Chapter 22

4.6K 124 0
                                    

Lily

Matapos ang naging laban ng mahal na hari at ni Yssa ay pinatawag kami ni HM sa office dahil may maganda daw siyang ibabalita.

"Ano kaya yung ibabalita ni HM?"Tanong ni Jerald.

"Aba, malay namin. Bakit hindi si HM ang tanungin mo."Pamimilosopo ni Jessica.

"Tumigil nga kayong dalawa."Suway ni Jeremy sa kanila.

Si Lucas pala ay hindi namin kasama dahil hanggang ngayon ay nasa clinic pa rin siya.

Ngayon nga lang nadala si Lucas sa clinic eh. Kahit kasi nung bata pa kami, hindi naman yan nasasaktan o natatalo sa laban. Kaya walang dahilan para magpunta siya sa clinic.

Nakakamangha talaga si Anica. Hindi ko akalain na masasaktan at mapupuruhan niya si Lucas.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ngayon ng office ni HM.

"Kumatok na kayo." Utos ko sa kanila.

Hindi kami kagaya ni Lucas na basta basta na lang pumapasok.

May manners naman kami kahit papano.

"Jerald buksan mo na." Utos naman ni Jessica.

"Jeremy buksan mo na." Utos naman ni Jerald.

Napairap na lang ako sa kakulitan nilang tatlo.

Bago pa magsalita si Jeremy ay binuksan ko na ang pinto at tumambad sa amin ang namumugtong mata ng mahal na hari at reyna.

Anong meron?

"Mga bata andito na pala kayo, pumasok kayo at ipapakilala ko sa inyo ang nawawalang prinsesa."Saad ni HM.

Ha? ano daw? yung prinsesa? hindi ba si Anica yon?

Dahil napalabas ni Anica yung lilac fire. Atsaka malakas ang kutob kong si Anica ang nawawalang prinsesa.

Wala naman ordinaryong magic user ang makakapagpalabas ng lilac fire kung hindi ang nawawalang prinsesa lamang.

So, si Anica dapat yon hindi ba?

Napatingin naman ako sa magandang babaeng namumugto din ang mata.

Eh sino 'tong babae na 'to?

"Elites, siya si Prinsesa Danica Michelle Wrech. Ang nawawalang prinsesa." Masayang saad ni HM.

Habang kami naman ay nakatingin pa rin sa magandang babae na nasa harapan namin ngayon.

Pero hindi talaga ako kumbinsido na siya ang nawawalang prinsesa.

May masama rin akong kutob sa babae na 'to.

Hindi ko makuhang maging masaya dahil nasa harap na namin ang nawawalang prinsesa.

Dahil sa loob loob ko ay alam kong may mali.

"Ikaw na ba talaga yan Danica?"Tanong ni Jerald.

"O-oo ako nga 'to. Pumunta ako agad dito ng makatanggap ako ng sulat galing sa Academy at nalaman ko rin na ako pala ang nawawalang prinsesa kaya masaya ako na sa wakas ay nakabalik na rin ako." Mahabang saad naman ng babae na 'to.

Hindi ko siya tatawagin na mahal na prinsesa dahil hindi naman talaga siya ang mahal na prinsesa.

Buo na ang desisyon ko at isip ko. Hindi siya ang nawawalang prinsesa.

Paniniwalaan ko ang kutob ko.

"Salamat naman at buhay ka." Saad ni Jessica at yumakap sa kaniya.

The Last ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon