Offer
Pagtapos yung pangyayari na nakasalubong ko ang aking ex ay inaya ako ni Yuan lumabas muna para mag palamig.
Kung magtanong man siya tungkol sa nangyare sa amin dati ng ex ko willing na siguro ako magsabi. Halata naman sa mukha niyang gusto niyang malaman iyon at nag woworry siya. Handa na naman siguro ako mag vent out tungkol sa sama ng loob ko sa ex ko. Siguro ito na rin yung way para unti unti ko na rin tanggapin na wala na talaga kami.
"Are you okay?" Biglang tanong ni Yuan habang nag dridrive siya.
Tinignan ko siya mabuti at kita ko talaga sa kanya na nag alala siya.
"I'm okay Haha, you don't have to worry"
Nginitian ko siya para lang mapakita kong okay talaga ako kahit may konti paren na sakit nung makita ko ang ex kong masaya na sa iba. Hindi ko man maamin sa sarili kong nasasaktan pero wala na ko magagawa kasi yun ang totoo.
"Just call me if your ex bugging you again" Yuan.
Tumango na lang ako.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Alam kong late ko ng natanong pero medyo naka layo na kami sa bar kaya ngayon ko lang na realize na kailangan ko ng itanong.
"Somewhere, yung makakahinga ka ng maluwag" Yuan.
Somewhere? Saan naman yun? Wala naman siguro 'to balak gawan ako ng kababalaghan no.
"You don't need to be nervous, wala akong gagawing masama sayo Hahaha" Yuan.
Halata ba sa mukha kong nanerbyos ako sa sinabi niya? Sorry na, masama bang magisip ng ganon?
"Hahaha okay sabi mo e"
Natahimik na lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa isang cafe shop na kahit malapit na mag madaling araw ay bukas pa rin.
"We're here, let's go" Sabay ngiti.
Palangiti naman nito kaya siguro maraming nahuhulog dito.
"Alam kong nagtataka bakit bukas pa ito Hahaha" Yuan.
Buti alam mo? Sobrang late na kaya.
"Kaibigan ko ang owner ng cafe na ito at ginawa niya 'tong 24 hrs kaya kahit anong oras pwedeng pwede ka dito tumambay" Yuan.
Wow! Friendly naman pala.
Pumasok na kami sa loob at bumungad agad sa amin ang magandang dilag. Kaibigan niya lang ba ito? Bakit ang ganda naman para gawing kaibigan?
"Hi Yuan lods!" Bati ng owner siguro ng cafe na ito.
"Hi, Marion!" Yuan.
Kitang kita ko naman mag ka close sila. Pagtapos nila magbatian sa isa't isa ay naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Marion.
"Wow! Ganda naman ng kasama" Marion.
Shit nasabihan akong maganda nito ni ate ghorl mong si Marion. Mukha naman siyang mabait.
"Maganda talaga" Bulong nito ni Yuan.
Ngumiti naman si Marion na parang may alam. Bakit kaya? Hindi naman sa sobrang manhid ko pero hindi ko talaga sila maintindihan.
"Lei, si Marion nga pala yung may ari na kaibigan ko nito na sinasabi ko kanina then Marion this is Lei my friend" Yuan.
Natawa naman si Marion. Bakit ba? Ano ba meron?
"Ahh friend, okay. Tara na at umupo na kayo kanino pa kayo nakatayo dito" Marion.
Gaya ng sabi niya, umupo na nga kami para siguro makapag order na din. Pagkaupo ko ay napatingin agad ako sa interior design ng cafe ni Marion. Grabe ang ayus at maganda sa mata yung pagkaka disenyo.
"My usual order then give her your best selling" Yuan.
Tumango naman agad si Marion.
"Okay po sir, please give me a minute" Sabay ngiti sa akin ni Marion kaya nginitian ko rin siya pabalik.
Base sa observation ko, kaibigan nga lang talaga ang tingin nila sa isa't isa.
"I know what's on your mind Hahaha. Marion is just my childhood friend. Her mother worked for my family's business at the same time best friend ni Mama" Yuan.
It makes sense so I agree. Dumating naman agad ang order namin at hinayaan na lang kami ni Marion dito kasi may gagawin pa daw siya. Hinayaan ako ni Yuan ienjoy ang coffee.
After he finish his coffee, tinignan niya ako mabuti at alam kong marami na 'tong tanong na gusto itanong sa akin. Okay lang naman sa akin sagutin iyon.
"Can I ask a question?" Yuan.
Tumango naman agad ako kasi alam ko na kung ano yun.
"Base sa nakita ko kanina sa bar, hindi ka pa nakaka move on sa lalaki na yon" Yuan.
Magaling ba siyang observer o masyado lang ako halata kanina?
"You're right, since I was in college may relasyon na kami so medyo masakit at mahirap makapag move on sa taong yun"
Awkward man sabihin pero hindi ko kayang mag sinungaling sa taong 'to.
"I have an offer for you pero I'll give you time to think" Yuan.
Mukhang seryoso na 'tong offer na sinasabi niya.
"According to your mom, Laguna is your province" Yuan.
Apaka daldal talaga ni Mama, hays. Tumango naman ako.
"This coming april, I need to go Laguna and naisip kong isama ka kasi hindi ako familiar masyado sa Laguna" Dugtong niya.
Isasama niya ako sa Laguna? Bakit ako? Ay shunga ka ba Lei? Syempre tiga doon ka kaya gusto ka niya isama.
"As I said earlier, I'll give you time to think. It's okay for me if you reject this offer" Sabay ngiti sa akin ni Yuan.
Yung ngiti niya parang nagpapa cute sa akin para pumayag sa offer niya. I don't mind if I say yes, na mimiss ko na rin kasi ang Laguna at sakto sa april ay matatapos na rin ang class pero siguro kailangan ko muna mag ask kanila Quinn tungkol dito.
"Pag iisipan ko"
Ngumiti naman siya agad kahit walang kasiguraduhan kung papayag ako sa offer na niya.
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
Любовные романыZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...