Tsaa
Lumipas na ang mga ilang araw at pinagiisipan ko paren ang offer ni Yuan. Kaloka ka lei, mag eenjoy ka naman don. Ewan ko ba sa sarili ko, siguro kailangan ko muna humingi ng advice kanila Quinn.
Magulo ako mag desisyon sa buhay kaya 'wag muna ako padalos dalos masyado.
"Uy Lei, ang lalim naman ng nasa isip mo" Ma'am Ivy.
Napatingin naman ako agad sa kanya at nawala ako sa malalim kong pag iisip.
"Girl, kanina pa ako tawag ng tawag sayo" Sabay tawa niya sa akin na parang may alam naman kung ano talaga iniisip ko. Nasaan na ba kasi jowa nito? at sa akin pa nanggugulo.
"Sorry ha, may iniisip lang ako. Ano ba sasabihin mo?"
Ngumiti lang si bakla. Kung hindi ko lang 'to kaibigan baka iniwan ko na 'to dito. Kaya ko naman gawin sa bahay ang pag susulat ng mga grades ng student ko sa card kaso nga lang kailangan ko pa ito bitbitin pauwi so hassle lang para sa akin ito.
"Alam ko 'yang iniisip mo Hahaha" Hirit naman nito. Wala ba itong gagawin ngayong araw?
Tapos na kasi siya gumawa ng card kaya patambay tambay na lang ito sa akin. Busy siguro jowa nito kaya sa akin ito sumisiksik.
"Ano naman alam mo?"
Tumawa naman siya bigla. Nababaliw na ba ito? Ganto ba epekto kapag busy ang jowa? Buti hindi ako ganto dati. Pasalamat siya at kokonti na lang tao dito sa school at baka mapagalitan pa ito sa kaingayan nito. Tatawa na lang kasi ang lakas lakas pa parang wala ng bukas ee.
"Kita ko lahat ng nangyari sayo nung pumunta tayong bar last time"
Shit, ano naman 'to?
"Apaka gago din talaga 'yang ex mo no" Kung kanina patawa tawa siya ngayon kita ko naman inis niya sa ex ko. May dalaw ba ito? Grabe mag switch ng mood e.
"Kung hindi lang ako hinarang ng kaibigan ko that time baka nasampal ko 'yang ex mo kaso parang hindi mo na ata need ng tulong ko kasi may gwapong lumapit sa inyo" Ma'am Ivy.
Yan! Buti nga hinarang baka ano talaga mangyari doon at mawalan pa siya ng customer.
"Ang tanong! Sino naman yung poging kuya na iyon? Siya ba yung naghatid sayo? Magkwento ka naman" Kitang kita ko na uhaw ito sa kwento ko e. Sige, ikwento ko na lang hindi ako titigilan nito kapag hindi ako naglabas ng tsaa.
"Coincidence lang naman na nandon siya sa bar niyo tapos nakita niya ako na nakikipag usap sa ex ko. Narinig niya ata paano ako kausapin ng ex ko kaya tinulungan niya ako"
Napa istop naman ako sa pagkwento kasi pinagiisipan ko pa kung sasabihin ko sa kanya na nagpakilala s Yuan as boyfriend ko sa harap ng ex ko.
"Ano pa? Dali, ang bagal ah!" Sinasabi niya iyan habang inaalog ako. Buti na lang hindi ko na hawak yung mga cards ng bata at magtapon ito.
Hindi niya paren tinitigil ang pag alog sa akin kaya na pressure ako at naisigaw ko ang nasa isip ko.
"Nagpakilala siya as boyfriend ko sa harap ng ex ko!"
Lumaki ang mata niya at napahawak sa bibig niya dahil nakabuka na ito sa pagkagulat. Hindi naman totoo yun kaya hindi na niya kailangan magulat pa.
"Legit ba? Grabe naman si kuyang pogi! Instant boyfriend!" Lakas talaga boses nito, may pahirit pa siyang ginawa.
Tumingin agad ako sa paligid at baka may makarinig ng mga pinaguusapan namin.
"Kalmahan mo nga at baka may makarinig pa sa atin" Saway ko sa kanya kasi kinakabahan na talaga ako para sa amin.
"Eto na kakalma na" Huminga pa siya malalim na parang ang tense ng pinaguusapan namin e tungkol naman ito sa nangyari sa akin nung nag bar kami.
"After non? May nangyare pa ba?" Uhaw talaga siya sa chika ko at hindi pa nakuntento sa kwento ko kanina pero parang ang too much na kung sabihin ko pa yung sa pinagusapan namin ni Yuan sa cafe ni Marion.
"Wala naman na. Umuwi na lang kami kasi nawalan na rin ako gana mag saya non" Nalungkot naman siya kasi parang hindi yun ang ineexpect niya.
Ano ba gusto nito? Maghalikan kami ni Yuan na parang sa mga pinapanood niyang kdrama.
"Tama ka naman, nakakasira naman ng mood 'yang ex mong basura"
Pagtapos niya sabihin yun ay may tumawag sa kanya kaya lumabas muna siya ng classroom. Mukhang importante yung paguusapan nila.
Hays, matatapos ko na ito ng matiwasay at tahimik. Napaka ligalig naman kasi nitong si Ivy kaya wala pa ako sa kalahati ng students ko ang natatapos ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/237867028-288-k45602.jpg)
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
RomanceZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...