Hatid
Pagod na pagod ako ng makauwi ako kasi ang raming alam ni Quinn kung saan saan ako dinala pero kahit papano nawala ng unti yung bigat ng dibdib ko dahil sa gagong yun.
Nagulat ako ng tumunog yung phone ko.
From: 09xx xxx xxxx
Hello, It's me Yuan Perez. Save my number :))
Oh shoot! Akala ko matagal niya pa ako itetext syempre busy yun tapos mga ilang oras lang nakalipas nag text na agad.
Oo, binigay ko yung number ko. Hindi naman sa jojowain ko siya no. Malay mo kasi gusto lang makipagkaibigan atsaka hindi pa ako handa sa gantong relationship no. Ang hirap kaya.
Oo na aaminin ko may kunting pagmamahal paren ako sa gagong yun pero syempre ang tagal na din namin no.
To: Yuan
Hi! Done saving it.
Pagtapos ko isend yun inoff ko na yung phone ko at para hayaan na magcharge. Dumeretso na ako sa banyo para maligo.
Mabilis lang naman ako naligo at dumeretso na ako sa study table ko para ayusin na ang lesson plan ko. Panibagong lesson na naman ang ituturo ko sa mga students ko kasi kakatapos lang ng exam nila.
Hindi ko namalayan ang oras kaya agad agad na ako nagligpit at humiga na sa kama para makatulog na dahil may trabaho pa ako.
"Anak! Gising na!" Mama.
Huh?
Ay tokwa! May pasok pala ngayon. Agad agad na akong dumeretso sa banyo para makaligo na ako. Mabilisan lang ligo yun kasi baka late na ako. Mag aayus pa ako kasi kailangan daw naka make up ng onti para daw presentable. Simple lang naman nilalagay ko sa mukha ko dahil ayoko ng maraming nakalagay sa mukha ko.
"Ma!"
Tawag ko kay Mama para sabihin na aalis na ako pero laking gulat ko ng may tao sa sala.
"Good morning, Lei" Yuan.
Tokwa! Anong ginagawa nito?
"Good...Morning"
Awkward kong sabi kasi papano niya nalaman bahay ko? Ay shutek may kaibigan nga pala akong madaldal. FAYE QUINN DEMANARIG!
"Iho, kumain ka na dito" Mama.
Ang laki naman ng ngiti ni Mama kay Yuan. Tanong kilala niya kaya ito?
"Hindi na po. Kumain na po ako sa amin" Yuan.
Dumeretso na ako sa dining namin at nakita ko ang oras na napaka aga pa naman tokwa. Nagmadali pa ako mag ayus, maaga pa naman pala.
"Iho, anong pangalan mo pala?" Mama.
Hindi ko na sila pinansin at kumain na lang ako. Mukhang hindi naman ako ilalaglag ni Mama kay Yuan e.
"Jharred Yuone Perez po" Yuan.
Nagulat naman si Mama.
"So ikaw yung anak ni Julian?" Mama.
Sino naman yun?
"Opo, ikaw po ba si Tita Lucy?" Yuan.
So magkakilala sila?
"Hala ang laki mo na parang dati ang liit mo lang at lagi sumama kay Julian na pumunta ng station" Lucy.
Magkatrabaho si Mama at Papa niya? Ay waw.
Kaya siguro nakilala kasi ang raming nagalok sa kanya sa station na mag model.
"Ano pala ang ginagawa? Kilala mo yung anak ko?" Mama.
Kain lang ako ng kain dito pero may kasamang pakikinig sa kanila. Delikado na baka may sabihin si Mama sa kanya no.
"Ihahatid ko po si Lei sa school" Yuan.
Nagulat naman si Mama at ako? Nabulunan ako tokwa! Sino ba naman magugulat na ihahatid ako ni Yuan? Kakakita lang namin kahapon ah.
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
RomantikZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...