Pagbabago
tOkwA giRls:
hope ni bry(bree): Hi mga ninang kong maganda!! I'm 5 years old now!! See u later!!
pOkpOk(quinn): Omooo Happy birthday baby!!
fAmous(asha): Happy birthday!! I'll go later there
lei lei ni jae(lei): samedt. Happy birthday!!
Birthday nga pala ngayon ni Ae. May celebration na naman yan ng bongga dahil gustong gusto ng mother in law ni Bree bongga dapat.
"Ma'am, tapos na po ako"
Sigaw ng student ko. Siya na lang kasi ang huli sa exam nila.
"You may go now"
Ngumiti siya sa akin at nagpaalam na. I'm an Elementary Ap Teacher and handling grade 6 as their adviser. I'm happy with what I have now. My mom stops being a newscaster because of her age. She's having a hard time in her job so I decided to stop her from having a job.
Maraming nagbago sa amin magkakaibigan. Si Bree may anak na, na si Ae pero hindi pa alam ni Bry ang tungkol don. Si Asha naman ay medyo okay na siya kaya umuwi na siya dito at balita ko nagkakausap na daw sila ni Liam. Si Quinn naman ay medyo okay na ren at nagkaroon siya ng sariling vet clinic pero hanggang ngayon naiwas paren siya sa pamilya ni Mack at mas lalo kay Mack.
Kami ni Jae? Medyo okay naman hehe kaso nga lang ang hirap na niyang makausap pero nabawi naman siya kaya okay lang ako sa kanya.
Niligpit ko na ang gamit ko at tinignan ng maayus ang buong silid kung okay na ba ang lahat at nagdesisyonan ng umalis.
"Pauwi ka na, Ma'am Lei?" Ma'am Valera.
Ivy Valera, ang kaibigan kong babaeng teacher dito sa school na ito. Tle major siya kaya lagi akong may pagkain kapag may gawa ang mga students niya.
"Yes, Ma'am Valera. Birthday ni Ae e"
Tumango naman siya.
"Yun ba yung anak ng bestfriend mo?" Sir Lazo.
Sumingit naman ang isa ko pang close teacher dito. Lalaki siya kaya paminsan nagseselos si Jae sa kanya kaso nagusap na kami ng ayus kasi may nililigawan na itong si Sir Lazo. Mapeh Major siya kaya maligalig ito sa mga students niya at masaya ito magturo kasi hindi siya strict.
"Yes, Sir Lazo"
Natawa naman bigla si Ivy.
"Shems, natatawa talaga ako kapag nagiging formal tayong tatlo" Ma'am Ivy.
Hindi kasi talaga kami sanay na magtawagan ng mga formal names namin kaso kailangan daw para daw tularan kami ng mga student dito.
"Same, pero kailangan e"
Tumango naman sila.
"Osya, aalis na kami may date kami e" Sir Lazo.
Napairap na lang ako kaya natawa na naman si Ma'am Ivy. Oo, si Ma'am Ivy ang nililigawan ni Sir Lazo pero secret lang iyon kasi bawal.
"Gege, umalis na kayo"
Natawa paren si Ma'am Ivy habang paalis sila. Jusko, edi sila na may date. Isang week ng walang paramdam sa akin si Jae at naiintindihan ko naman yun kasi siya na ang humahawak ng company nila.
Umalis na ako sa school at dumeretso na sa bahay nila Bree.
Kaagad naman akong dumating dahil malapit lang ang school na tinatrabuhan ko sa kanila kasi si Ae ay nagaaral din kung saan ako nagtuturo pero kinder lang siya don.
"Hi Ninang!" Ae.
Bungad na sigaw sa akin ni Ae. Niyakap ko naman siya agad.
"Happy birthday, Baby!"
Ngumiti naman siya. Ang ganda ganda niya ngayon dahil naka ayus na siya. Hawig niya talaga si Bree pero ang mata nito ay nakuha sa ama niyang buset.
Hinila na ako papasok ni Ae sa loob at nakita ko naman si Tita Bea.
"Oh iha, galing ka sa school?" Tita Bea.
Medyo close kami nila Quinn kay Tita Bea kasi kami din lagi nagaalaga kay Ae.
"Opo e. Exam po kasi nila ngayon"
Tumango naman siya at ngumiti.
"Doon muna kayo sa sala at hindi pa tapos mag ayus ang iba" Tita Bea.
Tumango naman ako at pumunta sa sala nila. Naabutan ko naman si Ae na naglalaro ng mga toys niya. Sumali ako sa kanya kasi wala pa daw si Bree nasa company pa para may tatapusin.
Infairness hindi ako late ngayon. Hindi na ako masesermonan ni Quinn.
Lumipas na ng ilang oras ay dumating na ang dalawa.
"Hi Mommy! Hi Ninang Asha!" Ae.
Asan na kaya yung isang bruha na yun?
"Oh you're here na pala. Ang aga mo ah" Asha.
Natawa naman ang isa na si Bree. Mga bano talaga ito parang ngayon lang ako naging maaga ah.
"E bakit ngayon ka lang?"
Tanong ko sa kanya. Umupo na siya sa tabi ko.
"Baliw, hindi ko alam ang bahay na ito no kaya inantay ko pa si Bree na napaka workaholic" Asha.
Natawa naman ako don. Oo nga pala. Kakarating lang niya last month at ang rami niyang ginawa dahil may restaurant na siya dito.
"Workaholic talaga yan e. Wala kasing kalandian" Quinn.
Nagulat kami sa pagsulpot ng bruha. Andito na pala tong lukaret na ito.
"Kabute ka ba?" Bree.
Natawa kami kasi laging ganan ang entrance ni Quinn.
Ngayon na lang ulit kami nabuo dahil lahat kami naging busy sa buhay at mabuti naman ay ayus lang kami. Ang raming nangyare sa kanila 5 years ago dahil lang sa party na iyon. Papano kung hindi kami pumunta sa party na iyon?
![](https://img.wattpad.com/cover/237867028-288-k45602.jpg)
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
RomanceZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...