Kakabalik lang ni Miguel sa bahay nila at nakalimutan niya ata na ikinandado ni aleng Auring ang pinto ng bahay. Kaya nag teleport siya palabas sa lugar na walang makakapansin.
Kinatok niya ang bahay ni aleng Auring.
" Aleng Auring tao po!!! si Miguel po ito!!" Tawag niya sa kasera habang kinakatok.
Wala atang tao sa bahay kaya nagpasya siyang mag antay sa karinderyang malapit." Alam mo ba ang usap usapan !?" Sabi ng babaeng tsismosa sa katabi niyang tsismosa.
" Bakit ? tungkol ba dun kina Auring na sinugod sa ospital" sabi ni tsismosa 2." Oo baka raw kinulam kaya biglang nagkasakit, kaya ayun biglang lomobo ang tiyan at sinugod sa ospital" sabi ni tsismosa 1.
" Naku !! nakakatakot naman iyan at sino naman ang mangkukulam sa matandang iyon , eh ang bait bait na kapit bahay nun taklesa nga lang kung minsan" sabi ni tsismosa 2.Agad naman tumayo si Miguel at nagtanong kung saang ospital dinala ang matanda. Sinagot naman nila sa kung saan na parang kinikilig ang gwapong binata.
" Nilalang alam kong naririnig mo ako, pupuntahan ko lang si aleng Auring at kukumistahin sa ospital.
Kayo na ang bahala dito sabihan mo na rin si Amrosyo na sumunod sa ospital pagkatapos niya pakainin ang nilalang ni Supremo'' sabi ni Miguel sa kanyang isipan." Sige pero uwian mo ako ng pasalubong ah!!! gusto ko yung churos damihan mo masiba tong dalawa mong kasama" sabi ng nilalang sa isipan ni Miguel.
Agad siyang sumulpot sa ospital sinoot niya uli ang kanyang salamin para walang problema.
Nagtanong siya sa guard kung saang kwarto naka confine ang pasyente.
Pinuntahan niya ito agad at pagpasok niya sa kwarto ay nakarinig siya ng iyak." Huhuhu Tiyang bakit mo kami iniwan!!!! Hhu hu huuu!!!" Sabi ng pamangkin nito na katulong nito sa paniningil ng renta.
" Jimmy ano ba ang nangyari bakit ang bilis bilis naman!? sabi sa akin ng kapitbahay may sakit daw si aleng Auring kaya ako narito" sabi ni Miguel sa pagkabigla." Miguel di ko rin alam bakit pero nung umalis ka may nakaaway si Tiyang na matandang babae. Kamag anak daw siya ni mang Berto at napag salitaan niya ng masama si Berto kaya nag away sila, kinagabihan bigla na lang lomobo ang tiyan niya tapos sinugod na namin siya sa ospital dahil nagsusuka rin siya" paliwanag ni Jimmy.
" Siya ba ang pinaghihinalaan niyong may kagagawan nito ?" Tanong ni Miguel.
Tumango lang si Jimmy dahil di rin siya makapaniwala at maipaliwanag ang mga nangyari apat na araw na ang nakakaraan....." Aba bakit ako ang sisisihin mo sa pagkamatay ng walang hiya mong kuya!!!? Kasalanan niya bakit siya namatay salamat nga sa diyos at nawala na ang salot sa mundo!!!"
Singhal ni Auring sa isang babae na nasa 40 na siguro ang edad." Kayong lahat ang may kasalanan sa pagkamatay ng kuya ko nabaliw siya at nagpakamatay dahil sinumbong niyo siya barangay at pinakulong!!!"
Sabi ng babae." Aba kami pa ang may kasalanan!? hoy gaga!!!. Kung hindi namin siya pinabarangay patay na sana si Benjo!!!. Kabata bata yun lang kaya niya bugbugin kaya ayun nagkapatong patong ang kaso niya at naungkat ang mga kabalbalan niya salamat sa kay Den Tofu, makukulong na sana ang hinayupak kung di lang tinamaan ng saltik at nagbaril sa sarili!!!" Balik ni Auring.
" Ito ang tatandaan niyo kahit na masama pa ang kuya ko, kuya ko parin siya magbabayad kayong lahat pati na ang batang si Benjo magbabayad siya!!!!" Sabi ng kapatid ni Berton. " May saltik ka talaga kagaya ng kapatid mo!!!! Jimmy!!! Ang akin na ang itak tatagain ko ang bruhang to!!!" Sabi ni Auring.
" Tiyang tama na yan nakaka eskandalo na kayo eh. Ah miss pwede ho ba umalis na kayo tatawag ako ng barangay pag mang gugulo kayo dito"
Ito ang mga natatandan ni Jimmy bago dalhin sa emergency room si Auring na ngayon ay isang matigas na bangkay na. Sinalaysay niya ang mga sinabi ng babae kay Miguel.
BINABASA MO ANG
Kaibigan ko ay si Kamatayan
FantasyIsang nilalang na nawalan na ng pagasa , nalugmok sa pighati at kumapit sa patalim ngunit nabigyan ng panibagong buhay para magbago ngunit sadya yatang mapagbiro ang tadhana at ang kanyang nahanap sa halip ay isang kaluluwang tinatawag na kamatayan.