Chapter 10: Kambal na Anghel

11 1 0
                                    

Nasaloob na ngayon si Miguel ng isang sekretong silid isa itong bunker sa ilalim ng slaughter house.

Dito tinatago ng mga aswang ang mga bata at ang mga babaeng dalaga na ginagawa nilang lahian ang mga matanda naman ay diretso sa silid ng katayan .

Nakita ni Miguel ang mga kulungan at maraming mga batang umiiyak ang isang batang lalaki nakatikim ng sapak sa bantay hindi ito aswang ordinaryong tao lang ito pero isa itong alipin ng mahika ng haring aswang.

" Tumahimik kayo sabi eh !!!!pag hindi kayo tumahimik diyan puputulan ko kayo ng dila!!!" Sabi ng bantay ng kulungan.

" Palabasin mo na kami hinahanap na ako ni Mama!!! Huhuhu!!" Sabi ng batang lalaki na nasa tatlong gulang na siguro matalinong bata ito at marunong mangatwiran para sa edad niya.

Plagg!!!!! Hinampas niya ng batuta ang rehas mabuti di nakawawak ang bata kung hindi balibali ang mga daliri niya sa pagkakahampas.

" Isa pa subukan mo at ako mismo ang kakatay sa iyo ipapakain kita sa mga alagang sigbin ng boss ko!!" Sigaw ng bantay sa bata.

Tumahimik bigla ang bata kahit di niya naiintindihan ang sinasabi sa kanya ng bantay, biglang nanlaki ang mga mata niya ng makita siya ng isang sobrang laking pusa na may matutulis na kuko at mala bakal na balahibo nasa likod ito ng bantay.

" Anong tinitingin tingin mo diyan tusukin ko mata mo eh!!!! Aba titingin pa titingin pa!!!" Sabi ng bantay pero ang bata nakaturo sa likuran ng bantay.

Biglang hinablot ang bantay at dumanak ang dugo sa rehas na kulungan ng sagpangin ito ng malaking ousa, nagsisigaw lahat ng mga nakakulong sa takot pero walang lumalabas na boses sa kanilang sigaw nagbato si Miguel ng tigalpo di naglaon nakatulog silang lahat bigla.

Parang na recharge naman ang enirhiya ni Miguel sa daming emosyon ang kanyang nasasagap.
Biglang nag ilaw ang mga mata niya naging kulay puti.

Mula sa sekretong silid sinundan pa niya ang multo ng batang babae sa ilakawang palapag pag labas niya sa taguan ng mga bihag.

Dito na ang ang lugar kung saan kinakatay ang mga tao ang mga matatanda at may ilang bata na pag hindi kumain ng laman ng tao ay kanila ding kinakatay.

Sumakit ang dibdib ni Miguel sa nakikita maraming mga tumpok ng mga parte ng tao sa paligid mga mantsa ng dugo sa sahig at nahindak siya sa mga itsura ng mga aswang na ito mga mukhang baboy ramo na may may mahahabang sungo sa bibig ,nagsisipulahan ang mga mata nila at may mahahabang buhok  at balahibo sa katawan ang ilan sa kanila may mga suot na kwintas na diamante mga mutya ito pero mahihina lang ito.

Kung ikukumpara mo sa kay Miguel mahihina lang sila pero napakarami nila di niya kakayanin kung magisa lang siya. Kaya ang ginawa niya ay nagsaboy uli siya ng mga tumpok ng lupa may mga unanong golem uli ang lumabas tinawag niya ang mga kaluluwa sa paligid, sinabihan niya ang mga ito na kung gusto nila gumanti ito na ang pagkakataon nila.
Sampong unanong golem itong lahat.

Pinapasok niya ang mga ito sa katawan ng mga golem lumaki ang mga ito mga walong talampakan siguro ang bawat isa sa kanila at sumugod sila sa mga aswang , nasa higit isang daan lahat ng aswang sa loob ng slaughter house ng mga malignong lamang lupa na nasa labas nakabantay ay di bababa sa kwarenta pero mabilis lang sila nasalisihan ni Miguel pag pasok niya kanina.

" Sino kang pangahas ka magpakita ka alam kong nandiyan ka lang huwag mga golem ang gamitin mo!!! , lumaban ka at himarap sa akin kung matapang ka!!!" Sabi ng isang aswang iba ang itsura nito mahaba ang mga niyas nito may mapuputing buhok at at maitim at kulubit na balat.

" Andito ako!!!!!" Sabi ni Miguel at hinampas ng kanyang latigo ang aswang umusok ang latay nito at naagnas ang kanyang balat.

" Hindi maari anong klaseng nilalang ka!?" Ang sabi ng aswang.

     Kaibigan ko ay si KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon