Chapter 52

4.2K 120 4
                                    

Lily

Kinabukasan

Nagising naman ako sa pagkakatulog dahil sa mahihinang tapik sa braso ko, pagdilat ko ay naaninag ko si Anica.

"Good morning, Lily." Nakangiting bati nito sa akin.

"Morning." Saad ko naman at naupo na muna.

Pagtingin ko sa iba naming kasama ay gising na rin pala sila, mukhang kanina pa sila gising at ako ang pang huling nagising.

"Mauuna na akong maligo ha, mabilis lang naman ako eh. Hindi katulad ng isa diyan, nagriritual pa ata sa banyo." Saad naman ni Yssa at nakatingin kay Jessica.

Well, hindi naman siya mali don dahil matagal talaga maligo si Jessica.

"What's wrong with that ha?! I'm just making sure na natatanggal ko lahat ng dead skin ko 'no!" Saad naman pabalik ni Jessica.

"Tumigil nga kayong dalawa kaaga aga eh nag babangayan kayo." Suway naman sa kanila ni Anica.

Tumahimik naman si Jessica at kumuha na lamang ng damit niya na susuotin sa maleta niya.

Kaya tumayo na rin ako at kumuha na rin ng damit na susuotin ko.

After ilang minutes ay lumabas na si Yssa sa banyo at sumunod naman pumasok sa banyo ay si Jessica.

At nakakunot noo naman akong napatingin sa kamay niya ng may makita akong parang drawing doon.

"Hey, Yssa, what's that in your arm?" Nagtatakang tanong ko.

"Oh, eto?" Saad niya at tinaas niya ang kamay niya at doon ko nakita na mukha itong tattoo ng ahas.

"Omg! Yssa! saan mo nakuha yan?!" Nagtatakang tanong ni Anica.

"Imposible naman na nagpa tattoo ka kagabi nung natutulog na kami?" Sarkastikong saad naman ni Danica.

"Chill guys, sticker lang siya. You know, like temporary tattoo. Nabili ko siya sa ano, sa bayan nung nagpunta tayo non." Saad naman niya.

Pero, yung itsura niya is mukhang hindi lang sticker. Parang totoo eh.

"Huwag niyo ng pansinin yan, mawawala rin yan hehe. Atsaka ang astig kasi tingnan kaya kinabit ko na siya." Dagdag pa niya.

Tumango na lamang kaming tatlo bilang sagot.

Nang makalabas naman na si Jessica sa banyo ay sumunod na si Anica.

"Oh, what's that?" Tanong ni Jessica habang nakataas pa ang kilay at nakaturo sa kamay ni Yssa.

"Edi kamay, shunga." Saad naman sa kaniya ni Yssa.

"I meant yung nasa kamay mo, gaga!" Saad naman pabalik ni Jessica.

"Lilinawin mo kasi, magtatanong ka na lang hindi mo pa ayusin." Natatawang saad naman ni Yssa.

"Omg, I can't with this girl. Nag kaka wrinkles ako dahil sayo girl." Saad pa ni Jessica at umakto pang nagpapaypay ng sarili.

Ako naman pinagmamasdan lang sila at patawa tawa lang dito sa gilid. Kung iba siguro ang makakarinig ng bangayan ng dalawa na 'to, aakalain na magkaaway sila.

Napatingin naman ako sa gilid ko ng may marinig akong nagsalita. Si Anica pala.

"Sunod ka na, Lily." Saad ni Anica sa akin.

Tumango naman ako at kinuha na ang damit ko at pumasok na sa loob ng Cr.

After ng ilang minutes ay natapos na rin ako at si Danica na lamang ang hinihintay namin.

The Last ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon