Accident
Ilang araw na ang nakalipas ng mangyare ang scene namin ni Yuan Perez pero hanggang ngayon naiisip ko paren yun. Bakit ba hindi ako maka get over? Crush kong modelo si Jharred Yuone Perez. Nakakatawa man isipin kapangalan niya pa ang boyfriend ko.
Nginungud ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng grades ng mga student ko kasi kailangan na namin ayusin ang card ng mga bata.
Halos hapon na ako ng matapos don at medyo nawala sa isip ko ang tungkol kay Yuan. Akala ko may aabang na Jae sa harap ng school pero gaya ng ilang weeks ay wala paren siya. Ano na ba talaga ang nangyayare?
Try ko kaya puntahan sa condo niya? Wag na baka magalit na naman siya kasi pumupunta ako don ng hindi nagsasabi. Once kasi nagalit siya sa akin dahil pumunta ako sa kanya pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na ren naisip dahil pagod ako non.
Nagsakay na ako papunta sa bahay namin. Sinakyan ko lang ay jeep at oonti lang ang mga tao sa loob. Nag earphone muna ako sandali kasi malayo layo ang bahay ko dito.
Pinatugtog ko ang live goes on ng bts na bago lang.
Eoneu nal sesangi meomchwosseo~
(Live goes on by BTS)
Nakatingin lang ako sa labas habang dinadama ang tugtog. Ewan ko pero bagay ang buhay ko sa kantang to. Lagi ko ito pinapatugtog kapag malungkot ako o masaya man ako o pagod.
Like an echo in the forest~ Haruga doraogetji~
Dumidilim na ang labas at napapasabay naren ako sa kanta buti na lang ako na lang natitira sa loob. Natapos naman agad ang tugtog at sabay non ang pagdating ko sa kanto namin.
Bumaba na ako at naglakad papuntang loob ng subdivision namin. Pagpasok ko ay marami naman bumati sa akin na kapitbahay. Naging tutor kasi ako ng mga anak nila nung hindi pa ako nagstastart magturo dahil nagaantay pa ako balita kung makakapasok ba ako sa Winterville Elementary School (WES).
Pagkarating kong bahay ay nakita ko si Mama na naka upo lang sa sala at nagtutupi ng mga damit.
"Ma, diba sabi ko sayo ako na maglalaba nan"
Saway ko sa kanya kasi hindi dapat siya napapagod kaya nga pinahinto ko siya sa pagtratrabaho.
"Ano ka ba? Hindi naman ako napagod atsaka pagod ka sa school tapos ikaw pa maglalaba" Mama.
Napabuntong hininga na lang ako. Isang buwan na kasi hindi na uwi si Papa kasi kailangan siya sa Manila kasi may case siya don.
Balak ni Papa kumuha ng katulong pero hindi pumayag si Mama kasi siya na daw bahala. Pasaway din paminsan si Mama. Bata pa naman ngayon si Mama pero syempre ayokong may mangyare sa kanyang masama.
Nagpaalam na ako sa kanya at hinalikan ang pisnge niya. Medyo may kaya naman kami kaya mataas ang bahay namin. Ngayon na lang nagkaroon ng maraming case si Papa kaya nakakaahon kami. Tumaas na ako para magpalit ng damit at magluto na.
Binaba ko na ang mga gamit ko sa kama para mag ayus na pero may tumawag sa phone ko. Unregistered number ito pero parang importante kaya sinagot ko na.
"Hello?"
Medyo nagtaka ako dahil may narinig akong nahikbi na lalaki.
"Ate...."
Hindi ako nagkakamali...si Jace ito pero bakit siya naiyak?
"Jace... what happen?"
Tanong ko agad kasi hindi naman ito natawag sa akin kasi pinupuntahan niya ako sa school kapag miss niya ako.
Sa buong pamilya nila Jae si Jace lang nakakaalam na may relasyon kami ni Jae. Ewan ko kung bakit hindi niya pa ako pinapakilala sa Magulang niya.
"Ate... si kuya... naaksidente" Jace.
The fuck?
![](https://img.wattpad.com/cover/237867028-288-k45602.jpg)
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
RomanceZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...