Chapter 5

11 2 0
                                        

Number

"Napakawalang hiya talaga yung gagong yun!" Quinn.

Umagang umaga nandito si Quinn sa bahay namin at rant ng rant.

"Hayaan mo na yung hayop na yun!" Quinn.

Buti na lang weekend ngayon at hindi kailangan pumasok sa school para magturo kundi magtataka mga student ko bakit maga yung mata ko.

"Hanap na lang kita ng bagong jowa" Quinn.

Hay nako. Ano ba tong si Quinn?

"Yung bibigyan ka ng maraming oras hindi gaya ng gagong lalaki na yun" Quinn.

Napabuntong hininga na lang ako. 

"Ayoko muna..." 

Mahina kong sabi kaya napatahimik na lang siya at niyakap ako ng mahigpit. Sa lahat ng kaibigan ko siya nakakaalam ng nararamdaman ko.

"Basta wag ka na magmukmok sa hayop na yun ah. Hindi niya deserve yan" Quinn.

Tumango naman ako at ngumiti. Tama si Quinn hindi ko dapat iniiyakan yan atsaka medyo nawala naren ang pagmamahal ko sa kanya kasi ang tagal namin hindi nagkikita dahil wala lagi siyang oras. Ang masakit lang ay nagago ako ng isang hayop na gaya niya.

Hindi ko na inexplain kay Mama ang nangyare basta ang alam niya lang wala na kami ni Jae. Hindi naren siya nagtanong kasi alam niyang pagod ako mag explain ng mga kagaguhan ni Jae.

"Tara pasyal na lang tayo, dzai" Quinn.

Maganda ang ideya ni Quinn. Gusto ko muna magpasaya kahit ngayon lang dahil pagtapos nito magtututok na ako sa trabaho ko. 

Kahit papano mawala man ang bigat sa dibdib ko. 

Naligo na ako at nagbihis para sa lakad namin. Si Quinn naman ay pumunta muna sa vet clinic niya para may gagawin. Nahiya ako kay Quinn kasi may trabaho siya ngayon tapos magpapasyal kami pero sabi naman niya okay lang daw. Hindi naman daw nagdaday off masyado sa vet clinic.

Kasi gusto niya lagi tumambay don kasi nafefeel niya yung pagiging lonely sa unit niya. Ang bagal kasi kumilos ng manok ko e.

"Lei!!" Quinn.

Malakas na tawag sa akin ni Quinn sa harap ng sky ranch. Free kami magride dito kasi may ari ang papa niya ng sky ranch na ito.

"Ready ka na ba magsaya?" Quinn.

Mas mukhang excited sa akin si Quinn ah. Palibhasa ang tagal naren namin nagbonding ng ganto. Sayang wala si Bree at Asha dito. Si Bree kasi nagkita sila ni Bry kaya nagkakaproblema siya pero sabi niya kaya niya na daw yun while si Asha naman ay ayun niyaya siya ni Camila mag mall pero alam talaga namin mangyayare don.

Tumango na lang ako sa kanya kaya hinigit na lang niya ako sa kung anong ride ang gusto niya. Hindi naman ako umangal kasi gusto ko ren. 

Drop tower ang napiling sakyan namin ni Quinn kaya medyo kinakabahan ako. Mabilis lang naman ang pila kasi wala masyadong tao dito. 

Pumili na kami ng upuan ni Quinn pero may tumabi sa akin na lalaki medyo familiar siya. 

Wait?!

"Ma'am Zayleigh?" 

Nagkakatitigan kami ng matagal dahil hindi paren ako makapaniwala na nakita ko na naman siya ulit.

"Yuan?" 

Napahirit naman si Quinn sa tabi ko.

"Siya diba yung sa birthday party ni Ae? Huwag mong sabihin yan na ang ipapalit mo kay Jae? Good choice Lei!" Quinn.

Nagtaka naman si Yuan. Hay nako Faye Quinn Demanarig!

"Don't mind her hehe" 

Sabi ko kay Yuan kasi nakakahiya talaga ng gagang to. Nasan na ba kasi yung manok ko at para hindi na ito maingay.

"It's okay Haha Nice to meet you again" Yuan.

Ngumiti lang ako ulit sa kanya. Nagsenyas na si kuya na magstastart na yung ride kaya grabe na lang kapit ko sa nasa harap ko.

Shems parang masyadong mataas pala ito. Medyo pataas na kasi kami kaya kinakabahan na ako. Hindi naman sa takot sa heights kaso ayoko lang. 

Nagulat ako ng may kumuha sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya at nakangiti lang siya sa akin na parang walang malisya ang paghawak niya sa kamay ko.

Tokwa, nagmumulahan na ang mga pisnge ko sa ginawa niya. Duh modelo yan tapos hahawak sa kamay ko?

Natapos ang ride agad at buong ride na yun ay hawak niya ang kamay ko kaya grabe na lang ang tili ng isa dahil don.

"Napaka gentleman naman non! Jowain mo na kaya!" Quinn.

Kanina niya pa bukambibig yun buti na lang nagpaalam sa amin na umalis si Yuan kung hindi maririnig niya yung mga pinagsasabi ni Quinn. Kakahiya!

"Hiningi mo ba yung number niya?" Quinn.

Hay nako. Ano naman gagawin ko sa number niya?

"Nakakahiya kung hihingiin ko no" 

Fudge iba nga pala utak nitong si Quinn, hayst.

"So gusto mo makuha?" Quinn.

Umiling ako agad at naglakad ng mabilis. Medyo nahilo kami sa ride na yun kaya binalak muna namin maglakad pero...

"Ma'am Zayleigh!"

Shems, nakakahiya tinawag niya talaga ako sa pangalan na yan.

Lumingon ako sa kanya. Nakita ko naman ang pagmumukha ni Quinn na tuwang tuwa sa nangyayare. Pansin ko naman nakatingin yung ibang tao sa amin pero nawala naman agad kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Bakit?"

Lumapit lalo siya sa akin at inabot ang phone niya.

"Can I get your number?" Yuan.

Huh? Number ko?

Move on (First Gen series #4)Where stories live. Discover now