Chapter 64

3.4K 109 1
                                    

Yssa

Gulat pa rin ang elites at si HM pati na rin si Miss Cynthia dahil sa nangyari.

"Talagang misteryosa ka." Saad naman ni Miss Cynthia.

"Ganon daw po ata talaga kapag magaganda, misteryosa." Nakangising saad ko naman.

"Misteryosa na nga, hambog pa." Saad naman ni HM.

"Nakikisabat ka na naman diyan HM." Nakangising saad ko naman sa kaniya.

"Miss healer, baka naman gusto mong icheck kalagayan ng kaibigan namin." Sarkastikang saad ko naman dito.

Paano kasi, nakatunganga lang. Nakita na ngang tapos na ako sa ginawa ko, hindi pa icheck si Lily kung maayos na ba.

Kaya naman nagmamadaling sinuri ito ng healer.

"Ikaw naman, pati healer inaaway mo." Suway sa akin ni Anica.

"Eh bakit ba, kaysa naman ikaw ang awayin ko." Saad ko naman sa kaniya.

Kita ko naman ang gulat sa mukha nung healer, kaya pati mga kasama ko ay nagtaka.

"Bakit po? may problema po ba?" Nagtatakang tanong ni Vixien.

"Ah, wala naman. Nagulat lang ako dahil maayos na ang kalagayan ng pasyente at kailangan na lamang nito ng pahinga." Saad naman ng healer.

Napahinga naman sila ng maluwag dahil sa narinig.

Buti na lang talaga at may naisip akong ibang paraan para maalis sa katawan ni Lily yung lason dahil, kahit kaya kong gamutin si Lily ng wlaang kahirap hirap ay hindi ko magagawa dahil baka lalo silang magtaka sa akin, at baka mabunyag pa ang sikreto ko.

Kung hindi ko naisip na ilipat sa ibang katawan yung lason ni Lily, baka mapilitan akong ilabas ang tunay kong kapangyarihan para lang magamot siya.

Napaisip naman ako bigla kung paanong nakapasok ang mga crows sa academy, eh may barrier na nagpoprotekta dito.

Hindi naman humina ang barrier dahil mararamdaman ko naman ito. Ang nakakapagtaka nga ay hindi ko agad naramdaman ang presenya ng mga crows na nakapasok sa academy, para bang may tumulong sa kanila para ikubli ang presenya nila.

"HM, sa tingin mo. Paano nakapasok ang mga crows sa academy?" Tanong ko naman sa kaniya.

Tumingin naman sila sa akin. Mukhang ngayon lang din nila naalala kung bakit nga ba nakapasok ang mga ito sa academy.

"Hindi ko rin alam dahil hindi ko naman naramdaman na humina ang barrier kaya hindi ito ang dahilan kung bakit nakapasok ang mga crows." Saad naman ni HM.

"Well, isa lang ang dahilan nito." Seryosong saad ko.

"May traydor na nagpapasok sa mga crows." Sabat naman ni Jessica.

Well, buti naman at may isip pala siya. Akala ko puro chismis at kamalditahan lang ang alam niyang gawin sa buhay.

"Maaaring iyon nga ang dahilan, kaya mag iimbistiga ako tungkol sa pangyayaring ito." Saad naman ni HM.

"Osige mga bata, magsi uwi na muna kayo sa mga dorm niyo upang makapagpahinga kayo, dahil kanselado na rin naman na ang klase dahil sa nangyari kanina." Saad niya.

Tumango naman kami at tumayo na.

"Maiiwan na muna ako rito para bantayan si Lily." Pahabol pa na saad ni HM.

Paglabas naman namin ay nauna na akong maglakad at nagpaalam na sa kanila.

"Bye guys, see you tomorrow na lang." Paalam ko naman sa kanila at tuluyan ng umalis.

The Last ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon