Lunch
Natapos naman ang klase ko sa araw na ito kaya pumunta muna ako ng faculty para asukasuhin ang mga kailangan kong tapusin ngayong araw dahil malapit na ulit ang pasahan ng grades ng mga student ko.
Pagpasok ko sa faculty ay ramdam ko ang tinginan nila sa akin. Ano meron? Bakit sila nakatingin sa akin?
"Ma'am Lei, tignan mo table mo" Co teacher ko.
Huh?
Agad naman ako pumunta sa table ko dahil baka madumi ito kaya sila nakatingin sa akin pero nilinis ko ito bago ako pumunta sa klase ko e.
Ano naman ito? Galing kanino to?
Ang raming tanong sa mga isip ko kasi bakit naman magkakaroon ng pagkain dito? Wala naman siguro nagkakagusto na student sa akin no? Aba sana wala naman no, hindi kaya ako napatol sa student baka mawala pa ako ng trabaho.
Tinignan ko mabuti ang pagkain at baka may pangalan naman ito kung kanino ito galing.
May nakita naman akong sulat na nakadikit dito.
"This is your lunch. I know that your not gonna eat :))"
- gwapo mong friend ^_^Gwapong friend? Wala naman ako ganon? Ay oo nga pala, si Yuan. Gwapo naman siya e.
Ano na naman kaya meron? Bakit niya pa ako dinalhan ng pagkain?
To: Yuan
Hmm, thank u sa food, naabala pa kita
Nakakahiya naman don, busy pa man din yun lagi kasi artista yun e edi maraming sched yon.
Tinabi ko muna yung food kasi mamaya pa naman lunch namin pagtapos ay ginawa ko ang mga grades ng mga student ko. Medyo maganda naman grades ng mga nasa class ko kahit pasaway ay masisipag naman mag aral.
"Pst, tara lunch na tayo" Ma'am Ivy.
Hindi ko pala namalayan na mag lulunch buti na lang mamaya pa ang class ko ngayong araw.
Tumango na lang ako sa kanya at niligpit ko ang mga gamit ko. Kinuha ko ang food na bigay ni Yuan kaya nagulat naman ang babaita sa tabi ko.
"Oh, saan naman galing yan? May manliligaw ka na agad? Ganda naman ng friend ko" Ma'am Ivy.
Ay nako, kaibigan ko talaga ee.
"Nagpadala lang, manliligaw agad?"
Ngumiti lang si Ma'am Ivy sa akin na parang hindi paren siya naniniwala sa sinasabi ko na kaibigan ko lang si Yuan. Totoo naman kasi, syempre nasaktan paren naman ako yung about kay Jae no hindi naman ganon kadali maghanap ng bago.
Pumunta na kami sa cafeteria ni Ma'am Ivy at nagsimula ng kumain.
"Nasaan nga pala bebe mo?" Tanong ko dito sa babaitang ito kasi ang alam ko lagi akong third wheel dito tuwing lunch.
"Ay nako, may ginagawa pa siya may gulo na naman ata sa mga student niya" Ma'am Ivy.
Sumimangot naman ito pagtapos niya sabihin sa akin kung nasan ang pinakamamahal niyang bebe.
"Kaya pala, hinahatak mo na ako kanina minsan naman ako lagi nalapit sa inyo"
Nakasumimangot na naman siya. Ay nako ganto kaya ako nung kay Jae?
Ano ba? Self wag mo na isipin yung kupal na yon!
"Ano nga pala gagawin mo mamaya?" Ma'am Ivy.
"Wala naman akong gagawin mamaya, baket?"
Ngumiti naman si gaga. Ano na naman naisip nito?
"Tara inom tayo sa bar namin" Ma'am Ivy.
Ay nako, ano na naman meron dito? Oo nga pala mayaman nga pala itong kupal na ito kaya may bar yung family niya.
"Dali na, tayong dalawa lang naman e. Hindi kasi kami makagala ng bebe ko. Busy daw siya" Ma'am Ivy.
Wala naman masama kung sumama ako sa kanya no.
"Oo na, wala lang bebe mo ako na agad isasama mo"
Ngumiti naman siya sa akin at ako naman ay napairap na lang. Ako na naman magbibitbit ng lasing mamaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/237867028-288-k45602.jpg)
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
RomanceZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...