Chapter 13

12 1 0
                                        

Approval 

Natapos ko naman agad ang mga card ng mga students ko kasi hindi na rin bumalik si Ivy kaya walang nanggulo. May nangyari ata sa family ni Ivy kaya umalis siya bigla. Sana okay lang siya.

Ngayon pauwi na ko sa bahay namin nila Bree. Oo, buhay pa itong bahay namin nung college kaso minsan na lang kami nauwi dito kasi may kanya kanya na kaming buhay at trabaho. Malayo rin kasi ito sa trabaho ko kaya kay mama na lang ako nauwi para hindi hassle.

Napag isipan ko na rin na itake oppurtunity na ito para sabihin sa kanila ang offer sa akin ni Yuan tutal si Asha ay aalis na naman ng bansa for her modeling purposes. 

Bungad agad sa akin ang mga sasakyan ng mga kaibigan ko. Iba talaga kapag nasa mga tamang landas na sila, nakaka proud lang as their best friend. 

"Asha, pupunta pa ba si Lei?!?!" 

Grabe ang lakas parin talaga ng boses ni Quinn. Miss na miss na siguro ako nito. 

"Hinaan mo nga boses mo, napaka ingay e. Kumalma ka diyan sabi niya malapit na daw siya" Asha.

Ramdam ko ang irita ni Asha kahit ako naman maiirita sa ingay ng boses ni Quinn. Pumasok na lang ako agad at hindi na nag doorbell tutal bahay ko na din naman ito. Tagal ko ren kaya tumira dito, halos buong college dito na ako.

"Oh ayan na pala si Lei e" Bree.

Bumungad agad sa akin si Bree na nasa harap ng picture namin. Siguro namiss niya rin dito. Tagal din kasi namin hindi na buo at umuwi dito. 

"Hello!" Bati ko.

Nginitian naman niya ako at sumubo ng popcorn na hawak niya. 

"Tara doon na tayo sa sala. Kanina ka pa inaantay ng minamahal mong si Quinn" Sabay tawa niya. 

Sa circle of friends na ito ay kami ni Quinn ang pinaka close. 

"Lei!! Late ka na naman" Bungad sa akin ni Quinn at sabay nag pacute sa akin.

Hinug ko na lang siya para tumigil na siya sa pagrereklamo. Natigil kaming lahat ng may mag doorbell.

"Yan na ata yung inorder namin" Bree. 

Napaghahalataang hindi marurunong magluto e. Ako lang kasi marunong magluto sa kanilang lahat kaso late ako ngayon kaya siguro nag order na lang sila. 

"Set the table" Paalala ni Asha bago siya pumunta sa labas para kunin ang order namin. 

Napatingin naman ako sa paligid. Wala naman halos nagbago sa bahay na ito pero napanatili pa rin namin na malinis ito kasi nag hire ata sila Asha ng caretaker nito habang wala kami. 

"Tara na, ayusin na natin 'to" Aya ni Bree habang si Quinn busy tumingin sa phone niya habang nakangiti. Nako si Mack na kachat nito, nagkaayus na rin naman sila e.

Hinayaan namin si Quinn sa bebe time niya. Mapapa sana ol ka na lang sa kanila. Kumuha na kami ni Bree ng mga plato at baso para makakain na kami.

"Let's eat na" Aya ni Asha habang bitbit niya ang bucket ng chicken. 

Tuwang tuwa naman si Bree nang makita niya ang hawak ni Asha. Hindi ba ito pinapakain ni Bry? 

Umupo na kami lahat para magsimula na kumain kasi halos lahat kami ay gutom na galing sa trabaho. 

"May beer tayo sa ref, kakabili ko lang kanina" Lahat naman ngumiti dahil sa sinabi ni Quinn. 

Si Quinn talaga ang sources ng mga alak kahit nung college pa kami. Kinuha ko na ang mga beer at binigyan ko sila isa isa. Grabe ang raming beer ang binili ni Buang. G na g uminom ah.

"Lei, kamusta ka na pala? Sorry hindi ako nakauwi ng pinas nung may nangyari sayo" Tumingin naman ako kay Asha kasi alam kong nag aalala siya nun. Panay nga siya tawag sa akin gabi gabi para lang matanong ako kung okay ako kaso saglit lang yung mga call kasi sobrang busy niya.

"Okay na naman ako, ay oo nga pala may sasabihin ako" 

Napatingin naman silang lahat sa akin at halatang curious sa sasabihin ko.

"Ganto kasi yun..." 

Tumigil sila sa pagkain nila at nakinig ng ayus. Mga uhaw din ito sa tsaa e.

"Last time nag bar kami nila Ivy then I met my ex sa bar na iyon so nilapitan ako at kung ano ano pinagsasabi" 

Napataas naman ang kilay ni Quinn at handa ng magsabi ng masasamang words.

"Pero dumating si Yuan tapos para tumahimik na yung ex ko nagpakilala siya bilang boyfriend ko" 

Lahat sila lumaki mata kahit ako ren naman nagulat sa nangyari. Imaginin mo ba naman ang isang Yuan Perez nagpakilala bilang boyfriend ko. 

"Alam kong gulat kayo pero yun ang totoo after nun wala ng masabi ex ko kaya umalis na lang kami don tas dinala niya ako sa cafe ng kaibigan niya" 

Kung kanina gulat na gulat sila ngayon naman ay nakangiti sila. Oh deba mga buang paiba iba ng reaction, halatang dalang dala sa kwento ko.

"Tapos eto na nga yung point kung bakit ko ito kinwento" 

Nakita ko kay Asha na naliwanagan na siya sa kinukwento ko. May alam ba ito?

"Na binigyan ka ng offer ni Yuan na sumama sa kanya sa Laguna? Am I right?" Ako naman nagulat sa sinabi ni Asha. Bakit alam nito?

"Inaya ka ni Yuan Perez?!?" Grabe naman maka react 'tong si Quinn. 

"Ako unang sinabihan ni Yuan para diyan kasi natatakot siyang magsabi sayo then I told him to try then he did" Asha said. 

Kaya naman pala may lakas ng loob ako ayain ni Yuan.

"Tatanggapin mo ba?" Biglaang tanong ni Bree na kanina pang tahimik kasi busy kumain.

Tumingin na naman sila sa akin na parang nag aantay sa sagot ko.

"Nagdadalawang isip pa ako" Mahina kong sagot.

Sabay sabay naman sila napabuntong hininga.

"If I was you, I'm going to accept this offer" Asha. 

Umagree naman ang iba sa sinabi ni Asha.

"This trip will help you to go unwind from your stupid ex tas pati na rin sa trabaho mo" Tama naman talaga yung sinabi ni Asha. Makakatulong rin naman ito sa akin.

"Yan din naman ang reason kung bakit gusto ko ren tanggapin" 

Ngumiti si Asha kasi nagegets ko yung sinasabi niya. Kahit ako ren naman gusto ko muna magpakasaya at magpakalayo muna.

"Kaso nakakahiya naman sa tao kung sasama ako" 

Napabuntong hininga na naman sila. Feel ko na pipilitin na nila ako para sa trip na ito.

"Bakit ka mahihiya e ikaw 'tong binigyan ng offer ng isang Yuan Perez" Quinn. 

Tumango tango naman sila na ipakitang tama ang sinabi ni Quinn.

"Quinn has a point, just accept the offer. I know na gusto mong mag desisyon din kami para sa iyo pero I think it's the best for you to go for it" Ngumiti naman silang lahat sa akin like they're giving me a approval to accept this offer. 

Siguro nga walang masama if pumayag ako sa offer na ito. 

Move on (First Gen series #4)Where stories live. Discover now