Chapter 4: Daleng

16 0 0
                                    

Papauwi na si Daleng sakay ng trycicle at may kalong kalong na maliit na tuta di pa rin niya mapaliwanag ang mga nangyari sa kanya kagabi.

Kinaladkad siya sa madilim na lugar na tambakan ng mga lumang gamit na madalas kinakalakal ng mga basurero at nangangalakal ng kung ano ano na pwede ipagpalit sa murang halaga.

Nahuli siya ni mang Berto na sinusubuan ng pagkain ang bata.
Ulam na mamantikang fried chicken na binili niya sa kapit bahay at supot ng kanin at tubig lang ang dala niya.
Nahahabag ito ng sa sinapit ng bata halos di ito makalakad ng madatnan ito may mga sugat na ito sa tindi ng hagupit ng kanyang amain.

Pinunasan nito ng bimpo at halos di magkaumayaw ang bata sa pagdaing kasi nasasagi nito ang kanyang mga pasa. Pagkatapos nito malinisan ang sugat ng bata binihisan niya ito at pinapakain. Sinusubuan niya ang bata at medyo kampanti ito dahil alam niyang uumagahin na naman si Berto sa pagiinuman kasama ang barkada nito.

"Aleng Daleng tulungan mo po akong makatakas hirap na hirap na po ako huuhuhuuu.." humihikbibg sabi ni Benjo.
"Gusto man kitang tulungan pero alam naman natin na mahuhuli ka lang ulit nila wala naman akong mga kamaganak na pwedeng takbuhan engkasong itakas kita rito. Pero pangako Ben hahanap ako ng paraan hihingi ako ng saklolo kay Kap"
Sabi nito kay Benjo pinicturan niya rin ang mga pasa at sugat ni Benjo para gamiting ibidensiya gamit ang kanyang cellphone.

Aalis din siya pagkatapos niya mapakain ang bata pero nagkamali siya dahil biglang dumating si Berto at kasama ang tatlo nitong kainuman ang isa ay may dala pang foil at straw na gamit niya panghithit ng shabu na kanyang na deskarte sa kanyang boss na tulak.

"Uy nandito nandito ka na naman aba  ang lakas ng loob mo ah!!! Akala mo siguro di ako babalik ano!!?" Sabi ni Berto ng padabog niyang buksan ang pinto.

Agad siyang pumunta sa bata at tinadyakan at sinapak niya ito at dahil sa pagkakatumba ay nabagok ang ulo nito at nawalan ito ng ulirat.

Agad namang saklolo ni Daleng dahil sisipain pa niya sana si Benjo ngunit nasalo ito ni Daleng at tinaman ang kanyang binti.

" Please maawa ka naman sa bata pinapakain ko lang at nilinisan ang sugat niya ano ba ang masama dun eh nagmamalasakit lang naman ako.
Di ka ba naawa sa kanya bugbog na kaatawan niya !!" Sabi at pakiusap niya sa medyong ngongong pagbigkas.

Nagulat naman si Berto dahil di pa niya alam na nagsasalita pala itong si Daleng alam ng mga kabarangay niya na Bingi itong pinanganak at di rin sila sigurado kung nakakapagsalita ba ito.

Di nila alam na maalam ang babae sa lip reading tinuruan kasi ito ng mga madre sa tahanang walang hagdan ng bata pa siya nakakabigkas siya ng mga salita ngunit kaiba sa natural na pananalita na parang ngang ngongo nakakaintindi siya basta nakikita niya ang bibig ng kausap niya.

" Aba nagsasalita ka pala !!!? Akala ko talaga pipi ka rin maliban sa bingi. Pero ano naman ang paki mo kung mamatay sa bugbog ang batang iyan!?. Wag kang makialam dito!!!"

Sabi ni Berto at sabay hablot ng buhok ng babae sinampal niya at tinadykan ito at natumba sa  mesa agad namang pumasok si Badong, Dado alyas kalbo at ang patpating si Pitong na dating asset ni Berto na ngayon ay kilalang adik at small time na tulak sa lugar nila.

" Boss sayang naman yan si mis byutipul kung sasaktan mo lang di mo ba alam masama kay lord yan? Sige ka parurusahan ka ni papa jesus" sabi ni Pitong na kakabatak lang kanina na ngayon gusto pa sanang bumatak ng shabu.

"Gago!!! Ikaw adik ka huwag mo akong masermonan diyan ikaw nga
Bangag buong araw eh!!!" Sagot nito kay Pitong sabay punta nito sa kusina may kinuha siyang lubid at plano nitong igapos ang bata dahil i ebenta niya ang bata sa mga sindikatong nag bebenta ng organs sa black market.

     Kaibigan ko ay si KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon