Yssa
Tahimik lang naman kaming nanunuod tatlo ng biglang dumating si HM at Sir Klaus pati si Miss Cynthia.
Ano meron? bakit andito sila? may pagpupulong ba dito na hindi ko alam?
Pero mukhang andito din sila para panuorin ang training namin. Ay este ng mga elites. Hindi pala ako kasama sa training.
Kita ko naman ang gulat nung tatlo ng makita nila akong nakaupo lang dito sa tabi ng hari at reyna imbis na nag eensayo ako.
"Babae, anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Sir Klaus.
"Sir, hindi ko alam na bulag ka na pala ngayon. Malamang nakaupo ako." Sarkastikong saad ko naman sa kaniya.
"What he meant is, why are you sitting there instead of doing some training?" Saad naman ni HM habang hinihilot hilot pa yung parehas na sintido niya.
Wow naman, parang stress na stresa na siya sa life.
"Tinatamad pa ko, mag eensayo rin ako mamaya. Chill ka lang diyan HM, baka bigla kang bumulagta diyan eh." Nakangising saad ko naman sa kaniya.
"Hay, hindi ko na talaga alam ang gagawin sayo. Sige, basta mamaya mag ensayo ka." Saad naman niya sa akin.
Tumango naman ako sa kaniya at tumayo na muna ako para sana umalis at bumili ng pagkain ng bigla akong atakihin ni Miss Cynthia.
"Yssa!!" Sigaw naman ng mga elites.
Pagtingin ko naman sa paligid ko ay napapalibutan ako ng yelo.
"Thanks, Lucas." Saad ko naman sa kaniya.
Tumango lang ito. Buti na lang talaga at mabilis si Lucas, kundi baka tumilapon na ako dahil sa atakeng iyon.
Dahil, hindi lang iyon basta atake ng isang ordinaryong magic user. Tiningnan ko naman si Miss Cynthia na prenteng nakatayo lang, habang sila HM naman ay mukhang gulat pa rin sa nangyari.
"What are you doing?" Seryoso at malamig kong saad sa kaniya.
Ramdam ko naman ang tingin nila sa akin, mukhang inaabangan nila ang susunod kong gagawin.
Ngunit hindi sumagot si Miss Cynthia at nag cast pa ulit ito ng spell.
"Inciendes y potum!" Cast niya ng spell.
Ngunit walang kahirap hirap ko lamang itong inilagan at itinapat ko ang aking kamay kay Miss Cynthia na para ko itong sinasakal at bigla na lamang nagpupumiglas si Miss Cynthia na animo'y may sumasakal sa kaniya at hindi siya makahinga.
Nagpanic naman si HM at Sir Klaus.
"Yssa what did you do?!" Sigaw sa akin ni HM.
"Inalisan ko siya ng hangin sa katawan." Seryosong saad ko naman sa kaniya.
Rinig ko naman ang pagsingkap ng mga nakapaligid sa amin.
"What?! that's dangerous." Seryosong saad naman ni Sir Klaus.
"Heh, I wouldn't do that If I didn't sense a killing intent from her attack." Seryosong saad ko naman sa kaniya.
Napatingin naman sila kay Miss Cynthia na ngayon ay hinahabol ang paghinga.
"She's right, I attacked her with killing intent." Pag amin naman ni Miss Cynthia.
"Why did you do that?! what if she didn't dodge it?!" Sigaw naman ni HM sa kaniya.
"But she did, and she even sense the killing intent. And, she's also brave enough to almost kill me, because of what I did." Nakangiting saad ni Miss Cynthia.
BINABASA MO ANG
The Last Immortal
FantasySi Yssabelle Sebastian ay lumaki sa isang ampunan. Walang kaibigan at pamilya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na pagkatao niya, maliban na lang sa kaniya. Paano kung dahil sa isang invitation letter, magbago ang takbo ng buhay niya? Ang boring...