chapter 6: Pangako ng berdugo

15 1 0
                                    


Hinawakan ni Miguel ang ulo ni  Benjo tila siya ay nakuryente at di niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman di siya nanghihina pakiramdam nga niya ay mas lalo siyang lumakas at nagliwanag ang kanyang mga mata na imbes kulay asul ay naging matingkad na puti.

May gumagapang na enerhiya sa kanyang kamay na parang isang kuryente at bigla bigla ay nagising ang bata.
Nagulat si Benjo at tumingin sa taong nakahawak sa kanyang ulo ngunit parang malabo ang imahe nito dahil sa di maipaliwanag na liwanag na bumabalot sa buong silid na ito.

Nang mawala ang liwanag ay kasabay ding humupa ang nararamdaman ni Miguel nakatitig ang bata sa kanya at tila nagulat. Dahil di niya inaasahan ang taong nasa harapan niya,  ito ang taong nakita niya sa sidewalk ng tulay ng inagawan siya ng bag ng sisiga sigang bata.

" Kamusta ka na bata okay ka lang ba"
Tanong ni miguel.

" Sino po kayo bakit ako nandito at ano tong nakakabit sa aking kamay?"

Balik na tanong ni Benjo.

" Nandito ka sa ospital di mo ba ako naalala nagkita na tayo dati. Pasensiya na at nahuli ako ng dating at di kita nailigtas pero pangako di ka na makakaranas ng kalupitan kanino man"

Sabi nito sa bata hinawakan niya ang kamay ng bata at tila may isang liwanag na hugis paro paro ang umikot sa kanilang kamay at unti unti nagbabago at naging parang isang pulseras ngunit bigla din itong nawala.

" Magpahinga ka muna babantayan kita hangang sa magising si Daleng"

Bulong nito sa bata at unti unti ay napapikit ito at nakatulog ng mahimbing.

Pagkagising ni Daleng ay pumunta ito ng banyo at naghilamos sinuklay at inayos ang buhok gamit ang lastiko.
Pagkalabas ng banyo ay nakita nito na gising na si Benjo at tila nawala ang kahit anong galos nito sa katawan.

Parang mas sumigla ito di kagaya ng nakaraang araw na di mo masasabi kung gagaling pa ito sa tindi ng bogbog at latay sa katawan nito.

"Aleng Daleng nasaan po ako ? bakit ang lamig dito parang ang sarap matulog ang lambot ng unan" sabi ni Benjo.

Lumapit si Daleng sa bata na may sobrang laking ngiti sa kanyang magagandang labi.

" Benjo salamat sa diyos nagising kana kamusta ka na ano gusto mong kumain ha? ... Teka tatawagin ko muna si Doc" sabi ni Daleng sa tuwa.

" Pwede po prayd tsiken paborito ko kasi yun eh" sabi ng bata.

Agad na lumabas si Daleng nag buzz sa nurses station ng floor at sinamahan ng nurse si Daleng papunta sa Pedriatrics at hinanap si Doc. De Silva.

Sumakay sila ng elevator papuntang second floor at nakita nilang may nagkukumpulan at may taong hinimatay na nakita daw sa storage room ng ospital . Yun ay ang sekyu na di pa nakaka uwi mag aalas 10 na pala ng gabi at tila tulala ito na parang may kinatatakutan.

Di naman sila naki pag osyoso at tumuloy na lang kung saan si Doc De Silva.

" Doc may babae pong naghihintay sa labas ikaw daw ang hanap di ko po masyadong maintidihan kasi medyo ngongo po siya" sabi ng secretary nito na babae.

"A sige bantay siguro ng batang nasa room 401 na inform na rin ako ng nurse sa taas hango at lalabas rin ako. Emergency siguro ito" sabi ng Doctor.

Nang makalabas ang doctor sa station niya sa kanyang silid ay agad itong sumama sa binging binibini at nurse para i check ang bata.

Pagbukas ng pinto ay agad siyang natigilan wala na ang mga pasa sa itura at katawan ng bata kahit anong bakas ay tila nawala ng parang bula.

" Nurse i schedule ang bata para sa xray at MRI kaylangan maeksamin ang bata bukas ng umaga" sabi ng doktor at lumapit sa bantay ng pasyente .

     Kaibigan ko ay si KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon