Deep talk
"Anak!"
Nagising ako sa mahimbing kong tulog dahil sa pagsigaw ng nanay ko na parang may nasusunog pero dahil gusto ko po mamahinga ay tinakpan ko na lang tenga ko.
Pero syempre hindi ako tinigilan ng aking minamahal na ina.
"Lei, bangon na diyan." Mama
Tamad akong umupo sa pagkahiga ko pero nakapikit paren. Jusko naman gusto ko muna mamahinga. Ano bang meron?
"Tita, ako na bahala dito"
Rinig ko ang pagsulpot ni Quinn. So, siya pala ang rason bakit ako ginigising.
"Sige na, may pupuntahan pa ako e. Maiwan ko na muna kayo" Stress na sabi ni Mama saka siya umalis sa kwarto ko.
Ano ba kasi naisip ng magaling kong kaibigan at nangiistorbo na naman.
"Oy, babaita ka!" Sigaw sa akin ni impaktang Quinn.
Sinamaan ko agad ang tingin ko kay Quinn kasi syempre ako dapat ang nasigaw dito dahil masyado niya ginugulo yung beauty sleep ko!
"Sumama ka sa akin. We're going to shop some clothes for you" Sabay ngiti nitong kupal na ito.
Shopping?! Anak ng deputcha naman Quinn!
"Anong tinitingin mo pa diyan? Mag ayus ka na!" Pagkatapos niya sabihin yun ay hinigit na agad niya ako papuntang banyo at ako itong walang choice kasi hindi ito titigil hangga't hindi nasusunod ang gusto nito.
"I will wait you ha, so make it faster." Sigaw na naman ng impakta at ramdam kong bumaba na siya. Sa lakas ba naman ng tunog ng takong niya paano hindi ko malalaman.
Ginawa ko na ang dapat gawin at baka mainip ang mahal na reyna. Mabuti na lang mabilis lang ako maligo at mag ayus kasi lagi akong late para sa klase ko kaya nasanayan na hehe.
"Shet, finally! Tapos ka na" Bungad sa akin ni Quinn nung pagkababa ko.
Hinigit niya naman ako at hindi man lang ako hinayaan kumain muna kahit papano.
"Mag drivethru na lang tayo kung gutom ka at baka makain mo pa ako. Masarap pa naman ako" Pabebeng sabi ni Quinn.
Anong kakainin?! Masarap?!
Tinignan ko na lang siya na nandidiri ako sa sinasabi niya. Kung hindi ko lang ito kaibigan baka nasabunutan ko na ito sa mga pinagsasabi nito.
As usual, tumawa lang siya dahil sa reaction ko.
Sumakay na kami agad sa kotse niya. Bago kami makarating sa mall ay tinupad naman niya yung sinasabi niyang drivethru para kahit papano hindi ako mamatay sa gutom.
"Bumaba ka na diyan! Alam kong hindi ka mahilig magshopping kasi kuripot ka pero dahil medyo may pera ako ngayon. It's my treat, abunjing bunjing ko" Parang baliw na sabi ni Quinn sa akin.
Totoo naman na kuripot ako. Pero shuta anong abunjing bunjing pinagsasabi nito?!
"Yes po, sugar mommy"
Pinatulan ko na lang ang biro niya kahit hindi ko matanggap na tinawag akong abunjing bunjing.
Mabilis naman kami nakarating sa loob at dahil expert naman ang aking sugar mommy sa shopping ay parang may routine na ito kung anong unang shop muna.
"Ang rami naman nito, Quinn. Balak mo ba ubusin sahod mo?"
Pagrereklamo ko kasi ba naman bawat daan namin sa mga damit ang rami niyang nakukuha tapos sabi niya bagay daw ito sa akin. Kapag talaga hindi ko ito na isuot ko sasabunutan ko talaga ito. Hilig kasi gumastos ng gumastos.
"Ano ka ba, Lei? Hindi pwedeng panget ka sa Laguna trip niyo ni Yuan no" Ngiting sabi nito.
So, kaya pala kami nandito ay para bumili ng damit para sa Laguna trip namin ni Yuan? Ay jusko, ang rami ko naman damit sa bahay na pwedeng suotin ah.
Nauubusan na ba ako ng damit para bili niya ko bago. Napaka gastos talaga nito.
"Pagbigyan mo na ako buang ka. Pagkatapos naman nito bibili naman kita bagong make up" Quinn.
Kung ano ano naman trip nito e. Mukha naman na wala akong choice para tumanggi kasi sabi niya babawi daw siya sa akin kasi namiss niya ako.
Halos ilang oras din kami nag shopping na akala mo naman magiibang bansa ako e sa Laguna lang naman ang punta namin ni Yuan.
"Alam kong gutom ka na kaya tara mag lunch na tayo. 'Wag ka na malungkot, abunjing bunjing ko" Pa asar niyang sabi.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin kasi totoo gutom na ako kaya wala na akong gana makipag asaran sa kanya.
Pagkatapos naman namin mag lunch ay agad na niya ako hinatid sa bahay kasi may pupuntahan pa daw siya. Nagpasalamat naman ako kasi gusto ko na rin umuwi para mamahinga na kasi bukas na yung alis namin ni Yuan.
Madilim na ng pumasok si Mama sa kwarto ko at ako ito nag iimpake na kasi maaga daw kami aalis ni Yuan bukas.
"Anak"
Napatingin naman ako kay Mama at tumigil muna sa pag aayus.
"Po?"
Umupo siya sa lapag at tinulungan naman niya ako sa pagtupi ng mga damit ko.
"Mag ingat ka ha" Malambing na sabi ni Mama.
Alam kong mamimiss ako ni Mama kasi isang buwan ata kami sa Laguna.
"Oo naman po saka nandon naman po sila Lola at mga tita ko."
Sabay ngiti sa kanya.
"Mag enjoy ka doon kasi deserve mo yun. Alam kong mabuting lalaki si Yuan kaya wala naman problema sa akin kung magustuhan niyo ang isa't isa" Tumigil siya sa pagtutupi at tinignan niya ako ng mabuti.
Alam kong gusto ni mama si Yuan para sa akin pero parang hindi pa ako handa magmahal ulit. Hindi dahil hindi pa ako move on kay Jae. Sadyang masakit paren kasi sobra ako nagtiwala at napanatag tapos biglang ganon ang nangyare.
"Ma, alam mo naman na hindi pa ako handa sa ganan. Matagal pang prosesa bago ako makarating sa ganang sitwasyon ulit"
Hindi napigilan ni mama ang mga luha niya ng sabihin ko yun. Tumango siya at ngumiti para sa akin.
"Kahit anong mangyare support lang ako sa mga desisyon mo ha" Mama.
Nahawa ako sa mga luha ni mama at bahagyang napaluha rin. Ano ba naman ito si mama? Natawa kami sa sarili namin dahil bahagyang nagkaroon kami ng deep talk about sa topic na iyon.
Medyo iniiwasan kasi ni mama ilabas ang ganang topic siguro dahil ayaw niya ko masaktan pero syempre kailangan paren namin pagusapan ang ganoong bagay lalo na't anak niya ako at mama ko naman siya.
Magmamahal na talaga ako ng tama para hindi na ako masasaktan kasi alam kong pati si mama nasasaktan para sa akin.
Magiging handa din ako balang araw.
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
RomanceZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...
