Anica
Naglalakad kami ngayon ni Lucas papuntang gate, nandoon siguro yung sasakyan naming dalawa.
"You really look stunning." Biglang saad naman ni Lucas sa akin.
"Hala, ano ka ba. Ako lang 'to Lucas." Saad ko naman sa kaniya habang tumatawa.
"Ikaw din naman, you're so handsome." Puri ko naman sa kaniya pabalik.
After ng ilang lakad ay nandito na kami sa gate at nakaparada na nga yung karwahe na sasakyan namin.
Napatingin naman ako kay Lucas ng iangat niya ang kamay niya na para bang gusto niyang nilagay ko ang kamay ko doon.
Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at sumakay na sa loob ng karwahe.
Gentleman naman pala 'tong si Lucas, pero hindi lang talaga halata.
Nakasakay na kami ngayon parehas sa karwahe.
"Sa bayan po tayo, sa Skylard Restaurant po." Saad naman ni Lucas kutsero.
At nagsimula na nga kaming umandar. Tahimik lang kami sa loob, walang nagsasalita sa amin.
Hindi naman akward yung katahimikan.
Nakatingin lang ako sa labas at tinitingnan lahat ng nadadaanan namin.
After pa ng ilang minuto ay nakarating na kami sa bayan, dito na rin pala kami sa mismong restaurant binaba ni mamang kutsero.
Nauna namang bumaba si Lucas para siguro maalalayan niya ako sa pagbaba.
At hindi nga ako nagkamali dahil inabot niyang muli ang kamay niya sa akin. Kaya naman hinawakan ko ito at bumaba na sa karwahe.
Pumasok naman na kami sa loob ng restaurant, at nakakahiya nga dahil pinagtitinginan kami.
Sino ba naman hindi titingin kung ganito kagwapo yung kasama ko. Kahit ata lalaki, mapapatingin sa kaniya eh.
Nagtingin tingin naman muna siya sa paligid, mukhang naghahanap ng mauupuan namin.
"There, may vacant seat doon. Lets go." Saad naman niya at hinawakan niya ang kamay ko at hinala ako sa pwesto na nakita niya.
Hinila naman niya yung bangko para sa akin bago ako umupo.
"Thankyou, ang gentleman mo today. Medyo hindi ako sanay." Natatawang saad ko sa kaniya.
"Well, I don't blame you. Nasanay kayo na cold ako at tahimik lang." Saas naman niya habang umuupo.
"Good morning, Ma'am and Sir. Here's our menu." Saad nung waiter at inabot sa amin yung menu
Hmm, may bago silang recipe ha. Nung kumain kami dito, wala 'tong mga 'to eh.
"I'll get the pasta creamè, double choco cake, and garlic bread. And an Iced tea." Nakangiting saad ko don sa waiter.
"And, you Sir?" Tanong naman nung waiter kay Lucas.
"I'll get the macaroni salad, blue berry pie, and an Iced tea also." Saad naman ni Lucas.
"Alright, we'll serve it to you in a minute." Saad naman ng waiter at umalis na.
Naghintay lang muna kami, pero after 5 minutes naman ay nandito na yung inorder namin.
"Okay, lets eat." Nakangiting saad ni Lucas.
Wow, napapadalas ata ang pag ngiti ni Lucas ha.
Nagsimula naman na kaming kumain at nanlaki naman ang mata ko dahil sa sarap nung pasta, ang creamy and talagang malasa.
Sunod ko namang tinikman ay ang double choco cake, at ang sarap din. But, to my surprise it is not that sweet.
"Is it good?" Tanong sa akin ni Lucas.
"Very good." Nakangiting saad ko naman sa kaniya.
"I'm glad you like it." Nakangiting saad naman niya.
After naman naming kumain ay nag aya si Lucas na pumunta ng park.
"Lets go to the park." Saad naman niya.
Tumango naman ako at sumunod lang sa kaniya, lalakarin nga lang pala namin yung park dahil hindi naman kalayuan yon dito sa restaurant na kinainan namin.
After ilang minutes ay nakarating na din kami.
Kinuha naman ni Lucas ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa isang bench at naupo kami roon.
"Anica, I know you may think that ang bilis ko naman masyado, but medyo matagal na rin ng makilala kita. And, you may not know it but lagi kitang inoobserbahan, but not in a bad way. I just found myself always looking at you, and I am smiling when you're smiling." Saad niya.
"And, I think kaya ko nararamdaman iyong mga bagay na yon dahil may gusto ako sayo." Dagdag pa niya.
Ako heto, nakikinig lang sa kaniya pero sa loob loob ko gulat at kilig ang nararamdaman ko.
"And, if you think I have feelings for Danica, no I don't have feelings for her." Saad niya pa.
"I just think of her as a friend, and you're the one that I like." Nakayukong saad nama niya sa akin. Mukhang nahihiya.
"You know, I have feelings din sayo eh. Hindi lang din halata pero may gusto talaga ko sayo." Saad ko naman.
Dyusko, tatapangan ko na mukha ko. Aamin na ko, it's now or never.
"Syempre, hindi ako nagka gusto sayo dahil sa itsura mo, pero kasama na din yon. But, ang nagustuhan ko sayo is kahit cold kang tingnan, nakikita ko na may malasakit ka sa amin, lalong lalo na sa mga elites." Dagdag ko pa.
"And, hindi ako naglakas loob na aminin sayo dahil baka magalit si Danica, alam mo naman yun laging nakadikit sayo." Saad ko pa sa kaniya.
"So, we liked each other huh." Nakangiting saad naman ni Lucas.
Masaya lang naman kaming nakaupo dito ni Lucas ng bigla siyang tumayo.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Saglit lang, babalik rin ako." Saad naman niya.
Tumango naman ako at after ilang minutes pagbalik ni Lucas ay mayroon siyang dalang tatlong rosas at binigay niya ito sa akin.
"For you." Nakangiting saad nito sa akin.
"Thankyou." Pasasalamat ko naman sa kaniya.
Nanatili pa kami ng ilang sandali doon, at aalis na sana kami ng bigla kaming mapatingin sa langit dahil biglang may fireworks.
Tiningnan muna namin iyon, at ng matapos na ay umalis na rin kami.
Pagsakay namin ng karwahe pauwi ay tahimik lang kaming dalawa.
Sanay naman na ko, si Lucas ba naman ang kasama ko eh.
Kung si Yssa ang kasama ko at tahimik ang paligid, magtataka talaga ko. Pero hindi eh.
After ilang minutes nakarating na rin kami sa academy.
Buti na lang talaga at free time namin ngayon, wala kaming curfew kaya kahit gabihin hindi kami mahuhuli or paparusahan.
Hinatid naman na muna ako ni Lucas sa dorm ko.
"Goodnight, Anica. I hope you had fun." Nakangiting saad sa akin ni Lucas.
"Goodnight din, Ano ka ba sobra kaya akong nag enjoy. See you tomorrow." Nakangiting saad ko naman sa kaniya.
Isasarado ko na sana yung pinto ng bigla akong halikan ni Lucas sa noo bago siya umalis at iniwan ako ditong nakatulala.
After ko naman maka recover ay pumanik naman na ko sa kwarto at nilagay ko yung flowers sa ibabaw ng lamesa na nasa tabi ng higaan ko.
At nagbihis na muna ako at after ay nahiga na ko at pumikit na upang matulog.
I really had fun today.
BINABASA MO ANG
The Last Immortal
FantasySi Yssabelle Sebastian ay lumaki sa isang ampunan. Walang kaibigan at pamilya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na pagkatao niya, maliban na lang sa kaniya. Paano kung dahil sa isang invitation letter, magbago ang takbo ng buhay niya? Ang boring...