Ito ako ngayon kinakapos na ng hininga at halos hindi ko na maramdaman ang bawat parte ng aking katawan. Bali na ang aking tagiliran, may sugat pa ako sa ulo at saksak sa dibdib ang aking mga tuhod bali bali na rin akala ko kaya kong ulit takasan si kamatayn pero sa tantiya ko dito na ako magwawakas.
Nararamdaman ko ang mga patak ng ulan sa aking katawan nalalasahan ko pa ang alat ng dugo sa aking mga labi.
Ilang beses na ba akong nalagay sa ganitong sitwasyon ilang ulit na akong muntikang mamatay mula pa noon ng gumawa ako ng kasalanan at naging isang mamamatay tao hanggang sa magbago ako at nakita ang liwanag at inakay sa mula sa dilim ng taong di ko inakala na labis ko minamahal."Kriselda patawarin mo ako mahal ko di man lang kita nagawang iligtas".
Mga katagang pilit kong sinasambit hanggang mawalan ako ng malay pakiramdam ko ito na ako at sinisundo ni kamatayan ." Miguel".... Nang mamulat ko ang aking mata gusto ko sanang ipikit ang mga talukap nito dahil sa labis na pagkasilaw pero may isang boses na tumatawag sa aking isipan na tila pinipilit akong tumayo .
"Hindi pa ito ang iyong iras Miguel tumayo ka !!!! at maghiganti!!!!!" .
Bigla bigla ay nalusaw ang sinag ng liwanag sa buong kapaligiran at ako ay nagising .
" Anong nangyayari bakit puro kadiliman!? Nasaan ako ginoo nasaan ako ?" sambit ko dahil di ko makakita ni di ko maaninag ang aking mga paa at di ko makita ang daan tanging boses lang ng kung sino ang gumagabay sa akin .
" Dito sige sundan mo lang ang aking boses paglabas mo dito ipapaliwanag ko ang lahat" . Ang sabi sa akin ng boses hangang sa maaninag ko ang isang maliit na sinag na nagmumula sa isang butas.Nang makapasok ako sa isang butas ay parang may humila sa akin pataas akoy labis na nahindak ng makita ko ang kamay na humahawak sa akin isang kalansay na may nakasulat na kung anong letra na hindi ko
maintindihan .
Nakita ko ang kanyang mukha tila isang inaagnas na bangkay ang kanyang bibig at wala siyang mga mata at kumakalansing ang hawak nitong karit na may mga malilit na kampanilya na dekorasyon sa hawakan ." Sino ka aa at bakit mo ako nandito...". Mga tanong ko habang ako'y nanginginig na nakaharap sa isang nilalang na di ko maintindihan .
" Wala akong pangalan at hindi mo pa oras ako ay isang sugo ng paghihiganti at mapalad kang napili ko para sa isang tungkulin " .
Wika ng nilalang na ito. " Bakit, bakit mo ako napili maligaya na akong mamatay ? kung ito ang aking tadhana bakit mo pa ako hinugot sa kung saan makakasama ko na si Kriselda !?". Wika ko sa kanya.
" Magpasalamat ka na lang at hindi kita kinuha ng aking panginoon alalahanin mo sa bigat ng iyong pagkakasala malamang di rin kayo magkikita ni Kriselda !!!!!" Singhal sa akin ng nilalang sa isang nakakapangilabot na boses pilit kong pinaglalabanan ang takot ko dahil sa pakiramdam ko labis akong nanghihina .
Totoo ang kanyang sinasabi sa dami ng mga taong pinatay ko ninakawan wala akong ibang patutunguhan kung hindi sa impyerno at nang makayanan kong magsalita uli tinanong ko siya kung anong ibig niyang ipinapahiwatig .
Tumingin siya uli sa akin at nagliwanag ng asul ang kanyang mga butas sa mata niyang puro buto at inaagnas at nagwika .
"Ikaw ang may kailangan sa akin ibibigay ko sa iyo ang isang mutya ibabalik kita sa mundong ibabaw basta sa isang kondisyon ". Ang sabi nito . "Sige tinatanggap ko basta tulungan mo akong makapaghiganti "End of prologue.

BINABASA MO ANG
Kaibigan ko ay si Kamatayan
FantasiIsang nilalang na nawalan na ng pagasa , nalugmok sa pighati at kumapit sa patalim ngunit nabigyan ng panibagong buhay para magbago ngunit sadya yatang mapagbiro ang tadhana at ang kanyang nahanap sa halip ay isang kaluluwang tinatawag na kamatayan.