Chapter 4

6 2 0
                                    

Sakit

"Huh? Anong nangyare? Pupunta ako diyan. Saang hospital yan?"

Natataranta na ako ngayon kaya sinagot naman agad ni Jace ang tanong ko. Nanginginig na ako ngayon at hinayaan ko ang sarili kong ganto ang itsura ko at agad na lumabas para humanap ng Taxi sa labas.

Dumating naman agad kami sa Hospital kasi malapit lang ito. Pumasok ako agad at hinanap ang location na sinend ni Jace.

"Jace"

Tawag ko kay Jace kasi nakita ko siyang nakaupo lang. Yumakap agad siya sa akin at nagsibagsakan na ang mga luha niya. Younger brother si Jace ni Jae. He's just 16 years old at grabe ang pagsasama nila ni Jae kaya grabe na lang ito umiyak ngayon.

Pinapakalma ko siya ngayon kasi alam kong nagaalala na siya ng sobra sa kuya niya. Nang kumalma na siya ay umupo na kami at tinanong ko na siya.

"Nasan ang parents niyo? Padating na ba?"

Tanong ko sa kanya at tumango lang siya. May naramdaman naman kami natakbo na babae na may edad na gaya ng Mama ko. Tuloy tuloy nagsibagsakan ang mga luha niya papunta dito.

"Jace, what happen?" Tita Julia.

Hindi ako nagkakamali ito ang Mom nila, si Juliana Mendoza.

Agad naman tumakbo si Jace sa Mom niya para yakapin ito. Hindi nagsalita si Jace pero niyakap niya lang ng mahigpit ang Mom niya.

Tumingin naman sa akin ang Mom niya at ramdam ko ang pagtataka niya sa akin.

"Jace, Do you know her?" Tita Julia.

Tumango lang si Jace. Ngayon ko lang nameet ang parents ni Jae at sa gantong sitwasyon pa talaga.

"I'm-"

Magpapakilala dapat sana ako pero hinigit ako ni Jace palayo sa Mom niya. Nagtaka naman ako.

"Ate, I have something to tell you" Jace.

Medyo kinabahan naman ako don. Ano naman yun?

"What is it?" 

Hinawakan niya maiigi ang kamay ko na parang ayaw niya ako masaktan sa sasabihin niya.

"May babaeng nakatakdang magpakasal kay Kuya Jae" Jace.

Nanghina ako don ng unti at hinawakan naman ako ng sobra ni Jace.

"Sorry, Ate Lei pero wala tayong magagawa kasi si Mom and Dad ang may gusto non" Jace.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nyetang buhay ito!

"Kelan pa?" 

Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Fuck, nagaalala ako sa wala kasi may ibang mahal na siya.

"Nung college pa si Kuya Jae. Ayaw niya sabihin yun kasi ayaw niya ikaw masaktan" Jace.

Napatakip na lang ako ng mukha. Fuck, so ang tagal na.

"Minahal ka ni Kuya Jae pero natutunan niya ren mahalin yung babae" Jace.

Tangina edi sana sinaktan na niya ako noon deba?! 

Lumakas na ang mga hikbi ko kaya wala nang nagawa ni Jace para pakalmahin ako.

"Sorry, Ate Lei. I know my brother is a bullshit. You don't deserve this" Jace.

Matapos ng ilang oras ay sinabi muna ni Jace na umuwi muna ako. Papahatid niya sana ako sa driver nila pero tumanggi na lang ako. Kaya kong umuwi magisa.

Punyeta nagalala ako sa hayop na yun. Pota siya!

Nagdesisyon akong naglakad na lang muna at kapag napagod ako ay sasakay na lang ako. Para akong patay kung maglakad ngayon buti na lang kokonti na lang mga tao sa labas kasi medyo gabing gabi na ren.

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may nakasunod sa akin kaya sumilip ako sa likdo pero wala naman akong nakita. Kung hoholdapin man ako non. Wala siyang makukuha depota. 

Tangina niya! Kaya ko paren mabuhay ng wala siya! 

Move on (First Gen series #4)Where stories live. Discover now