Friend
Wala akong nagawang pagtanggi kay Yuan kasi nakakahiya kung paalisin ko siya dito eh ang aga aga niya pumunta dito kaya nagpahatid na lang ako sa kanya.
Sumakay na kami sa kotse niya. Infairness ang bongga ng sasakyan. Halatang anak mayaman ito e.
Nagulat ako ng pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Naalala ko tuloy si Jae nung unang araw ng panliligaw niya sa akin. Gantong ganto siya akin.
Hayst, self 'wag mo na nga isipin yun.
"Salamat"
Sabay ngiti ko sa kanya. Nagulat naman ako ng mamula siya. Hala baket?
"Okay ka lang?"
Tanong ko sa kanya kasi bigla bigla na lang siya namula.
"I-I'm okay hehe" Yuan.
Sabay kamot sa batok niya.
Ang cute Haha...
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya at sinarado niya iyon. Mabilis naman din siya sumakay para makapagdrive na.
Nangmaka alis na kami sa subdivision namin ay nakatutok na ako sa daan kasi hindi naman siya nagsasalita kaya nakatingin na lang ako sa labas.
"Okay ka na ba?" Yuan.
Nagulat naman ako sa tanong niya kaya napatingin ako. Kita ko ang pagaalala niya sa mata niya. Alam niya ba?
"Medyo..."
Hindi kasi ako sure kung okay ba talaga ako. Ang gusto ko na lang ngayon ay magpatuloy.
"Kung kailangan mo ng kasama, andito lang ako" Yuan.
Napangiti naman ako pero nakakahiya naman yun.
"Nandiyan naman si Quinn sa tabi ko kaya hindi mo na kailangan magsayang ng oras sa akin"
Tumingin naman siya sa akin ng mabilis at tumingin ulit sa daan kasi nagdridrive siya.
"Magiging busy na si Quinn" Yuan.
Nagtaka naman ako don at patuloy ang pagtingin sa kanya.
"Huh? Baket?"
"Gumalaw na yung manok mo" Yuan.
Sabay ngiti niya sa akin. Huh? Gumalaw na si Mack?
"Magkikita sila mamaya kaya paniguradong hindi na papakawalan iyon ni Mack" Yuan.
Napangiti ako don. Deserve ng bestfriend ko ng ganon. Ang tagal niya na ren naging magisa oras naren siguro ito para magkaroon na siya ng kasama.
"Mabuti naman kung ganon..."
Masaya ako kasi hindi ko na makikita yung pagmumukha ni Quinn na nagspaspace out lagi.
"Kaya wag ka na mahiya sa akin kung kailangan mo ng kasama" Yuan.
Tumango na lang ako. Tama naman siya.
Mga kaibigan ko may sari sariling buhay na at kanya kanyang problema. Atlis ngayon may bago na akong kaibigan na nandan lagi sa akin.
Nakarating na kami agad sa school na pinapasukan ko. Pinasok niya ang kotse niya sa parking lot kaya ang raming nakatingin na student sa kotse niya. Agaw eksena kasi talaga yung kotse niya.
Siguro akala ng mga student may bagong kotse na naman ang principal nila Haha.
Bumaba siya agad pagtapos niyang patayin yung engine kaya mas lalong pinagtitinginan. Ang gwapo ba naman kasama ko hayst.
Pinagbuksan niya ako ng pinto para makababa ako. Nakita naman ako ng advisory ko kaya medyo nahiya ako.
"Salamat"
Ngumiti naman ako sa kanya. Grabe nahiya yung pagmumukha ko kasi ang gwapo ng kasama ko jusko.
"No probs. Basta ako na lagi maghahatid sayo" Yuan.
Nagulat naman ako. Akala ko kasi ngayon lang.
"Uy wag na. Kaya ko naman magsakay na lang"
Umiling naman siya agad. Makulit pala to.
"Don't mind me. Wala naman akong ginagawa ngayon e" Yuan.
Sabay ngiti niya. Ang hirap naman tumanggo dito kaya tumango na lang ako.
"Sige, pasok na ako"
Tumango naman siya at umalis na ako.
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
RomanceZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...