabihin iyon ay kita mo sa mukha ng mga kaklase namin ang pagkabagot.
Wow ha.
BINABASA MO ANG
The Last Immortal
FantasySi Yssabelle Sebastian ay lumaki sa isang ampunan. Walang kaibigan at pamilya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na pagkatao niya, maliban na lang sa kaniya. Paano kung dahil sa isang invitation letter, magbago ang takbo ng buhay niya? Ang boring...