Nang hawakan ng nilalang ang kamay ni Miguel ay bigla bigla ay napunta sila sa isang building sa pasig kilala niya ang lugar na ito, ito ang lugar kung saan siya lumaki isang tenement building na paupahan ng mga katulad niyang dukha. Ang lugar kung saan nag umpisa ang kanyang paghihirap kung saan siya natutong mamuhay at dumiskarte para mabuhay ang sarili sa pamamagitan ng pagnanakaw kasama ang kanyang pinsan at mga kaibigan.
" Ano Miguel naalala mo ba ang lugar na ito?, ito ang lugar na sumubok ng tibay mo ". Sabi ng nilalang.
"Bakit mo ba ako dinala dito ang sabi mo may ibibigay ka sa akin? Akin na yung sinasabi mong mutya kung ano man yun! ". Sabi niya sa nilalang.
" Oo pero huwag ka munang maadali darating din tayo diyan gusto ko lang na linawin sa iyo na akoy isang gabay lamang at para masubok ang iyong puso kung karapat dapat ka talaga sa kapangyarihang ipagkakatiwala ko sa iyo". Sabi ng nilalang.
Ipinitik ng nilalang ang kanyang kamay na buto at ipinakita sa kay miguel ang lahat ng mga alaala niya kung bakit niya ginawa ang mga ginawa niya kung bakit siyan naging isang mamamaslang na walang kinatayakutan.
" Inay may dala po akong pansit at puto o pasalubong ko po" sabi nito sa nanay niyang nagsasampay ng mga damit .
Nakita niyang parang may mababang luha sa mga mata ng kanyang inay habang nagsasampay." Inay ano pong nangyari bakit po kayo umiiyak " tanong niya sa kanyang ina.
"Miguel iniwan na tayo ng kuya Anton mo nakita ang katawan niyang palutang lutang sa ilog ". Sabi ng kanyang inay.
" Anooo, ddii totoo yan inay hindi pa patay si kuya inay di totoo yan!!!" Gulantang na sabi nito.
Mga alalang nasaksihan niya na ipinakita ng nilalang.
" Di ko na kailangan alalahanin pa mga iyan ano pa ba ang silbi ng mga masasakit na alaalang iyan!?. Mula ng mamatay ang kuya nawalang na ng sigla si inay araw araw inaalala niya ang mga masasamang nangyari mula ng mamatay si kuya. Mula noon nagkasakit siya at namatay siyang hindi man lang ako inalala kung okay ba ako kung kaya ko pa ba ang buhay mag isa namuhi ako ng husto sa kanya napaka makasarili niya parang si kuya lang ang anak niya !!" Paglalahad ni Miguel habang lumuluha dahil sa kanyang kahapon.
" Alam mo Miguel ang lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit nangyayari kaya ako ang inatasan para ibalik ka sa mundong ito para gampanan ang tungkulin ko ". Sabi nito kay Miguel
"Tungkulin !!? at anong tungkulin ito at bakit ako sa lahat ng mga mabubuting tao na pwedeng piliin bakit ako!!? Isa akong kriminal !!!". Sumbat ni Miguel sa nilalang.
" Ako ang sugo ng paghihiganti at kamtayan ilang siglo na akong nabubuhay at inatasan akonng kataastasan para ipasa sa iyo ang aking tungkulin. Marahil ng ikaw ay masama nagnakaw para mabuhay mula ng mawala ang iyong inay at kalaunay naging isang mamamatay tao ngunit hindi nagsisinungaling ang karit ng tadhana na ikaw ay piliin upang humalili sa akin ". Sabi ng nilalang.
" Kung ganon bakit hindi ko man lang nabalitaan na may mga taong namamatay dahil sa kasamaang ginagawa ?! Bakit sa tuwing may mga naghihirap dahil sa kawalan ng hustisya hindi ka man lang tumulong ?!!" Galit na tanong nito sa nilalang.
" Dahil hindi ako tao at higit ang pangunawa ko sa lahat. Lahat ng bagay na nangyayari na kagagwan ng tao ay may kapalit Miguel at huwag mong isisi sa akin ang mga nangyayari sa mundo dahil ang tao lang mismo ang may kakayahang mag pasya sa kabutihan o kasamaan na kanilang ginagawa ". Balik nito kay Miguel.
" Hindi mo ba nakikita na lahat ng bagay ay may kapalit lahat ng kinikitilan mo ng buhay noong tao ka pa ay katumbas noon ay pag gaan ng trabaho ko Miguel ?". Dagdag ng nilalang.
" Anong Ibig mong sabihin ?" Tanong ni Miguel .
" Lahat ng taong pinapapatay sa ito ay ang mga taong dapat ay aking kukunin ngunit dahil matalino si tadhana ay ikaw mismo ang kumuha ng buhay na aking susunduin dapat sana ay mamamatay sila sa natural na paraan pero nauunahan mo ako palagi na kunin ang buhay nila.
Nawawalan ako unti unti ng lakas na sunduin ang aking mga pakay at naunawaan ko na lang na katulad ko ay may bago ng piniling gumanap ng aking misyon ". Sabi ng nilalangAt walang ano ano ay biglang sinugod ng nilalang si Miguel at tinusok sa dibdib gamit ang mga buto nitong kamay . Labis na nabigla si Miguel at hindi man lang kumurap sa bilis ng pangyayari hinugot ng nilalang ang isang puting liwanag at kalaunay naging isang pirasong bato na kulay asul parang holen lang ito sa laki pero makinang .
" Ano yan!? bakit parang wala akong naramdaman ng tinusok mo ako ng kamay mo !?" Takang tanong niya sa nilalang.
"Paano ka makakaramdam kung isa kang espirito!? Hahahaaha!!"
Patawang sagot nito.
" Eh kung ganon paano ko magagampanan ang misyon ko kung patay na ako, anong gagawin ko tatakutin sila hangang mamatay ?".
Sagot nitong sarkastiko sa nilalang." Heto kunin mo ang mutya tutal galing naman sa katawan mo iyan iyan ang dahilan kung bakit ilang ulit mo nang natakasan ang kamatayan ngunit dahil rin dito ay tinawag niya amg iyong kaluluwa kaya ka namatay at gampanan ang iyong tungkulin".
Sabi ng nilalang kay Miguel.
" Anong gagawin ko diyan?" Balik na tanong sa nilalang.
" Sa tuwing mangangailangan ka ng katawan upang gawin ang iyong tungkulin ipalunok mo ito sa kahit kaninong katawan ikaw na ang bahala. Kahit sa hayop pwede mong saniban gamit niyan at magtataglayan ka ng kakaibang lakas at abilidad na nakawin ang anyo ng kahit sinong gusto mong gayahin.
Ngunit isang paalaala huwag kang tumitig sa kahit anong salamin kung hindi kusang hihiwalay ka sa iyong sinasapian. Marami pang abilidad na di ko nababanggit ngunit ikaw na ang bahalang tumuklas".
Habilin nito kay Miguel." Kailan akong pwede magsimula?".
Tanong ni Miguel."Ngayon din" sagot ng nilalang ng pumitik ulit siya at sumulpot si Miguel sa isang kalsada hawak hawak ang karit ng nilalang ngunit nagtataka siya kung nasaan na ito.
" Lintik muntik ko nang mahulog ang mutayang ito mabuti ay nandito lang sa bulsa ko hahaha" sabi nito sa sarili at parang tangang tumatawa .
"At isa pa pala Miguel nakikita mo ba ang bungong may iisang kristal na pula sa kaliwa ilagay mo ang mutyang iyan sa kanang bahagi para ituro sa iyo ng Karit ang iyong misyon"
Biglang sabi ng nilalang sa isip niya na ikinagulat ni Miguel at muntik na naman niya mabitawan ang mutyang hawak niya.Itutuloy........

BINABASA MO ANG
Kaibigan ko ay si Kamatayan
FantasyIsang nilalang na nawalan na ng pagasa , nalugmok sa pighati at kumapit sa patalim ngunit nabigyan ng panibagong buhay para magbago ngunit sadya yatang mapagbiro ang tadhana at ang kanyang nahanap sa halip ay isang kaluluwang tinatawag na kamatayan.