Gwapo
Pagpasok ng pagpasok ko sa mga faculty ay agad agad ng lumapit sa akin yung dalawa kong kaibigan.
"Woy! Sino yung handsome man na naghatid sayo?" Ma'am Ivy.
Ay nako, hindi pa nga ako nakakarating sa table ko ay agad ng nagtanong 'tong isa.
"Kaibigan ko lang yun"
Totoo naman kasi, kaibigan lang...
"Weh? Sa gwapong yun finrendzone mo?" Ma'am Ivy.
Iba talaga takbo ng utak nitong si Ivy.
Pumunta muna ako ng table para maayus ko na ang gamit ko at sasagutin ko na ang mga tanong neto.
"Hindi naman siya nanliligaw, buang ka"
Natawa naman ng bongga tong isa na si Nalon.
"Maganda ka, Ma'am Lei kaya dapat hindi ka nababagay sa isang tulad ni Jae" Ma'am Ivy.
Ay shet, hindi ko pa nga pala nakwekwento about sa amin ni Jae.
"Oo nga, Ma'am Lei" Sir Lazo.
Napabuntong hininga naman ako. Ikwekwento ko na sila tutal ang aga pa naman.
"Wala na kami ni Jae"
Nagulat naman sila parehas at humanap ng upuan kasi alam nilang ikwekwento ko na.
Naikwento ko na ang lahat at parehas naman sila ng reaction.
"Gago talaga yung Jae na yun" Ma'am Ivy.
Parehas silang nagalit sa nangyare at isa naman ay nagpapakalma kay Ivy kasi halos ang tagal ko na siyang kaibigan tapos nung unang pagpakilala ko sa kanila kay Jae. Iba ang turing niya kasi para daw may mali.
Yun naman pala talagang may mali. Nagbulaglagan lang ako.
"Hay nako, 'wag mo ng problemahin yang pisting Jae na yan. Tara na at magstastart na ang flagcem" Sir Lazo.
Tama siya, hindi na dapat siya problemahin pero masakit paren talaga. Akala ko siya na talaga kasi grabe ang strong namin.
Nag ayus na ako ng konti at sumunod sa kanila pagkalabas. Halos kompleto na ang mga student ko kaya hindi na ako na stress sa kanila.
Maayus na tapos ang flagcem kaso ang init lang kaya medyo pawisan ako. Nagulat naman ako ng may panyo sa bulsa ng blouse ko. Sino naman naglagay neto?
Pagkabukas ko nito ay may naka burda na letter Y. Ayoko maging feelingera pero wala naman akong kaibigan na nagsisimula sa letter Y kundi si Yuan lang.
Salamat na lang sa kanya.
Pumasok na kami sa room at ramdam ko ang pagtitig sa akin ng mga student ko na parang ang raming alam tungkol sa akin.
"Ma'am Lei, ang blooming mo naman po" student 1
"Oo nga po, Ma'am" student 2
Napatingin naman ako. Ay nako bat ang mga chismosa ng mga ito.
"Ewan ko senyo hayst"
Medyo kaibigan ko na ren ang mga student ko pero hindi paren nila nakakalimutan na teacher nila ako na kailangan galangin.
"Ma'am sino yung gwapong kasama niyo kanina?" student 3
Hay nako, ganto pala feeling ng may stalker sa tabi Haha.
"Kaibigan ko lang yun. Huwag kayong ano diyan"
Tumawa naman sila pero tumigil den kasi sinabi ko na magstastart na kami magklase kasi alam kong palusot lang nila yun para hindi ako magklase sa kanila. Hay nako mga bata nga naman.
Nakinig naman sila ng ayus kasi hindi naman sila nabobored sa klase ko syempre may joke lagi akong baon at palaro tungkol sa dindiscuss ko.
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
RomanceZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...