Clown
Naka ayus na ang lahat para sa party ni Ae. Nagsidatingan naren ang ibang kaklase niya at nakausap ko ang mga parents nito dahil student ko ren ang anak nila. Kahit man mayayaman ang mga ito ay napaka bait paren at may galang sa akin bilang teacher ng mga anak nila.
Tinulungan ko si Bree sa pagentertain sa mga bisita kasi halos hindi naren niya alam ang gagawin. Buti na lang pinagkaguluhan si Asha para mag papicture sa gayon ay hindi na bored ang mga bisita.
Nagsimula na ang party dahil dumating na ang clown grabe tawang tawa kami sa clown pero bakit ang familiar non. May hawig siya e.
Tuwang tuwa ang mga bata kaya grabe na lang sila kung magutom dahil sa mga palaro ng clown kaya ng makakain na ang iba ay pumunta muna ako sa kusina at nakita ko ang clown.
Nagulat ako ng lapitan ako ng clown. Anong kailangan nito?
Nagulat naman ako ng tanggalin niya ang wig at nagpunas ng mukha kaya nawala ang mga nakalagay nito sa mukha. Shems gwapo, ireto ko na ba ito kay Quinn?
"Miss, hindi talaga ako yung totoong clown. Nalate kasi yung kaibigan ko kaya ako muna pumalit" Clown.
Gulat paren ako sa nakikita ko. KAYA PALA FAMILIAR KASI SIYA YUNG NASA MAGAZINE NA NAKITA KO!!
"Are you Yuan Perez?"
Nagulat naman siya sa sinabi ko. Napangiti naman siya.
"Namukhaan mo pala ako Haha kaya pala gulat na gulat ka kanina kasi namumukhaan mo na ako" Yuan.
Ngumiti ulit siya shems. Bawal ito may Jae na ako no! Uminom na lang ako ng tubig at tumalikod na sa kanya. Siya kasi yung crush ko na model. Pinakilala kasi siya sa akin ni Ivy then ayun nagwapuhan ako. Masama ba?
Maglalakad na sana ako paalis pero pota nadulas ako nyetaaaa
Nakapikit lang ako pero hindi ko paren nararamdaman ang sahig sa likod na parang hindi ako bumagsak.
Binuksan ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang pagmumukha ni Yuan. Shems, alam kong pulang pula ako kaya hiyang hiya na ako kasi baka isipin niya may gusto ako sa kanya.
"Are you okay, Miss Zayleigh?" Yuan.
Shems pano niya nalaman pangalan ko. Napansin ko naman nakatingin siya sa ID ko na pang teacher. Hindi ko nga pala natanggal kanina.
Tinayo niya na ako agad at inilalayan na maka upo kasi tokwa yung paa ko nagkaroon ng sprain dahil naka heels paren ako hanggang ngayon kasi galing lang ako sa school kanina at dumeretso lang dito.
"Magbibihis lang ha. Hintayin mo ko kukuha na ren ako ng yelo para diyan" Yuan.
Tumango na lang ako. Shems hiyang hiya paren ako. Nasan na ba sila Quinn? Sabi pupunta daw siya dito.
Nagulat naman ako ng biglang sumulpot ulit si Yuan. Ang bilis naman nito.
Pero bakit mas lalo akong namula? Tangina naka ayus na siya ngayon at grabe ang impact huhu. Makipagbreak na kaya ako kay Jae? Char lang!
Hinawakan niya ang paa ko kaya para akong maamong pusa dito na nakatingin lang sa kanya habang dahan dahan niyang tinanggal ang heels ko at dinampian ng yelo.
Napa ungol ako sa sakit kaya napatingin siya sa akin.
"Sorry, I'll be gentle" Yuan.
Tokwa ang manly ng boses. Bakit kasi ako nagjowa ng maaga? Joke lang mahal ko pa naman si Jae. Grabe nga pagsasama namin e.
Natapos na niya ang pag gamot ng paa ko at ngayon medyo okay na siya.
"Miss, magiingat ka na sa susunod ha. Aalis na ako hehe I have work" Yuan.
Tumango ako at...
"Salamat"
Ngumiti naman siya. Hindi ko talaga malilimutan na mameet ko si Yuan Perez ng gantong kalapit.
Pagalis naman ni Yuan ay biglang sumulpot naman si Quinn.
"Musta? Nagkaigihan ba kayo?" Quinn.
Tokwa talaga itong si Quinn ee.
"Kanina ka pa diyan?"
Tanong ko sa kanya kasi parang alam niya ang lahat ng nangyare. Ngumiti naman siya ng bongga at lumapit sa akin lalo.
"Oo naman. Kinilig nga ako sa inyo e. Mapapasana ol na lang talaga ako" Quinn.
Inirapan ko siya. Ang tagal na niyang hindi lumalandi kaya gantong kabitter ito. Kelan kaya balak kausapin ni Mack si Quinn? Nakita ko siya sa opening ni Quinn sa vet clinic niya. Ship ko pa man din sila kaso ang hina ng manok ko Haha
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
Storie d'amoreZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...
