Laguna trip #1
Maaga ako bumangon dahil napagkasunduan namin ni Yuan na 6 am ay susunduin na niya ako dito sa bahay. Wala namang kaso sa akin yun kasi baka matraffic pa kami.
"Anak! Nandito na si Yuan" Tawag sa akin ni Mama.
Tumingin muna ako sa salamin bago ako bumaba. Bungad naman sa akin ang nakangiting lalaki na parang excited sa trip na ito. Okay, pogi siya. Sino naman hindi magwagwapuhan sa kanya no'. Pormadong pormado din ang panunuot kaya hindi mo talaga maiiwasan mapogian sa kanya.
"Good morning, Lei" Bati ng lalaki sa akin.
Nginitian ko siya at binati rin. Nasa baba na kanina ang mga gamit ko kaya tinulungan niya ako bitbitin ang mga iyon para mailagay sa kotse niya.
"Hindi na ba kayo mag uumagahan muna?" Tanong ni Mama sa ginoo.
Ngumiti na naman ito bago ito sumagot.
"Hindi na tita. May pupuntahan po muna kami ni Lei at doon na po mag brebreakfast" Magalang niyang sagot kay Mama.
Tumango na lang si Mama sa kanya at nagpaalam na sa amin parehas. Pinagbuksan naman ako ni Yuan ng pinto para makasakay na ako. Halata ko naman ang pagkilig ni Mama sa ginawa nito. Kahit ako medyo kinilig hehe.
"Mag ingat kayo ha"
Tumango naman kami ni Yuan atsaka siya pumasok sa kotse niya para maka alis na.
"Inaantok ka pa ba? Matulog ka muna" Malambing na sabi ni Yuan sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya nung sinabi niya yun at napakamot sa batok niya siguro dahil nahiya siya pagtingin ko sa kanya. Mahiyain din pala 'to.
"I'll wake you up when we get there"
Tumango na lang ako at umayos ng upo para makatulog ako pero may kinuha siya sa likod at may binigay siyang mini pillow.
"Use this" Matipid na sabi ni Yuan.
Nagpasalamat ako sa kanya at kinuha sa kanya yung mini pillow. Nagamit ko naman ng maayus ang binigay nito at walang kahirap hirap akong nakatulog ng maayus.
Tuluyan na ako nakatulog dahil medyo nagpuyat ako kasi hindi ako makatulog kakaisip kung anong mangyayare sa trip namin.
"Lei" Malambing na paggising sa akin ni Yuan dahilan kung bakit napabalikwas ako. Medyo nasarapan ako ng tulog at hindi ko napansin na naka park na kami isang mall.
"We're here at MOA. Breakfast muna tayo" Aya ng lalaki sa akin.
Inayus ko ang sarili ko agad kasi nakakahiya baka may tulo ako ng laway tapos ang gulo pa ng buhok ko shuta.
Kinuha ko ang sling bag ko. Nagulat naman ako sa pagbukas ni Yuan ng pinto ko. Gentleman talaga nito.
"Thank you" Malambing kong sabi sa kanya.
Ngumiti lang ito sa akin. Medyo pabebe akong bumaba kasi nakakahiya naman kung shunga shunga ako bumaba medyo may kataasan pa man din kotse niya.
Napatingin ako sa malaking mall dito sa Manila. Ngayon na lang ulit ako nakarating dito kasi sila Quinn lang naman mahilig magshopping dito.
Sumunod lang ako kay Yuan kasi hindi ko alam saan kami pupunta. Medyo mahaba haba ang lakaran ang nangyare sa amin kasi sobrang laki talaga ng Mall na ito.
Sa wakas nakarating din kami sa pupuntahan namin. Pumasok na kami at umupo sa nahanap niyang table para sa amin.
"It's my treat. What do you want?" Yuan.
Mukhang hindi ko naman siya mapigilan na ilibre niya ako kaya sinabi ko na lang gusto ko.
"Mocha latte lang sa akin" Ngiti kong sabi.
Tumango naman siya at tumayo na para mag order sa counter. Medyo marami na ren tao sa loob ng coffee shop na ito. Panay mag jowa ang mga ito kaya siguro baka mapagkamalan din kami ni Yuan na mag jowa dito.
Mabilis lang naman nakaorder si Yuan kaya nakabalik din siya agad sa table namin.
"Thank you nga pala ulit sa pagpayag sa trip na ito" Pangunguna ng conversation namin ni Yuan.
"It's okay, mag eenjoy rin naman ako at kailangan ko ren muna mag rest kaya dapat ako mag thank you sayo"
Napatawa lang kami pareho kahit medyo awkward pa rin.
Tinawag bigla ang pangalan ni Yuan kasi okay na yung order namin. Kinuha naman niya iyon at agad din bumalik sa table.
Inilapag naman niya sa harap ko ang mocha latte na gusto ko.
"Thank you sa treat"
Ngumiti lang siya at sinimulan na namin inumin ito.
"Okay lang ba kay tita ang pagsama mo sa akin?" Nagulat naman ako sa tanong ni Yuan siguro para makapag open siya ng conversation namin.
"Okay lang naman sa kanya. Kilala ka naman non kaya may tiwala yun sa akin. Hindi mo naman ako papabayaan diba?"
Siya naman nagulat sa tanong ko. Sige beh, magulat lang tayo sa isa't isa.
"Of course!" Napasigaw niya medyo ang sagot niya sa tanong ko kaya natawa ako ng sobra buti na lang konti na lang mga tao ngayon kasi umalis na yung iba.
"hindi naman ako katulad ng ex mo" pabulong niyang sabi kaya hindi ko gaano narinig pero hinayaan ko na lang siya.
Natapos naman agad namin ang iniinom namin kaya nag aya na ako umalis. Pumayag naman siya kaya nakarating na kami sa kotse niya.
Hindi naman na ako nakatulog sa biyahe dahil hindi naman na ako inaantok. Sabi naman niya ay pupunta kami sa San pedro para mag simba doon saglit. Medyo may kagandahan don kaya siguro napili niyang magsimba muna kami doon.
YOU ARE READING
Move on (First Gen series #4)
RomanceZayleigh Magsaysay, kilala bilang Lei. Anak ng newscaster at lawyer. Medyo hindi kasing yaman ng mga kaibigan pero maganda din ang buhay. Matagal na siyang may boyfriend na dapat fiance niya ito pero dahil sa gabi na yun tinawag siyang "the one that...
