Masaya ang araw ng parangal para kay Miguel nabusog talaga ang mga kasamahan niya sa trabaho.
Sina Benjo at aleng Auring bundat na bundat pero nagawa pang magsupot ng pagkain." Grabe kayo ang laki na ng tiyan mo Benjo magbabalot ka pa !?" Sabi ni Miguel sa bata.
" Minsan lang naman to kuya at para naman kay pochi ang iba" sabi ni Benjo." Oo nga naman Miguel minsan lang to at di araw araw ang handaan,teka nga pala nalilito na ako ano ba talaga pangalan mo Mike ba talaga o Miguel" tanong ng kasera niya .
" Palayaw ko lang po ang Miguel kasi yun daw ang tagalog ng Michael yun po talaga ang pangalan ko Michael, pareho pong palayaw ang Miguel at Mike" sabi ni Miguel.
Yun kasi ang turo sa kanya ng nilalang marami nga siyang kapangalan na Miguel Chavez sa panahong ito, pero di nagtutugma sa edad at itsura niya ang iba nasa 50 pataas na edad pa at ang isa ay mag tatatlong taon palang. Mabuti ng palitan ang pangalan niya para walang maghinala.
" Daleng bakit parang wala kang imik diyan ?'' tanong ni Auring. Tinapik pa niya ito sa balikat para mapansin.
" Ah eh wala lang po ito parang may mali po kasi sa bisita ni Mayor kanina, ewan ko ba parang kinakabahan ako pag nakikita ko siya" sabi ni Daleng." Huwag mong pansinin yun at isa pa mabait na tao si Amang Balgog, noon ngang nakaraang taon ng may bagyo sa kalapit na baranggay ng umapaw ang ilog eh mga kasama niya ang naghatid ng tulong" sabi ni aleng Auring.
Di lang pala si Miguel ang nakakaramdam ng masamang awra na nanggagaling sa kay Balgog kahit na pang karaniwang tao kagaya ni Daleng ay pansin din ito.
" Miguel mag iingat ka pinapmanmanan ka ni Balgog sa tauhan niya. Mabuti siguro utusan
mo si Ambrosyo na gamitin niya
ang kanyang hunyango para
bantayan ka" sabi ng nilalang." Paano mo naman nalaman iyan !?" Tanong ni Miguel gamit ang kanyang isipan.
" Sabi sa akin ng insekto ng mangkukulam na kinontrata ko para magmanman sa tauhan ni Balgog, kung ako sa iyo uunahan ko na sila o kaya gamitin mo rin ang isang nilalalang ni Supremo para sa iyong alas" sabi ng nilalang." Di ko pwedeng gamitin yun masyado siyang marahas baka may madamay na inosente" sabi ni Miguel.
" Gamitan mo kasi ng alay para mapasunod siya, hindi ka makakagalaw ng malaya pag patuloy kang binubuntutan ng mga alagad ni Balgog. Kailangan mong matapos ang mga orasyon sa gamit ng Supremo para hindi ka mahirapan"
sabi ng nilalang.Nang makauwi na sila ay hindi parin mawala sa isipan ni Daleng ang masamang nararamdaman niya sa pinuno ng kulto.
Parang nagbago ang itsura niya ng kaunti ng tingnan niya ito ng maigi, parang ang bata niya tingnan o di kaya namamalikmata lang siya." Ate papaliguan ko lang si Pochi tapos papakainin ,diyan lang po ako sa poso kina aleng Belen makikiigib lang po ako" paalam ni Benjo.
" Sige Ben mabuti di mo pinapabayaan si Pochi "Habang nagiigib si Benjo ay may napansin siya na parang may mga maliliit na marka ng paa sa daanan papuntang bahay ni Miguel na dati nilang tirahan ng walang hiya niyang amain.
Sinundan niya ito dahil di niya mawari kung anong hayop ito dahil parang sa paa ng maliit na kabayo ito at tila nagliliwanag ito na siya lang ang nakakakita.Napunta siya sa duyan sa likod bahay nakasabit ito sa puno napasigaw siya dahil sa nakita niya . Ang isang nilalang na kasing tangkad lang ng dalawang talampakan ,parang kahawig ng aso pero napaka payat nito at may sungay din ito na parang sa kambing nakabaluktot ang likod may mahahabang pangil . Nakatayo ito na parang matanda ang tindig at may paabrin itonng parang sa kabayo.
" Ah!!! Halimaw!!!" Sumigaw siya ng sumigaw pero di siya marinig nagbato ng tigalpo ang nilalang sa kanya at mabilis siya nitong sinugod kinagat siya nito sa binti.
BINABASA MO ANG
Kaibigan ko ay si Kamatayan
FantasyIsang nilalang na nawalan na ng pagasa , nalugmok sa pighati at kumapit sa patalim ngunit nabigyan ng panibagong buhay para magbago ngunit sadya yatang mapagbiro ang tadhana at ang kanyang nahanap sa halip ay isang kaluluwang tinatawag na kamatayan.