Chapter 12

5.7K 160 3
                                    

Yssabelle

Tahimik lang kaming naglalakad ni Anica papunta sa Arena. Himala nga tumahimik siya ngayon eh. Nasanay na kasi ako sa maingay niyang bunganga.

"Ah, belle?" Tawag naman sa akin ni Anica.

Dapat pala hindi ko na binati, bwisit.

"Ano?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Mahirap ba yung leveling?" Tanong naman niya.

"Ang alam ko paglalabanin yung mga estudyante." Bored kong sagot sa kaniya.

Nagtaka naman ako ng makita ko sa mukha niya ang pagka nerbyos. Hindi naman ganon nakakatakot yung Leveling ah? Bakit yung itsura niya eh para siyang natatae sa kaba.

"Wait, don't tell me. Hindi ka marunong sa physical battle?" Tanong ko sa kaniya habang nanlalaki pa ang mata. 

Bigla naman siyang napayuko at napa kamot pa sa ulo. What the. Ano yon? kapangyarihan lang yung inensayo niya?

Kaya pala ganoon na lang yung itsura niya eh. Wala pala siyang kaalam alam sa kung ano ang nangyayari sa Leveling. Paano na lang kung patayan pala yung labanan sa Leveling? Edi siya agad yung unang madededo.

"Hala belle, paano ako mananalo sa laban." Mangiyak ngiyak niyang sabi.

Napangiwi naman ako dahil sa itsura niya ngayon.

"Ano ba, tumigil ka nga diyan. Para kang bata." Sabi ko sa kaniya sabay irap.

Napanguso naman siya dahil sa sinabi ko. Napailing na lamang ako sa kaniya. Hindi ako sa Leveling maistress, mukang sa kaniya ako maistress eh.

Napahinto naman ako sa paglalakad ng makita kong nasa arena na pala kami. Nilibot ko naman ang paningin ko at marami na pa lang estudyante dito.

"Yssa! Yssa! dito!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Pamilyar talaga eh, parang narinig ko na. Nilibot ko naman ang tingin ko at hinanap kung sino man ang tumatawag sa akin na yon.

At hindi naman ako nabigo ng makita ko sa kaliwang bahagi ng arena si Maple na kumakaway pa habang malaki ang ngiti sa labi. Ang saya naman niya masyado.

Kumaway na lang ako pabalik kay Maple para naman hindi siya mapahiya na mukha siyang baliw na kaway ng kaway eh.

"Uy belle, sino yon?" Tanong naman ni Anica.

"Kapitbahay ko." Simpleng sagot ko naman sa kaniya. Napa tango naman siya at hindi na ulit nagsalita.

Which is good. Pakiramdam ko nga simula ng makilala ko 'tong si Anica hindi na naging tahimik yung paligid ko.

"Good morning students, I'm HM Zeref. Pinatawag ko kayong lahat dito upang sabihin sa inyo na wala na kayong magiging klase ngayong tanghali hanggang hapon dahil ilalaan niyo na lamang ito upang mag training sa darating na leveling bukas." Mahabang saad ni HM.

Madami naman ang natuwa dahil wala ng klase pero marami rin ang mga kinakabahan dahil ayaw nilang makalaban ang mga Elites. Sino ba naman ang may gusto na makalaban ang pinakamalalakas na estudyante sa Luxus Academy.

Pero ako, gusto kong makalaban si Lucas. Para naman malaman ko yung hanggang saan ang kapabilidad niya. At para naman malaman ko if deserving ba niya yung mga papuri na natatanggap niya.

"Iyon lamang ang gusto kong sabihin. Maaari na kayong pumunta sa training area. Galingan ninyong lahat!" Sabi ni HM at bumaba na ng stage.

Para namang may bo sa utak si HM. Pinapunta pa kami dito, mag aannounce lang pala. Pwede naman na i-announce niya na lang sa speaker yung mga sasabihin niya. 

The Last ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon