chapter 15: Supremo

4 0 0
                                    

Sa bahay ni Miguel....

“ Hanggang kailan mo ba ako hindi kikibuin ?. Kung makaasta ka parang wala ako dito ah!?” tanong ng nilalang.

Ilang araw na rin silang ganito tila ay tampo si Miguel dahil di pa nito sinasabi kung ano ba talaga ang misyon niya sa mundo.
Nalaman pa niya ang kanyang tadhana sa isang demonyong nakalaban nila na si Belfagor.

" May naririnig ka bang nagsasalita Ambrosyo?" Sabi ni Miguel na sarkastiko.
" Ahhh!!! Para kang bata ilang araw ka ng ganyan ginagawa ko ang lahat para sa iyo!!!, Ngunit heto lang ang inaabot ko!!" Dabog na sabi ng nilalang.

" At ako pa ang may kasalanan ngayon!?, bakit, tinanong niyo ba ako kung gusto ko ang tadhanang ito na patayin si Balgog?, eh ni hindi ko naman siya kilala at wala siyang atraso sa akin maliban sa pagiging demonyo niya at kalaban ng kampo natin'' sabi ni Miguel.

" Hindi mo nga ginusto pero sino ka para kwestyunin ang kagustuhan ng maykapal!?. Pasalamat ka at ibinalik ka niya sa mundong ito kahit na sa totoo di ka naman karapatdapat. Kung may iba lang na kadugo si Supremo sa kanya na ako lumapit"

" Para sa kapakanan ng mundo ang ginagawa mo Miguel. Ngayon na lumalabas na ang demonyong katauhan ni Balgog, hindi na mapipigilan ang pagpapalaya sa hari ng mga demonyo"
Sabi ng nilalang.

" Di rin ito ang pinili kong landas Miguel, dahil sa kasalanan ko sa pagkampi sa kay Satanas noon kaya ako nagkaganito. Pero wala akong pinagsisihan dahil sa desisyon ko nakilala ko ang mga mabubuting tao.
Marami akong naging kaibigan katulad mo" dagdag ng nilalang.

" Boss tama na yang away niyo kumain na muna tayo kanina pa kami gutom eh " sabi ni Aguhoy.
" Mauna na kayong kumain diyan alam niyo naman na di ko kailangan ng pagkain ng tao sa sistema ko "
Sabi ni Miguel tiyaka lumabas ng bahay.

" At saan ka naman pupunta!? Hoy naguusap pa tayo!!!" Galit na sabi ng nilalang pero wala lang imik si Miguel at biglang naglaho ito.

Lumitaw siya sa taas ng isang building nakatitig sa paligid at nagmumuni muni.

" Miguel ano ba ang kailangan kong gawin para magkaayos tayo?''
Ang sabi ng nilalang na bigla din sumulpot sa building.
" Di ko alam kung mapapatawad pa kita, alam mo galit ako sa diyos kaya kung gusto na niyang wasakin ang mundo bakit di pa ngayon?"

" Bakit kailangan pa ng bwisit na propesiya?!. Sa dami ng mga walang hiya, kokonti na lang ang alam kong mabubuti kaya kung gusto niya na mawasak ang mundo, sige!!!" Sabi ni Miguel.

" Gago ka talaga at papano ang mga taong napamahal na sa iyo!? Si Benjo, si Daleng at yung lovi dovie mong si Auring !?. Hahayaan mo na lang ba na maghirap sila pagnaghasik na ng kasamaan ang mga demonyo. Nakasaad sa propesiya na maghahari ang kasamaan ng isang libong taon bago ang paghuhukom"

" Magiging madugo ang digmaan, kahit gaano kalakas ang mga anghel kokonti lang sila kumpara sa mga demonyo at mga dating anghel na kakampi si Hal El o yung tinatawag ninyong Lucifer " sabi ng nilalang.

Biglang naliwanagan si Miguel sa mga sinabi ng nilalang. Tumingin siya sa nilalang ng makahulugang titig.

" Hindi ko alam kung may pagasa ba talaga tayo nilalang. Pero kung ito ang tadhana ko at ng nasirang Supremo, gagawin ko ang lahat para tapusin si Balgog.
Ngunit gusto ko munang malaman kung paano ako na lang ang natitira sa lahi ni Supremo. Ano ba talaga ang nangyari ?"

Huminga ng malalim ang nilalang at nagpalabas siya ng isang bolang kristal.
" Ito tingnan mo ang mga nangyari sa nakaraan diyan sa kristal"

Taimtim na nanonood si Miguel sa mga alalang nakasilid sa kristal ng kaluluwa at panahon ng nilalang.

1913 panahon ng americano sa isang liblib na bayan ng Rizal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

     Kaibigan ko ay si KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon